Paano ba pigilin ang antok sa oras ng trabaho?

Sofia's picture

 

Isang gabi  na ako ay napuyat sa kababasa ng mga tula at blogs dito sa Filipino Writer e, di ko mapigilan ang antok sa opisina, naisip kong magkape, pero bawal naman ang magkape nang hindi breaktime..naisip ko ang kumain ng mani at itago sa ilalim ng mesa habang nag-ngungutngot pero bawal din ang kumain  nang hindi breaktime at mahirap na ring mahuling ngumunguya. Kabal-bawalan din ang iidlip ang antok at tiyak tanggal ako sa trabaho..pagtingin ko sa kapaligiran..inaantok din pala ang aking mga ka-opismate, kaya naisipan ko silang i-text kung ano ang dapat gawin kapag inaantok na hindi ka matatanggal sa trabaho..At gusto kong I-share sa inyo ang kanilang sagot:

Ano nga ba ang dapat gawin kapag inaantok sa panahon ng trabaho bukod sa pagkakape at pagkain ng mani:
1.)    Pumunta ng CR at sumimple ng idlip
2.)    Pumunta ng clinic at mag-kunwaring masama ang pakiramdam (siguraduhin lang na mukhang masama nga ang pakiramdam), dahil may kama sa clinic at de-aircon pa
3.)    Lagyan ng vicks ang talukap ng mata
4.)    Maghilamos nang hindi natatanggal ang make-up(??)
5.)    Magtatalon at gumiling-giling sa isang sulok
6.)    Tawagan ang katulong sa bahay at pagalitan sa napakalakas na boses para pagtinginan dito sa opisina at pagbulungan , tiyak mawawala ang antok sa hiya..
7.)    Magpaalam at idahilang masakit ang ulo at itulog sa bahay ang antok
8.)    Umuwi at magpunta sa mall,magliwaliw o mag-window shopping.
9.)    Magpa-pansin katulad ng pagdadabog at ipagtalsikan ang mga papel sa lamesa.
10.)    Maghanap ng salamin at tingnan ang hitsura sa mga nakakatuwang mukha..subukin na pingutin ang tenga habang inaabot  ng dila ang ilong..
11.)    Maghanap ng aspile at tusukin ang mga kamay at pag walang nakitang aspile, kurutin na alng ang sarili hanggang dumikit sa kuko ang balat na nakurot…(yuck, ewww, uhh)tiyak maaalis ang antok sa sakit
12.)    Ilagay ang dila sa ngala-ngala at galaw-galawin ang dila..
13.)    At pwede ring ilagay ang daliri sa sentido na nakapikit..kunyari e sumasakit ang ulo…

Kayo may naisip ba kayo kung paano  maaalis ang antok? At ano naman ang naging effective sa inyo?


cassandra's picture

sa bawat sinusulat ko ay ang

sa bawat sinusulat ko ay ang bawat letra ng Buhay ko

 

 

effective yung matulog sa cr wahaa

 

pati ang mag kape

ang kumain

ako kunwari may ginagawa

 ioopen ang radyo 

magttxt 

yun lang ahahhaha

alunsina's picture

Naku mahirap talagang

Naku mahirap talagang magpigil ng antok sa trabaho. Ang ginagawa ko naghahanap ako ng guapo sa upisina na pwedeng pagpantasyahan.

Sealed

Sofia's picture

Hi Alunsina!

Alam ko ginawa ko rin yan noon, ang maglakad-lakad at maghanap ng guapo sa opisina, pero nung nakita ko na humikab at halos isubsob ang ulo sa desk...natawa na lang ako..kaya rin siguro nawala na ang antok ko,hehehe..

 Salamat sa pagdaan...

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Sofia's picture

Isa pa nga pala sa

Isa pa nga pala sa nakakaalis nang antok ang tumingin sa mga taong inaantok na pilit na idinidilat ang mga mata...hehehe..

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Sofia's picture

Salamat, Cassanda..

Aba! at talaga namang nagawa mo nang matulog sa CR huh...masubukan nga minsan..nyahaha!

 Salamat sa pagdaan..

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Sofia's picture

Salamat, Cassanda..

Aba! at talaga namang nagawa mo nang matulog sa CR huh...masubukan nga minsan..nyahaha!

 Salamat sa pagdaan..

