Oda sa Diyosa ng Pagkawasak

j luna's picture
| |

Siya ang magsasabi kung ano ang tama at nararapat-
para sa kanya.
Siya ang maglalapat at naglapat ng kalsadang kanyang tinawid o tatawirin patungo sa
nais na patunguhan o balikan.
Siya ang tagapagpatag ng daan na kanyang tatahakin.
Sa gitna ng kasukalan,
hahawiin niya ang aking kamay at tatanggihan ang alok na tulong at maginoong pag-akay.
Di siya bulag, di siya bingi
Di siya manhid.
Alam niya.
Alam na alam niya ang daan.
Alam niya dahil
kanya ang mundong kanyang pinamamahayan at nais kong pamugaran.
Kanya at tanging kanya lamang.
Kanya lamang at kailanman ay hindi mapapasakamay ng kahit sinuman.
Kanya,
kaya't di niya pababayaang gambalain ng aking mga bulong at buntong hininga ang
matayog na paglipad ng kanyang guni-guni at mga
pangarap--
ang pag-inog ng kanyang kaluluwa.
At siya lang ang makakapag-pabilis at magpapabagal ng daloy ng kanyang ilog ng Styx at sapa ng Lethe,
ang bilis o bagal ng pag-agos ng kanyang kamalayan...
Siya ang magsasabi kung kelan o kung bakit kailangang dumaloy patungo sa malawak na karagatan,
na siya rin ang nagpapa-alon...
Na siya rin ang nagbibigay ng babaw at lalim.
Ang lalim at babaw ng kamalayan at kaluluwa na kahit kanino'y hindi niya iaalay o isusuko.
Tanging kanya, at kanya lamang...
Siya ang magsasabi kung ang langit ay magiging
nakakasilaw na liwanag o sadyang bulag na karimlan.
Siya ang magsasabi kung may araw o unos-
at alam niya ang nararapat na oras para dito.
Ang tamang oras upang pasikatin ang araw sa kanyang tag-sibol,
o paguhuin ng kanyang malakas na hangin at bagyo ang anumang bagay na humihinga't may buhay sa kanyang paraiso, sa panahon ng kanyang tag-ulan.
Siya ang buhay
at Siya ang kamatayan sa isang paraisong nakalaan lamang para sa kanya.
Dahil siya ang nakakaalam ng inog ng kanyang mundo.
Dahil siya ang nagpapainog ng mundo.
Hindi ako, hindi ang kahit sino.
Siya lamang, tanging siya..
Siya ang nagsulat at magsusulat ng tula at kuwento.
Siya ang maglalapat ng bugtong at salita.
Ng sukat at ritmo.
Siya ang bukal ng hindi masasaid na inspirasyong kanyang pinaghuhugutan ng hininga.
Ang maglalapat ng tuldok,
ng tandang pananong
ng kuwit
At ng nagaalimpuyong tandang pandamdam.
Siya ang magsasabi ng simula at ng katapusan.
Siya ang panaginip at siya rin ang pagkagising...
Siya ang simula at ang wakas ng isang pangarap na inakala ko'y maaaring mapagsaluhan sa isang piging ng mga magagandang panaginip.
Siya ang pluma at papel, at ako'y isa lamang tuldok na nagnanais na magkaron ng papel na gagampanan sa dulang kanyang patuloy na isinusulat.
Sa bawat hininga, sa bawat pintig ng puso--
ang buhay na siya ang nagpahiram at may kapangyarihang kitilin ay maaari niyang bawiin.
At ako ay walang magagawa, dahil siya ang lumikha,
At siya rin ang dahilan kung bakit kami ay narito.
Bagama't ang kami ay nananatiling nahahati sa siya at ako,
sa isang mundong tanging kanya lamang.

j.luna

Rom's picture

.

ano kaya ang react ng isang babae kung ito ang tulang ibibigay mo sa kanya?

galing nito bro, panalo! parang Da Vinci Code. 

 

KarikaTuura

j luna's picture

salamat.

salamat.

wow! nice

j luna's picture

thanks

thanks

kwekwento's picture

Astig

Sir, galing naman nito. may ini-imply po bang metaphorical meanings to o more on symbolism? astig kasi e

 

pakihusgahan naman po tong nobelang ginagawa ko, kung papasa na po ako.

http://filipinowriter.com/kanta

salamat.

j luna's picture

Hindi ako gumagamit ng

Hindi ako gumagamit ng metaphors and symbols...Language lang o structures ng language. Kung trip mo na-i interpret it's your call. It's the reader's poem not mine.

jonsdmur's picture

wow! galing naman

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

wala ka talagang kupas....

jons 

j luna's picture

gumagamit kasi ako ng Downey

gumagamit kasi ako ng Downey at di ako nagc-chlorox

Kinse's picture

kuya jay..

 kahit kelan magaling ka talaga.. haha.. nagbuklatbuklat lang ako ng mga literatures mo... now ko lang nabasa to.. galing galing..

...............................................................

" Love is like heaven, but it hurts like hell."