paalam tatay

|

salamat sa iyong paghubog

sa aking ina na kay husay.

salamat sa iyong pag gabay

habang nasa malayo ang aking itay.

salamat sa iyong patnubay

sa panahon nasa trabaho si inay.

salamat sa iyong pag unawa

sa akin na kay kulit na bata.

salamat sa iyong mga salita

na umaakay sa aking paglalakbay.

salamat sa iyong pagtanggol

pag ako'y nagkakasala.

 

sana'y nasambit ang mga katagang ito habang buhay pa. 

gayon pa man alam kong, alam mong mahal ka namin tunay

alam kong masaya ka kung nasan ka man naroroon.

paalam tatay, hindi ka namin malilimutan. 

ako

=D

kindly help me improve my work..=D

comments.. suggestions.. violent reaction..

hzljygnzlslmnzr

bahalanaman's picture

Try ko lang ha... hindi ako

Try ko lang ha... hindi ako ganun kahusay na manunulat o kritiko, pero malay natin may matutunan tayo pareho...

Una... kung di ko babasahin ang pamagat ng tula mo, iisipin ko na nagpapasalamat ka ng madiin sa isang taong namayapa na, at pinakamalapit dito ay ang iyong lolo (na ama ng iyong ina) o maaaring ibang tao gaya ng lalaking guro na tinawag ring sa tatay.

Ikalawa...  hindi ka nag 'po' kaya maaarng galing ka sa pamilya mula sa Visayas at naglagay ka ng variation sa lolo mo=tatay, at itay=tunay na ama (di naman ito mahalaga gusto ko lang itanong, tama ba?)

Ikatlo... walang pamantayan sa malayang taludturan ukol sa pag-uulit ng salita pero sa maraming pagkakataon iniiwasan ito (maliban na lamang kung kailangan bigyan ng diin) o doon maipakikita ang justice ng tula.

Ikaapat... wala akong makitang mali sa likha mong tula maliban sa wala itong misteryo na isa sa mahalagang sangkap ng isang tula.

Ang misteryo ay mahuhugot na parang bulate sa pwet. Makati ito sa isip at maaari itong ihambing-hambing sa isang pangyayari, bagay, panahon, irony sa buhay at sa marami pang iba.  Maaari mong paikot-ikotin ang bulate sa iyong daliri habang dumadaloy ang tula, bago mo ito hugutin pagkatapos. (Gets mo?)

Sana nakatulong ako kahit konti....

 

 

"... hindi lahat ng tao ayaw mamatay, hindi rin lahat takot maiwanan,  pero isa lang ang sigurado ako... lahat tayo dadaan sa ganito...."

-ryanfranciscoampuan-

dyeppri's picture

Tama ka Bahalanaman...

Ang mga salitang nakahilera na parang kahon ay hindi maituturing na isang tula kung wala ang mga sangkap nito, hindi ganoon kadaling masabi ito. Marami ang nagkakamali at ginagawang pananggalang ang isang klase ng tula na kagaya ng malayang taludturan. Kailangang ipakita ang misteryo, ang eronya dito bago mo masabing tula na nga ito, ang sa ganang akin lamang naman!!!

 

 

"kaya nga ako nagsusulat sa Filipino ay para mas maintidahan pa nila ako..."

                        http://dyeppri.wordpress.com/

 

maliban din sa misteryo sa

maliban din sa misteryo sa tula, malaking bagay din ang salimuot nito. 

sa akin naman, masyadong

sa akin naman, masyadong abstract lahat ang mga nakahanay sa tulang ito. ibig kong sabihin, masyadong general lahat ang sinabi ukol sa kung ano ba talaga ang ginawa o ginagawa noong tatay doon sa persona ng akda. kapag nagiging abstract na iyon, nagiging telly na ang akda kaysa maging showy ito. madidinig mo ng ilang beses ang maxim na "Show don't tell," ilarawan kaysa sabihin. tipong ganun.

 

malaki ang maitutulong ng paggamit ng mga imahen para maipakita sa amin ang gusto mong iparating. makakatulong ang isang dramatikong tagpo rin para masabi mo ang mga ito. papaano natin magagawa ito, halimbawa, sa tulang ito o sa mga susunod mo pang tula: may makikita kang silya, alam mo ang silyang ito ang silyang ito ang paboritong upuan ng tatay ng persona. sa pag-upo ng persona saka papasok sa kanyang alaala ang mga imahen (alalahanin dapat concrete ang mga ito at hindi abstract) ng tatay at ang relasyon niya sa persona. isipin mo parang eksena sa pelikula ito.

 

pasensya na sa panghihimasok sa sinulat mo, sa tingin ko, malaki ang ikauunlad mo bilang manunulat. basa at sulat lang!   

 

salamat

salamat po sa inyong mga comments.. malaking bagay po ito..=)

ito'y dagdag kaalaman..

 

hzljygnzlslmnzr