paano mo ilalarawan ang Pilipinas kay Rizal?

the Yiipee's picture
|

Ipagpalagay natin na ikaw ay nasa langit na, at habang naglilibot ka ay nakita mo ang ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Naramdaman ni Rizal na isa kang Pilipino, at tinanong ka niya ng,

 

" Kamusta na ang Pilipinas at ang mga pinaglaban namin?"

  paano mo siya sasagutin? 

Nacurious lang ako.  


arvin95's picture

ang sasabihin ko sa kanya ay

ang sasabihin ko sa kanya ay "nagkamali ka yata sa sinulat mo na ang kabataan ang pag asa ng ating kinabukasan".....kasi ang sa kabataan ngayon ang sumisira sa ating bansa..madaming bata ang lulong sa droga at isa pa silang mga nagpapahirap ngayon sa ating bansa ay dumaan sila sa pagkabata..kaya mali ang sinulat na Ang kabataan ang pag asa ng ating kinabukasan..

5182EiDiDiFy's picture

Hindi nagkamali si Rizal sa

Hindi nagkamali si Rizal sa pagsasabing "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" at hindi ang mga kabataan ang sumisira sa bansa... kung pagkalulung sa droga lang iyong basihan, marahil ikaw ang nagkamali...

"Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" dahil sila ang makabagong sibol... sila ang makabagong kaisipan, alalahanin mo lang sana na ang naglilinang ng kaisipan ng kabataan ay ang mga nauna na sa kanila... kung babalikan mo ang tinuran ni Rizal nabanggit nya ito para iparating sa makakatanda na kung paghuhusayan lamang ang pagbibigay aral sa kabataan, sila ang magiging bukas, ang pag-asa...

 

sabi sa akin ng lolo ko dati "hindi na natin maiwawasto ang mali ng nakaraan, at lalong di na natin maiaalis ang mga gahaman sa pamahalaan.. lalo na ang mga ganid sa lipunan... ang magagawa nalang natin at hintayin silang magkandamatay... at habang hinihintay natin ang kanilang pagkawala... hubugin nating ang mga kabataan sa wasto upang umusbong ang munting pag-asa para sa bansa."

 

general ang tinuran ni Rizal, Arvin95... nasa paglilinang ng isang maayos at maunlad ng bansa ay magsisimula sa bagong sibol na Filipino... kung di mo ito paniniwalaan, parang di mo na rin pinaniwalaang may magagawa ka para sa bansang Pilipinas bilang kabataan!

 

may mga kabataang, maaring naligaw ng landas... subalit may mga kabataan din gumuhit ng kasaysayan upang makilala ang ating bansa... at sa dakong huli'y makamtan ang ikakaunlad ng Pilipinas... isa na rito ang maraming bilang ng kabataang OFW.

 

Hindi si Rizal ang nag kamali! Tayo ang nagkamali kung sa puso at isip natin ay di natin makita ang pag-asa mula sa atin habang tayo ay bata pa!

 

Sa tunuran mo sa itaas, parang sinabi mo na rin na ikaw bilang kabataan ang sisira sa pangarap ng ating pambansang bayani!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Lemmor Setneuf's picture

Sa aking pagkakabatid, ng

Sa aking pagkakabatid, ng ituring ni Jose Rizal ang katagang "Ang kabataan ang pag-asa ng ating kinabukasan" ay patungkol ito sa pag laya ng bansa mula sa mananakop. Dahil kung di nila ito mapagtatagumpayan sa kanilang panahon sa susunod na hinirasyon, mula sa kabataan lalaya ang bansa... at napagtagumpayan naman ito, diba?

Sa makabagong panahon marahil ay nag-iba na ang ibig nitong sabihin, ang "Pag-asa" marahil ay tumutukoy sa pag-unlad ng bansa... kung kabataan ang pag-asa? oo naman, dahil wala namang iba pa. Kung malilinang lamang ng ubod husay ang kabataan sa ngayon sila ang mag-aangat sa ating bansa sa bukas!

