Paano Mo Malalaman Na Isa Ka Nang Mahusay Na Makata?

Alexander Dagrit's picture

 

May tatlong hakbang upang malaman mo kung isa ka nang magaling na makata. Tunghayan natin.

 

 

How to be Good at Poetry?

By Cirilo F. Bautista

(Published in Philippine Panorama, Feb. 26, 2006, pp. 25-26.)

Now that creative writing season is upon us again, our young poets may well face the question, "Am I any good?"

Unless they can find an honest answer, they may be laboring under certain delusions or simply wasting their time. To know that they are good creates in them some assurance that their efforts are not in vain; that, with some more years of discipline and application, they may contribute to the development of their nation's literature.

To know that they are not any good, on the other hand, is also an advantage, for then they can look for other options to make their life meaningful.

But how do they tell if they are any good? There are several ways.

First, if they can get published regularly in national magazines. Aside from fulfilling the universal primal desire for having their by-lines inscribed for all to see, this signals that they have potentialities that can stand further exploration.

Since these publications – The Philippines Free Press, The Graphic, Philippine Panorama, Sunday Inquirer, and Liwayway – have proven records of editorial expertise and credible poetry sections, getting published in them is a mark of one's poetic ability. At the same time, because of their national scope, the published poems get a wide airing, as it were, which allows reactions from different sectors. This is important, for readers' response to the poems adds a new layer of criticism. Whatever the nature of these comments may be, they will be indicative, one way or another, of the poems' literary values.

Since no poets write just for themselves, they consider the vast unseen audience with whom they can link effectively through the printed pages. The pleasure that they get seeing their names and poems printed, at the same time, has a phenomenological value for bolstering their belief in themselves.

Reinforcement of that belief comes with the publication of more and more poems. Constant publication is also a kind of test that inaugurates their literary promise. After all, not every poet gets published, and gets paid for it, too.

I remember the inexplicable elation I had upon seeing my first published poem in The Free Press. I so much admired Nick Joaquin, its poetry editor then, that I brought a copy of the magazine with me everywhere I went and showed my poem to anyone who could read. And for many days I kept in my wallet the postal money order he sent as payment, until unavoidable need forced me to cash it.

In this regard, the poets should try hard to get published in all the existing papers that print poetry; in this way he would get the benefit of the critical insights of various editors of various literary tastes. Approval by all of them increases the poets' confidence in their creative ability.

Second, by winning literary contests which will establish the poets' growing power. Contests are a more rigid and limiting test, for now the poems compete seriously with other poems for monetary and honorific considerations.

The Palanca Literary Contests, by virtue of its history and reputation, are still the best for this purpose. The rules are so well-drawn, the judges are generally fair, and the contestants are numerous that winning in any of the categories becomes a kind of confirmation of the poets' ability to appeal to a more discriminating and expert audience. The win is worth including in the winner's curriculum vitae.

In Filipino poetry, the Gawad Collantes managed by the Surian ng Wikang Pambansa is also worth joining.

The prestige attached to winning in these contests encourages both veteran and new writers to join them again and again. In the case of the former, winning is equivalent to retaining their literary rankings, while in the case of the latter, winning is the key to national recognition, giving the poet a membership in the exclusive circle of winners. This is a higher form of recognition than mere publication in a magazine.

Third, if their book of poems is put out by a reputable publisher. After winning in the Palanca, the next step in asserting their definite worth in the poetic field is to put out in book form a collection of poems.

The poet chooses some 50 or so of his best poems for a volume which he submits to a university press with a proven track record, such as the publishing arms of the University of the Philippines, the Ateneo de Manila University, the De La Salle University, the University of Santo Tomas, or to a commercial press such as Anvil and Bookmark. These publishers have respectable editorial policies to ensure quality products.

A first volume of poems must be handled with care and artistry, for the rest of the author's literary future depends on how it is accepted by the readers and critics.

And often, literary reputation is made or broken by this first volume. The promise manifested in poems printed in magazines maybe confirmed or negated by the decision of the board of judges of the presses to which the manuscripts are submitted.

Of course, depending on the composition of such boards, the poet may take the decision seriously or not. Sometimes, biased and unqualified members sit in such boards.

