Paano Kita Minamahal
Minamahal kita habang ako lang ang nakakaalam
Taliwas sa paniniwala ng mundong ating ginagalawan
Saklaw ng langit at lupang ating sinibulan
Sakop ng araw at ulap sa kalangitan
Minamahal kita sa aking munting paraaan
Sapat na sakin ang makasama ka sa aking isipan
At sa mga gabing tahimik na nakatanaw ang buwan
Pinapangarap kong kasama ka sa aking kanlungan
Minamahal kita kahit hindi mo nararamdaman
Na may isang pusong sa iyoy nag aasam
Sa pagsikat ng araw at bawat buhos ng ulan
Laging may isang ikaw sa aking kalooban
Minamahal kita dahil sa natatanging dahilan
Na ikaw ang muling nagpangiti sa puso kong sugatan
At nagdulot ng malaking kapayapaan
Sa gitna ng aking nakaraan at pakikipaglaban
Minamahal kita hindi man kita nahahawakan
Hindi nakakapiling at hindi nahahagkan
Sapat na sakin ang masdan ka mula sa kalayuan
Sapat na'ng sa puso ko lamang ikaw nananahan
Adlesirc 12/16/2008
ramdam mo ba?
hehe..
musta?
im ok. happy new year Jon! =)
Musta ang new year?
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Bakit di ka na text?
Sana okay ka lang.....
Ganda ng title ng tula mo.... pwedeng pamagat ng isang movie....
ingat ka lagi....
jons
makapagdamdamin tula
nadala ako sa aking pagbabasa.... naalala ko tuloy ang aking nakaraan na minsan nasabi ko na rin sa akin sarili na PAANO KITA MINAMAHAL....
keep on writing po ADLESIRS....
ngat.......
nakuuu
matagal na po pala itong comment mo. pasensya na ngayon ko lang napansin. salamat sa pag-appreciate. i will keep on writing. thank you
and by the way, its ADLESIRC. hehehe
thank you po ulet. from the bottom of my broken heart. hehehe
ang ganda
ang ganda. tumatagos.
haaay nagugustuhan ko dito sa FW. ;)
Hi Karla
tumatagos ba... hay, yan din ang ramdam ko nung ginawa ko ito.
salamat po sa pagbasa. Nagugustuhan mo dito sa FW? ayos yan. OK dito, more than a year na ko member at happy naman ako, may mga kaibigan na rin akong nakilala ng dahil sa fw.
hope to read something from you. thank you karla!
anne :)
ang sweet naman..
ganyan ka pala magmahal..
cheers!
wow... isa sa
wow... isa sa pinakamagandang tulang tungkol sa pag-ibig na nabasa ko, kahit medyo parang unrequited love ang tema. hehe, parang nakaka-relate ako, haha. astig. sana makasulat ako ng tulang kasing bagsik nito someday soon. :D
I'd love to turn you on...
hello patrick!
hahaha... unrequited talaga. pero thats love e, hindi naman tayo nagmamahal para mahalin din. nyay! martir.
till next time. salamat sa pagbasa at praise. hehehe
Wow, sino si j.a.?
Wow, sino si j.a.? Kaka-intriga. Hehehe.
Ingat lagi. It was nice meeting you all sa Book Launch...
- Cristina (^o^)
****
Mimosa pudica, sensitibong nilalang,
Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.
hi :)
Hi Anne and Mimosa, nice meeting you yesterday :)
i hope makapag bonding pa uli tayo ng mas matagal tagal next time.
ingat =)
MIMOSA..
hi cristina!
hehehe.. John ang first name. Sorry can't tell the surname kasi baka may magsearch sa google ng name or i-search nya mismo at lumabas itong FW at magkabuking-buking. hehehe, yari ako! masho-shock yun ng todo pag nabasa ang tula.. mayayari talaga ako. sorry. hehe
nice meeting you too. salamat din sa pagpunta. at sa mga susunod pa nating pagkikita. wag ka mawawala.
Nice...
Ako din dati unrequited love hehehe. Ngayon hindi na. Ok lang kahit wag mo na ilagay ang surname. I am just curious. Pero haha, kung nilagay mo nga ang surname, ise-search ko yun sa Google hehehe.
Nga pala, sabi ni Melay lahat daw halos kayo nagtanong about sa amin ni Jesrael (Marco Liwanag)? Hahaha. Di namin ide-deny...hehehe. Uy, penge naman kami copy ng pictures na kinunan mo, puro blurred yung amin eh, kainis...Thanks in advance. (^o^)
Ingat lagi guys! Ang saya makasama ang mga kapwa manunulat...kahit di magkakakilala sa una, lahat tayo parang close na...hehehe. Kahit di ako masyadong umimik at nag-observe lang sa lahat. (^o^)
****
Mimosa pudica, sensitibong nilalang,
Karapata'y mabuhay ng walang humahadlang.









Ramdam ko ang Tula
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Gusto ko ang nilalaman ng tula....
Ganito talaga ang magmahal... hindi maiwasang masaktan... hindi maiwasang mabigo...
Sana okay ka lang.. ingat ka lagi...
jons