OK Comprende
OK Comprende
Akin na ang sabon
Maliligo na ako
Habang may tubig pa
Sa gripo
Malamig ang tubig
(Nginig! Nginig!)
OK ipampaligo
O ipandilig.
Akin na ang plato
Kakain na ako
Habang may kanin pa
Sa kaldero
Malamig ang kanin
(Lamig! Lamig!)
OK isangag
O gawing pinipig
Akin na ang kumot
Matutulog na ako
Habang may mahahanapan pa
Ng pwesto
Malamig ang higaan
(Banig! Banig!)
OK tulugan
Kumpara sa sahig.
29 May 2005
ika-anim na tula sa aking unang koleksiyon ng mga tula, Sinturong Pangkaligtasan.
ang pamagat ay halaw sa pamagat ng isang instrumental track sa album na Carbon Stereoxide ng Eraseheads. ang tula ay naglalarawan ng pagtitiis at pagiging maabilidad sa gitna ng kahirapan.
Mga tula mula sa Sinturong Pangkaligtasan:
Bum · Isay · Pula · Sinturong Pangkaligtasan · Mani · OK Comprende · Indyanism · Pinakbetter Than Wala · Idlip · Hyperbola · Wala · Bata, Bata (Ganito Ka Ginawa) · Hello Lucy! · Luha · Gambatte Kudasai


