Olats
Olats
Aanhin pa ang Valentines
Aanhin pa ang Pasko
Kung wala rin naman akong
Pagbibigyan ng regalo?
Aanhin pa ang
Maligo sa ulan
Kung sa pagtila nama’y
Walang mag-aabot ng basahan
Sa sahig
Nang ‘di mabasa
Sa aking pagpasok
May sopas bang nakahanda?
Aanhin pa ang amg-polo
Aanhin pa ang cologne
Kung wala rin naman kong kasama
Maglakwatsa maghapon?
Aanhin pa ang gumising
At magkape sa umaga
Kung ang araw nama’y
Malamlam, tulala
Nakatitig
Sa kawalan
Mga panalangi’t mga pangarap
Kailan kaya mapapakinggan?
20, 21, 26 February 2006
ang tulang ito ay kabilang sa Throw-away Love and Other Poems, isang koleksyon ng mga tula. :D
Iba ko pang akda na baka hindi niyo pa nabababasa:
Mga Tula:
Mga Maiikling Kwento:
salamat po! :D
aba! mahalaga ang pagtulog!
aba! mahalaga ang pagtulog! nakakapagpasigla ito ng ating mga katawan oha! :D
I'd love to turn you on...
magandang tula ito. bagay
magandang tula ito.
bagay lang sa AKIN!!!
ggrrrrrrrrrrrr........





enjoy ba V-day
enjoy ba V-day ninyo?
antrapik, aaargh!
I'd love to turn you on...
Videoke the Radio Star