note to self
Ang malungkot na katapusan ng isang kwento ang nagpapasaya sa akin. Gusto ko kasi matpos din agad ang kwento ng bida kapag natapos ang kwento para hindi na mahirap isipin ang kasunod na pwede pang mangyari sa bida, sa mundo kasi walang natatapos kahit na pumanaw ka hindi pa rin duon natatapos ang istorya. Kaya mahal ko na talaga si bob ong..
"Hindi naman masamang sumuko kapag alam mong wala ka nang pag-asa diba? Hindi naman masamang umiyak kapag nasasaktan ka. Hindi masamang umasa sa wala. Hindi masamang sumubok. Ang masama e yung hindi mo man lang sinubukan tapos malalaman mo pwede naman pala. E, anu naman kung mapahiya ka? e anu kung matalo ka? E anu naman kung laitin ka? Kung pagtawanan ka man nila hindi naman nila ikasasaya yun. Hanggang dun lang sila. Hanggang pagtatawa lang naman ang magagawa nila sayo. Hindi naman duon matatapos yun."
Yang mga yan, sinasabi ko ngayon sa sarili ko. Kasi wala namang magsasabi nyan sa kin maliban sa sarili ko. (February 14, 2010)



Ang paborito kong quote ni Bob...
"Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin"
:P