Paalam, tatay
(Speech partly delivered during necro service,September 16, 2009)
“Magandang gabi po sa inyong lahat. Kahit hindi ko po alam kung paano sasabihin, dahil parang di po ba sapat at walang eksaktong salita..ngunit sa kahit anumang paraan kami po ng aking pamilya ay nagpapasalamat sa inyong pakikiramay sa amin. Lakas po ng loob ang siyang bitbit ko dito upang makapagsalita sa inyong harapan. Dahil napag-isip-isip ko po na mahirap palang magsalita sa harapan ng maraming tao..kapag naiiyak ka..ngunit hindi naman pumapatak ang iyong luha..na para po bang naubos na…nasagad na.
Lakas din po ng loob ang ginamit kong sandalan sa loob ng anim na buwan na pagsuporta, pagharap sa katotohanan na sa isang galaw ng tadhana ay mababago ang lahat. Minsan napag usapan namin ng friend ko, alin ba talaga ang mas masakit tanggapin, yong bigla na lang mamatay ang iyong mahal sa buhay o bigyan ka ng ilang buwan para paghandaan iyon? Sabi niya mas masakit daw yong bigla dahil wala ka man lang nasabi sa kanya, hindi mo naipadama sa kanya na mahal mo siya at maraming pang sana. Nasabi niya yon dahil yon ang pinagdaanan niya sa kapatid niyang namatay dahil sa isang aksidente. Sabi ko po parang mas mahirap yong alam mong ilang buwan na lang, mawawala na siya. Ansakit sa dibdib..parang araw-araw kang pinapatay..binubuhay ng isang reyalidad at pinapatay ka ng isang bangungot na ni minsan hindi mo gugustuhing gumising pa.
Para po kasi talagang isang panaginip lang ang mga nangyari, kasi sinamahan ko pa po siya sa clinic para magpacheck up para sa balakang niya na lagi sumasakit, sabi ko baka infection sa ihi..anti-biotic lang yon eh. Alam nyo po ba yong pakiramdam pag lumalabas lahat yong mga medical results niya na negative daw sa UTI, ok ang kidney. Nagagalit na nga po ako sa dr. Sabi ko po eh kung wala sakit tatay ko bakit hindi mawala sakit niya sa balakang. Parang mas ok pa na marinig mo na may infection siya o may kailangang operahin, para alam mo na kaagad kung ano gagawin hanggang pinag-pasapasahan na kami ng mga dr baka daw sa baga dahil smoker siya, pero ganon parin ..negative, prostate dahil nagkakaedad na siya pero hindi rin. Hanggang ang sumunod na mga lingo na puro tanong na lang kung ano ba talaga sakit niya. Hindi na siya makabangon at dumaan na sa lahat ng machine..hanggang sa dumating ang hatinggabi na sinikreto ako ng dr. at sinabing may kanser si tatay…hindi na kaya ng chemo…at kung ano-ano pa dahil terminal stage na…iuwi ko na lang daw siya at pakainin ng lahat ng gusto niya.
Wala po akong nararamdaman nong oras na yon. Hindi ako naiiyak. Manhid ata ako non. Parang isang linya lamang ang lahat sa isang sa pelikula. At parang simple lang lahat ang mga paliwanag niya na sa darating na mga araw ganito ang mga mangyayari sa tatay mo…wala lang ...sabi ko, alam ko po yon doc kasi nabasa ko na po kung ano nangyayari sa taong may kanser…pero hindi pala kapareho kapag binabasa kesa aktwal na nararanasan.
Wala akong mapagsabihan ng malupit na sikreto na yon…pumasok na ako sa kwarto ni tatay at tinanong niya ako “ano sabi dr. ano daw sakit ko”. Isang simpleng sagot lang sinabi ko na hindi tumitingin sa kanyang mga mata. “pinag-aaralan pa daw po nila yong mga medical results”. Ngumiti akong pilit at nagpaalam umuwi sa bahay. Pero hindi pwedeng ako lang ang makaalam kaya kinausap ko po ang mga kapatid ko, si nanay at malalapit na kamag-anak. Nagsimulang mag-iyakan…kung ano-ano reaksyon at nagdecide na itago muna kay tatay lahat.
Umuwi sa bahay. Inayos ang dapat ayusin. Inaalagaan namin si tatay…ibinigay ang kayang ibigay at napilitan na sabihin sa kanya ang totoo ng dumating na ang panahon na malala na siya…. Na nagtataka kung bakit hindi siya gumagaling…hindi ko na rin po alam kung paano niya tinanggap ang nangyari..o natanggap ba niya o napilitan siyang tanggapin. Sa loob ng anim na buwan, nakita namin kung paano siya nakipaglaban kay kamatayan…pero siguro po ang nakatakda ay nakatakda talaga. Pinilit na rin naming tanggapin ang lahat sa tulong ng Dios..ng mga kaibigan, mga kamag-anak na tumulong sa iba’t ibang paraan..salamat po sa inyong lahat…
Mahirap pong magpaalam sa taong pinagkakautangan mo ng buhay…parang kahit gaano katagal, hindi ito sapat para tanggapin na wala na siya. Habang nalalagot ang kanyang hininga, ibinulong ko sa kanya na mahal namin siya, pero kailangan na niyang magpahinga, dahil patuloy kaming nasasaktan na makitang nahihirapan siya..umagos po ang napakaraming luha sa kanyang mata…mga luha na pinigil sa loob ng maraming taon..mga luha na tinago sa dibdib, dahil siya ay lalaki, ama, asawa, kapatid, anak…luha na pinalaya..pinakawalan sa dibib na may lungkot, pagdaramdam, galit at saya.. at luha ng pamamaalam…Maari pong hindi niya naibigay sa amin ang lahat ng aming kailangan, ngunit alam ko pong ibinigay niya ang buong pagmamahal niya..ang buong buhay niya para sa amin at hindi po yon matutumbasan ng kahit ano..Maraming salamat..at paalam Tatay…mahal ka namin
...
I know how it feels like when someone you love is battling an illness.
I pray for you and your family.
http://forcedengineer.wordpress.com
tnx a lot. god bless
tnx a lot. god bless
sori ha napaiyak kita..medyo
sori ha napaiyak kita..medyo nakamove on narin...tnx for your time. God bless
..cool.........
mr.impressive♥♥♥ ...ahhaaaa!! ok nman!! cool.........
ganyan talaga..
..sa amin..napagdaanan na rin namin yan ng pamilya ko...nanay ko yung namatay..ang sakit..sobrang sakit..parang wala ng bukas...hndi ko maexplain naramdaman ko that time..di ako pwedeng magalit kasi hiram lang ang ating buhay..kaya natin toh....aja!






awww... touching
sobrang nakakaiyak ung entry mo... naalala ko papa ko... hope ok na kayo ng family mo..