In our own case, we had a book rejected by one press but accepted by another. In general, however, these boards possess integrity and intelligence, and their evaluations are often fair.

In the end, consistent and sustained excellence in these three areas – publication of poems and books and in magazines and winning in competitions – establishes once and for all the poets' reputation and indicates the contribution that they will leave to our national literary heritage.

 


Alexander Dagrit's picture

Summary

 

The three steps to know if one is a good poet already:

1. Getting his poems published in national magazines (or even in newspapers and anthologies)

2. Winning in literary competitions like the Palanca and Gawad Surian sa Tula

3. Publication of his previously published and/or published poems (at least 50) in book form by a reputable publisher, like the university presses (UP, AdMU, DLSU, UST) or commercial presses (Anvil, Bookmark, New Day)

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Alexander Dagrit's picture

Whatever step – as you like it

 

One famed poet has already reached the first and third steps, but he has not yet won in any literary contest.

An amateur poet zoomed to the second step, but so far has not yet been able to make the first and third steps.

Another poet has burst into the third step, without going through the first two steps.

So any poet may initially take any of these three steps or areas, for each one is a measurement already of being a good poet.

However, it would be excellent to take the first, then the next, and finally the last.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

Alexander Dagrit's picture

Sino-sino sa FW?

 

Among the currently active FW members, who are those who have already reached the first step of being a good poet?

I know one. John Robert Luna. Some of his works have already made it into the printed medium.

But I don’t like praising his masterpieces. Yet, if he makes the second, I’ll be among the first to do a “clap-clap-clap” for him. And if he makes the third, I’ll right away buy a copy of his book.

They’re promises.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Alexander Dagrit's picture

Maling akala

 

May ilang tao na sa tingin nila sa sarili ay ganoon na sila kagagaling bilang mga makata. Kaya, kung maghamon sila ay ganito:

"Sige nga. Magpakita ka ng mga tula mo. Tingnan natin kung uubra ang mga iyan sa mga tula namin."

Sila na ang naghahamon, sila pa rin ang huhusga. Aba, e, di litaw na litaw na kung sino ang mananalo.

Hindi dapat umasa ang isang makata sa pagkakakilala niya sa sarili para malaman niya ang kanyang kakayahan bilang makata.

Kung sa tingin niya, ganoon na siya kagaling, akala lang niya iyon. Pero kung susuriin, hindi pa pala siya nakararating sa alin man sa mga hakbang o larangan na ginagamit upang makilala ang isang mahusay na makata.

Huwag tayong umasa sa akala, lalo na sa maling akala. Naku, e, marami-rami na rin ang nababaril dahil sa mga maling akala.

Gayahin natin si j. luna. Hayan, o, nakapaglathala na siya ng kanyang mga akda. Narating na niya ang unang hakbang ng pagiging isang mahusay na makata.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

j luna's picture

Gutom at bisyo

Ayus, pero kalam ng sikmura at tawag ng bisyo ang dahilan kung bakit ako nag-lilimbag ng katha.

Nagpapasa lang ako dun sa mga malaki ang bayad at puwedeng pang-portfolio o body of work.

Kaya nga yung mga fiction ko sa glossy, high end mag naka-publish. At kaya nga mas madalas na fiction pinapasa ko, kasi mas mahaba mas malaki ang bayad.

Yung tula, paminsan-minsan lang ako magpasa (at sinisigurado ko na sulit ang bigay sa akin o kung wala mang bayad ay puwedeng pang portfolio).

Ang flash fic kaya nagpasa ako sa anthology ng Lasalle ay dahil sa pang body of work ito.

Sa tula, di ako sumasali sa contests. So malabo akong makapasok sa sunod na category.

Though sa maikling kuwento may grand prize na ko para sa maikling kuwento sa Genoveva Edroza Matute Awards (judges Gelacio Guillermo and Amang Jun Cruz Reyes)

Tsaka sa essay, naging representative na ko ng NCR sa pambansang patimpalak ng Phil Association of States Universities and Colleges matapos kong ilampaso ang lahat ng state u ng NCR nung panahong iyon.