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Francheska's picture

Mahirap yan mam

Ang hirap pigilan ng antok, ang badtrip pa dyan minsan, sa work antok na antok ka taz pag nasa bahay ka na shitness di ka makatulog.hahahaha.

kapag closing ako at antok na antok na ko ang ginagawa ko kinukurot ko ng pino yung balat sa leeg ko o kaya nag iimagine ako ng mga multo at aswang para di ako antukin, taz between breaks yosi muna. Ganun. Hehehe.

kung gusto nyo mam try nyo yun ginawa ni don juan sa ibong adarna, yun naghiwa sya sa braso taz pinatakan nya ng dayap. Hehehehe.

ingat po sa work.

Sofia's picture

Wag mo na akong i-mam, Francheska..

Hehehe, parang mas maganda yatang matulog sa CR..kesa saktan ang sarili,hahaha...

Mas ok siguro Francheska, paghandaan mo na at matulog ng mahaba-haba sa umaga, kung ikaw pala ay pang-"closing"..mahirap magtrabaho sa gabi ..maraming sakripisyo..at maraming kurot ang aabutin ng balat mo hehehe.

ingat lang lagi..

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Adlesirc's picture

GRAVEYARD

 

 

 

 

Working at night is a continuous sacrifice. Every single night requires motivation. If you're not determined enough, giving up is the only option left for you.

 

 

 

 

paul h roquia's picture

trulalu

... kapag nawala ako sa buhay mo, sisiguraduhin kong hindi ka makapag-MOVE ON! Ever!

... conditioning lang talaga kasi yan. lalo na kung enjoy ka sa work mo hindi ka dadapuan ng antok while doing it.  may kaopisina ako na ang laki-laki ng photo ng jowa at junak nya sa station nya never siyang inaantok.

... or SKITTLES... nakakagising ang biglang asim at tamis ng maliliit na kending ito... keeps you up.

... canned nescafe frappe. bongga siya parang may cocaine (joke), pero nakakagising , puedeng inumin sa isang lagok.

... never tried this but some say mag-finger raw. just wash well after. hahaha.

... maghanap ng 'grounded' area sa workplace, magpa-ground para mashock!

... SAMPALOC kendi is also a wakeupper, lalo na ung maanghang from bangkok.

 

 

 

 

 

 

Sofia's picture

Thanks Paul!

 Thanks Paul for sharing your ideas with us...Bukod pala sa mani e pwede rin ang skittles or sampaloc candy...

Pwede rin siguro na kaya inaantok e walang masyadong gagawin sa opisina, kasi sa mga sumandaling ako'y inaatok e yun yung time na tapos na ako maghabi ng reports, walang urgent at nag-aantay ng oras ng uwian, hahaha!

Salamat ulit!

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

Sofia's picture

Salamat Adlesirc..

 I totally agree with you..I believe, hindi healthy ang pagta-trabaho sa gabi, lalo na at kung ito ay overnight..or pag may hindi natapos na trabaho at io-overnight ,e hindi pa rin ako kumbinsido na makakapag-trabaho ng maayos sa umaga.

Salamat sa pagbahagi.

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"

spike_west's picture

Pwede pong magsuggest

1.Magpakulo ng tubig at timplahang ng kapeng barako, pagkatapos matimpla wag iinumin kundi ibubuhos mo sa katawan mo. Tyak gising ka na

2. Subukang kurutin ang sarili kung sakaling inaantok ka pa rin, kurutin ang katabi. Tyak away ang kalalabasan nito kaya tyak din gising din ang diwa mo.

3. Ngumuya ng babolgam, mga 1 oras mo nguyain pagkatapos bilutin at ilagay sa buhok. Tyak mawawala ang antok mo kasi gusto mong matanggal agad ito sa iyo

*yan ay ilan lamang sa mga tips na maaring makatulong sa ating buhay. Nagawa ko na rin ang iba dyan.

 

Ingat

Spike

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

Sofia's picture

Iba ka talaga Spike!

Kung gaano kaloko ang yong mga blogs, ganun din ang yong comments,hahhaa!  Nakakaaliw ang yong mga birit!

Salamat sa pagbahagi...

 

"Mas mabuti maging tapat sa taong minamahal, kesa mamuhay sa mundo ng kasinungalingan"