Makabayan at Bukas-Loob

| | | |

Paano mo nga ba masusukat ang pagiging makabayan? Ito bay sa pamamagitan ng pag gamit ng sariling wika O pag tira sa sariling bansa?
Ganon na rin ang pagiging bukas-palad,  Ito bay makakamtan lamang sa ng pagtulong sa mga nangangilangan?

Marami sa ating mga kababayan na nakatira nga sa sariling bayan
Pero ni tumulong kahit na isang kusing lang
Hindi man magawa sa mga nangangailangan

Meron din naman sa bayan ay malayo
Pero tumutulong kahit na kakarampot. Hindi mahalagang ito ay kokonti lamang pero taos sa puso
At hindi pinaglalantaran

Maraming mga tao nasa akin ay nagtatanong
Bakit ako ay malayo at wala ako doon

Ilang beses ding ako ay nagpumilit mag trabaho sa atin, Aking dunong don ko nais gamitin.

Pero dahil sa ekonomiyang sadya namang hirap. Sa akin ang trabaho tila laging lumiliyag. Kaya kahit ng sa akin ay mahirap. Nasa ibang bansa at dito nagsisikap

Sa Estados Unidos, tumira din ng matagal
Pero sa isip ko mas aking ikararangal
Magtrabaho sa labas kung saan mas ako kailangan
Mga taon mahihirap, marahil puede kong tulungan

Bakit nga ba hindi sa ating bansa, mga bagay na itong aking ginagawa. Pero sa lahat, pera ay kinakailangan, kaya naman nagiipon muna ako ng puhunan
Kung ito man ay mali, wala ako magagawa. Dahil kapag umuwi ako sa ating bansaIsa lang din ako sa magiging problema ng ating gobyerno. Sa kadahilanang walang trabaho kahihinatnan ko

Mas gugustuhin ko pang malayo ako At nakaiipon para sa bayan ko

Pagdating ng araw at puno ng alkansya ko. Uuwi din at mag uumpisa ng sarili kong organismo


Sukatan

Magaling!  Wala sa kinaroroonan ang pagiging tunay na makabayan.  Nasa puso yan at anuman ang kabutihan ng puso, lumalabas sa pamamagitan ng salita at gawa.  Sana magtagumpay ka.  SEN

Jade Matanglawin's picture

Tama ka

Yeah.. tama ka. We couldnt blame them kung marami ang nagsisipag-abroad dahil kailangan din nilang kumayud para makabawi sa kanilang mga pangangailangan. And we also SALUTE those Nurses and other Professionals who opted to SERVE the Filipino People...

Try to visit this link to read my article Makapaglilingkod Ka ba sa mga Kababayan mo? http://www.filipinowriter.com/makapaglilingkod-ka-na-ba-sa-mga-kababayan...

and i do hope for your comment on my article.. thanks