Para sa akin, kaya nakuha ko ang trabaho ko ngayon bilang propesyunal na manunulat (sa mundo ng advertising) ay dahil sa mga published ko na music reviews sa isang music magazine.

Alexander Dagrit's picture

Gawad Genoveva Edroza Matute

 

Nanalo ka na nga pala sa fiction. Habang-buhay nang nakakabit sa pangalan mo ang pangalan ng isa sa mangilan-ngilang batikang manunulat na Pilipino noong Siglo 20.

Subukin mo rin ang mga contests sa tula.

Recognition ang mga iyan. Ang alinmang literary award ay itinuturing na baptism of fire sa pagiging isang mahusay nang manunulat.

Ang mga pamantayang ito ni Dr. Bautista ay maaari rin sigurong ikabit sa mga kuwentista. Kaya, nakakadalawang hakbang ka na. Isang kadyot na lang, nandoon ka na.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Jack A. Alvarez's picture

Marami pa akong kakaining bigas

Maraming salamat sa pagbahagi mo nito. Isang malaking pamantayan o batayan para masukat kung gaano kagaling ang isang makata.

Marami pa akong kakaining bigas. Hindi pa ako nakaapak ni isa sa mga nabanggit.

Weder-weder lang yan. Sana darating ang para sa akin.

Inshallah!

Comment ko lang dun sa  mga 'comment' mo rin.

Sana huwag nang magbanggit at magkumpara ng kung sinu-sino at magparinig ng kung anu-ano. Maganda na sana ang ibinahagi mong artikulo. Nakakatawa lang nang mabasa ko ang kasunod na mga komento. May bahid na kung ano. Marami akong kakilalang writers pero never ko silang narinig na ganito. Sana maisip mo 'yon.

Bilang isang aspiring writer, ang alam ko lang sa ngayon ay lahat tayo may karapatan. Lahat tayo ay maaaring iproklamang magagaling na makata sa darating na panahon. Kaya andito tayo sa site na 'to.

 

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Oo nga e. Ang hassle. Wala

Oo nga e. Ang hassle. Wala na sanang banggitan ng pangalan.

Parang flattery na masyado. Though salamat sa pag-recognize. Pero kung magpaparinig ka sa ibang member dito, at ginagamit mo pangalan ko. parang mali na yun.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

Pinag-isipan kong mabuti

Syempre, maganda yung mag-recognize ng isang tao sa narating nito para ma-challenge yung iba. Pero, pinag-isipan kong mabuti kung ano ba talaga ang layon niya sa pagbahagi ng artikulo. Yung real score.

Unang-una ang artikulo ay sinulat ni Sir Cirilo at nalathala sa Phil. Panorama. Sigurado ako, wala namang comment nito ang may-akda sa baba ng kanyang artikulo sa pahayagan. Nais lang nitong magbigay at magbahagi ng impormasyon at kaalaman. Kay Mr. Alex naman, pinost niya dito at wala man lang siyang opinyon o sariling ideya batay dun sa artikulo liban sa kanyang pansariling komento. Sana ginawa na lang niya itong reference. O nag-quote man lang siya ng ilang paragraphs. Ang resulta ay copy-paste.

Naisip ko, sinadya niya iyon para walang argumento sa artikulo kundi doon lang sa pinost niyang comment. Nakakahiya naman at ginamit pa ang akda ng isang respetadong manunulat.

Dito sa FW, alam kong karamihan sa members ay hindi pa published writers. lahat baguhan lang at nag-e-explore. Malaki ang utang na loob ko sa site na ito. Isa ito sa nagbukas ng pinto sa akin sa larangan ng panitikan. Dito ako humingi ng advice kay Noid kung papano ako makasali sa writing workshops. Dito ko nakilala ni SGH (late Sid G. Hildawa) sa tula kong 'Panaghoy sa Estero' at nag-encourage sa akin na mag-submit ng entry sa Uste. Dito ako nagkaroon ng mundo na matagal kong hinanap.

Sana wag gawing battlefield ang FW...

http://jackofspades01.multiply.com/

Alexander Dagrit's picture

>

 

Wala akong masamang intensiyon sa pagpo-post ko ng ganitong mga artikulo.

