paano ang tamang pag-aalaga sa buhok?

dyeppri's picture
| |

                  

  

shampoo ng kabayo, alouvera, ginseng

hot-oil, baby-oil, shampoo at conditioner

mabisang paraan sa

pagpapakapal ng buhok

 

 

walang ginawa kundi ang

makipagtuos sa salamin

tulad ng parating

pakikipagtuos ko sa’yo

 

suklayin ng isang daa’t

isang libong beses

upang magpantay

ang magulong buhay 

 

dating esponghadong buhok

ngayon ay tuwid na tuwid na

marahil ay sa paghihilahan

ng ating mga buhok

na siya namang pagbaluktot

ng ating pagsasama 

 

kasamang naglaho ng puting buhok

na siyang palatandaan ng pagtanda

ang mga pangarap ko na

habang buhay kitang makakasama  

 

lisa man at kuto ay

marunong ding masaktan at

kay bilis lang iwanan ang

manipis na anit ko

na kasing nipis na

ng  naging pagmamahalan 

 

dahil sa kahihiyan ay

mabuti pa na itago na lamang

sa isang malaking salakot ang

katotohanang pagkapanot at

pagkawala ng buhok

kasama ng pag-ibig mo 

 

 

at ngayon ay naiisip ko,

paano ba ang tamang alaga sa

aking buhok kung ito’y

balewala lang para sa’yo?

 

 

dyeppri

jonsdmur's picture

Nagustuhan ko ang iyong

Nagustuhan ko ang iyong tula. tama ang pagkakahambing ng buhok sa isang pagmamahalan... paano na kung tuluyan ng makalbo... wala ng kutong lalapit pa..... kaya dapat ating alagaan ang ating buhok.... wala lang....jonsdmur

dyeppri's picture

tama ka po!

Tama ka dyan Jonds!!!

...........................................................

ako lang po ito at bahala ka kung tatanggapin mo...