Napanood ko kahapon sa Aljazeera News, dito sa Oman ang paguulat hinggil sa kalagayan ng Edukasyon sa bansang Pilipinas... bilang Filipino nakakalunkot isiping malubha ang suliranin ng ating bansa sa usaping Edukasyon at kahapon pinapanuod ito ng buong mundo. Subalit sa kabila nito ay may nasilip akong munting pag-asa dahil sa may tatlong bata sa ulat na yaon na tinitiis ang paglangoy araw-araw, patawid sa isla makapasok lamang sa paaralan. Ibig sabihin sa kabila ng kahirapan, sa kabila ng suliraning kinakaharap ng bansa may kabataan paring nagnanais na mapaigi ang sarili sa sa dakong huli'y maging sandigan ng bansa para sa pag-unlad.

Nanariwa tuloy sa aking isipan ng minsan mapasyal ako sa Marinduque upang tunghayan ang taunang "Moriones Festival" ng mapadako ako sa Bundok Makulapnit at tumigil doon ng mga ilang araw. Doon nakita at naranasan ko mismo sa pamamagitan ng pagsabay sa mga batang pumapasok sa paaralan, na maglakad ng halos tatlong oras pababa ng bundok makapasok lamang sa paaralan. Isa sa mga batang iyon "Si Rodel" na nasa ika-anim na baytang noon ay isa ng ganap na guro sa ngayon at nagtuturo sa kabundukan ng Makulapnit. Sa mga tulad nya at ng mga kabataan ng Marinduque at ng iba pang kabataan sa bansa masisilay na may pag-asa.

"Kung hindi tayo maniniwala na nasa ating ang pag-asa ano na lamang ang kahihinatnan ng ating bansa? Kung wala sa ating mga kamay ang paghubog para sa mas mainam na bansa, kanino natin ito iaasa? Kaya nga dapat simulan na natin, ngayon na, mula sa ating sarili... magmumula pag-unlad ng bansa!"

Mula kay Omeng (Bagong Pag-asa Youth Council - President 1990-1995)

 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

dyeppri's picture

ako siguro...

ang isasagot ko sa kanya " sa iba ka na lang magtanong dahil kagaya ng marami na pagkagraduate ng college ay naging OFW na rin  ako".    *rolleyes         

 

        https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

arvin95's picture

maling mali pa rin ang

maling mali pa rin ang pagkakasulat niya........eh iyong mga tao na nangurakot na hindi naman nalulong sa droga ay dumaan din sa pagkabata....pero ano ang ginawa nila..kurakot doon, kurakot dito..

arvin95's picture

lahat tayo dumaan sa

lahat tayo dumaan sa pagkabata mula ng isulat iyan ni Rizal......pero nagkaroon ba ng malaking pag asa ang ating bansa.....wala..

 

www.arvin95.blogspot.com

5182EiDiDiFy's picture

Habang may buhay may

Habang may buhay may Pag-asa, pero kung para sayo wala ng pag-asa... nasasa-iyo yan!

tanong lamang: Ikaw bilang isang kabataan, may pag-asa bang mahihita sayo ang bansang Pilipinas?

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Yuco's picture

ito isasagot ko.

Sasabihin ko sa kanya na tunay sanang malaya ang Pilipinas kung di namuno ang mga traydor na kalahi ni Aguinaldo. Sila ang mga trapo sa gobyerno na kayang ipagbili ang bayan sa mga dayuhan. Makasarili at puro pagnanakaw at pagpapayaman ang tanging alam. Sila ang dahilan kung bakit patuloy paring hawak sa liig ng mga dayuhan ang pamahalaan. Sila ang dahilan kung bat dumarami ang gutom at baon sa pagkakautang.

Nabubulok na po ang Republika ni Aguinaldo, malapit ng sunugin at palitan ng mga kabataang katipunero, ang mga magdiwang ni Bonifacio.

 

 

http://ayawmatulog.blogspot.com/