Nag-aalangan nga akong mag-post ng mga ganito kasi baka sabihin ng ibang tao, ginagamit ko ang mga akda ng mga tanyag nang manunulat para sa sarili kong agenda. 

Ang layunin ko lang ay ang maibahagi ito sa mga hindi pa nakaaalalam ng mga bagay na ito.

Sa tingin ko, marami ang matutulungan ng artikulong ito ni Dr. Bautista. Malaking gabay ito para sa marami, lalo na sa mga nagsisimula pa lamang.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

RJ Santos's picture

Ibang klase talaga si

Ibang klase talaga si Alexander The Great. Ibang level talaga.

Alexander Dagrit's picture

RJ

RJ Santos's picture

Tama na ba?

 

 

Tama na ba? Haha!

 

 

Naku, Ginoong The Great, marami kang alam, ngunit wala kang natututunan. ^_^

 

 

Alexander Dagrit's picture

>

 

Mas maige nang magbanggit ako ng pangalan, tutal hindi naman masama ang sinasabi ko.

Hindi ko ginagamit ang pangalan mo, at wala akong planong magparinig kaninuman dito. Sawa na ako sa bangayan.

Binabanggit kita kasi iyon naman ang totoo. Alam ko, naglalathala ka ng mga akda mo kasi kailangan iyon sa pagiging manunulat. Hindi puwedeng sulat ka lang nang sulat. Kailangang malathala ang isang manunulat sa printed medium kasi iyon ang official birth niya as a writer.

Walang mali sa sinasabi ko. Napublished ka na, di ba? Mali bang sabihin ko iyon?

Nakarating ka na sa unang criterion na binabanggit ni Dr. Bautista. Walang masama kung sasabihin ko iyon. Sa iyon ang totoo. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Alexander Dagrit's picture

>

 

Wala akong pinariringgang iba. Sa ibang websites kasi, mga literature din, grabe magpatalbugan ng kani-kanilang mga akda. Tapos, kampihan at nagpupurihan sila-silang magkakakampi.

Para sa akin, mali iyong hahamunin mo ang isang tao tapos ikaw din ang husgado. Siyempre, ikaw na ang panalo.

Tama, lahat tayo ay may karapatan na managumpay at sumikat sa pagiging manunulat. Pero sundin din natin ang mga sinasabi ng mga nakatatanda at establisado nang manunulat. Galing na kasi sila roon e. Kung sasagkaan natin ang mga birtud na pinanghahawakan nila, para na rin nating binubuwal ang ating mga panimulang pagtatangka.

Salamat sa pagbasa at komento. 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

noelbarcelona's picture

pagiging makata

Ang sabi ng abogado, makata at kritikong si Fermin Salvador - ang tula niya'y hindi para sa mga kritiko kundi para sa masang sambayanan na siyang tunay na kritiko.

Oo nga't masasabing hakbang ang manalo sa paligsahang pampanitikan para masabing mahusay kang tumula. Subalit nalalaman natin ang pulitika ng mga paligsahan dito sa ating bansa: bata-bata ang labanan.

Sa isyu naman ng paglalabas ng mga akda, maraming nakapaglabas ng kanilang akda - hindi ang pangalan ng magasin ang magbabandila sa iyo bilang makata - kundi ang persepsiyon ng mambabasa. Ang mga tula, sabi nga ng isang makatang Latino, ay tinapay na para sa lahat.

Kaya, hindi masasabing katanggap-tanggap, sa pangkalahatan, ang sinasabi ni Alexander Dagrit ni mang Cirilo na ang tatlong iyan ang pamantayan para sabihing makata ka nga. Karamihan ng kinilalang makatang dakila ay hindi naman nagwagi sa mga pakontes at hindi rin sila ang naglabas ng kanilang mga libro. Dahil kung ang huli ang pagbabatayan, marami nang nailalabas na libro ng mga tula - na inilathala sa pamamagitan ng self-publishing gamit ang pangalan ng sikat na mga manlilimbag ng mga aklat (may publishing on demand, akala mo ba, G. Dagrit na ang gamit mo ay ang pangalan, hal. ng Anvil at CentralBooks na kaya akala ng iba ay talagang inilabas ng gayong publikasyon ang mga akda dahil nagagandahan sila o mataas ang estetikal na halaga ng mga akda) pero sa pagsusuri ay dapat lamang itago sa sulok ng aklatan, paipisan doon at paanayan.

Kaya nga, makikita nating ang paglalathalang muli ng sanaysay na ito ni Bautista rito ay isang paghihimod-pundilyo lamang kay J. (na totoo namang mahusay) pero hindi natin alam kung ano ang tunay na motibo ng isang taong nagtatago sa pangalang Alexander Dagrit.

Kay J.: Ipagpatuloy mo ang pagsusulat. Salamat! 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

j luna's picture

Salamat Noel

Kung may maidadagdag pa ako sa criteria (at patunay na ako ay hilaw pa at di ko ata kayang marating na lebel ng masasabing magaling na makata) ay ito:

Malalaman mong ikaw ay isang magaling na makata kung maaantig mo ang diwa ng masa at magsisilbing apoy ang iyong katha na magsisindi sa mitsa ng isang rebolusyonaryong pagkilos.

Bagama't ideyalistiko ito, may kakayahan paring gisingin ng tula o anumang katha ang diwa ng tao ukol sa "wretched condition" niya. At mula sa pagkamulat na ito, magsisimula ang pagnanais na mag-aklas at labanan ang sistema.

Magaling ka din kung mai-intimidate mo ang G20.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Alexander Dagrit's picture

Masa, masa

 

Sa ngayon, walang panahong tumula ang masa. Abala silang unat-unatin ang kanilang mga bisig para sa kanilang mga sikmura.

Pero ang lumanghap ng bulaklak, ang masiyahan sa kulay ng langit, o ang bumasa ng magagandang tula ni Alexander Dagrit, aywan ko lamang kung may panahon ang nakararami.

(Magandang talakayan iyan: "Ang Masa at ang Tula." Gawan mo kaya ng isang post.) 

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Alexander Dagrit's picture

>

 

Salamat po, G. Barcelona sa inyong komento.

Hindi ako sang-ayon na ang masa (sambayanan) ang kritiko ng tula, dahil:

1. Ang sambayanan ay hindi na palabasa ng tula; naghihingalong sining na nga ito, sabi ninyo (kung hindi ito naghihingalo, aba'y dahil sa tinatangkilik ng masa, pero itsapuwera na ng masa).

2. Hindi sapat ang kaalaman ng sambayanan sa paghuhusga ng tula. Karamihan sa mga tao ay hindi alam ang mga pamantayan ng tradisyonal na tula, at maging ang mga pamantayan ng malayang taludturan. Paano nila masusuri nang malaliman ang isang tula kung wala silang sapat na kaalaman tungkol sa tula?

3. Ang persepsiyon ng mga mambabasa sa tula ay kung ano lamang ang naikikintal ng mensahe ng tula sa kanilang isip at damdamin. Pero sa iba pang aspekto ng tula, hindi nasasagap iyon ng karamihan sa mga mambabasa.

Hindi ko po minamaliit ang sambayanan. Wala akong karapatan at kakayahang gawin ito. Pero totoo ang sinasabi ko na walang sapat na pasilidad ang nakararaming tao para humusga sa tula. Kung ang marami nga sa mga manunulat mismo ay hindi alam ang mga pamantayan ng tula -- sila na siyang gumagawa na mismo ng tula -- paano pa kaya ang mga karaniwang bumabasa lamang ng tula?

Ang tinutukoy ni Dr. Bautista ay ang mga makata sa kasalukuyan. Huwag na nating isali ang mga makata hanggang noong 1949 kasi wala pang Palanca noon. 1950 nagsimula ang Palanca; 1963 naman ang Gawad Surian sa Tula. Karamihan sa mga sikat at nangungunang makata sa ngayon ay nakatugon na o nakatutugon sa isa, dalawa, o tatlo sa mga binabanggit na criteria ni Dr. Bautista.

Tungkol naman doon sa paglalathala na binabanggit ninyo, wala akong alam diyan. Colorum yata ang ganyan.

Ang alam ko kasi, kapag UST, UP, Ateneo, o DLSU ang nagpapablis, sila talaga iyon.

 

---

Hindi ako manghihimod ng kanino mang pundilyo. Masama yatang gawin iyan.

Si G. Luna ay isa sa mga kasalukuyang aktibong kasapi ng FW na nakapaglalathala ng mga akda niya (at maging kayo rin). Wala yatang masama kung sasabihin ko ang ganoon. Iyon naman ang totoo.

Wala akong masamang intensiyon kay J. Luna. Para sa akin, isa siyang very promising artist.

Kung sa tingin ninyo, may iba akong motibo, sa tingin lamang ninyo iyan.

Si J. Luna ay naka-meet na ng unang area na binabanggit ni Dr. Bautista.

That is a fact.

 

 

Ang Tugma, Sukat,at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Rom's picture

ang masa at ang tula

Alexander Dagrit wrote:

 

1. Ang sambayanan ay hindi na palabasa ng tula; naghihingalong sining na nga ito, sabi ninyo (kung hindi ito naghihingalo, aba'y dahil sa tinatangkilik ng masa, pero itsapuwera na ng masa).

2. Hindi sapat ang kaalaman ng sambayanan sa paghuhusga ng tula. Karamihan sa mga tao ay hindi alam ang mga pamantayan ng tradisyonal na tula, at maging ang mga pamantayan ng malayang taludturan. Paano nila masusuri nang malaliman ang isang tula kung wala silang sapat na kaalaman tungkol sa tula?

3. Ang persepsiyon ng mga mambabasa sa tula ay kung ano lamang ang naikikintal ng mensahe ng tula sa kanilang isip at damdamin. Pero sa iba pang aspekto ng tula, hindi nasasagap iyon ng karamihan sa mga mambabasa.

Hindi ko po minamaliit ang sambayanan. Wala akong karapatan at kakayahang gawin ito. Pero totoo ang sinasabi ko na walang sapat na pasilidad ang nakararaming tao para humusga sa tula. Kung ang marami nga sa mga manunulat mismo ay hindi alam ang mga pamantayan ng tula -- sila na siyang gumagawa na mismo ng tula -- paano pa kaya ang mga karaniwang bumabasa lamang ng tula?

 

 

matagal-tagal na panahon din akong nagsilbi bilang manggagawang pang kultural. kung sakaling hindi po ninyo alam kung ano ang gawaing iyon, ito po ay ang pagbibigay ng lakas (empowerment) sa masa upang ipahayag ng artistiko ang kalagayan nila. nagbibigay ako ng workshop sa acting at mural painting. kasama na ang pagsusulat ng script panteatro, pagtula at pasusulat ng kwento. 

sa smokey mountain ako unang lumubog, tumira at nakipamuhay sa tinatawag nilang MASA. doon ko nakita mismo ang kakayahan nilang tumula, umarte, umawit at sumayaw gamit ang natural na kaalaman nila at hindi ang kaalamang bigay ng pop culture o aral mula sa mga "intelektwal" ng sining.

sila mismo sa kakayanan nila ipinakita nila ang kanilang uri ng sining. ang sining na nagbibigay lakas sa mga pinagsasamantalahan at inaaping sektor at hindi ang sining ng mga elitista.

malaking pagkakaiba ang sining na makamasa at sining elitista. ang una ang siyang sumasalamin sa tunay na kalagayan ng inaapi at pinagsasamantalahan at nakararaming uri habang ang pangalawa naman ay ang sining na pilit nagpapanatili at umaalipin sa kaisipan ng MASA.  

kaya't wag natin sabihing ang masa ay walang alam sa panulaan. oo siguro wala silang alam sa panulaan ng mga elitista. e kelan ba naging makamasa si Cirilo Bautista at Virgilio S. Almario? kailan nagsilbi ang tula at sining nila sa masang inaapi? kailan inangkin ng masang pinagsasamantalahan ang mga tula ng mga elitistang ito bilang kanila at nagpapahayag ng kanilang saloobin? oo magagaling sila pero dun lamang sa napili nilang uri na pagsilbihan  magaling at hindi sa pamantayan ng masa.

kung kaya't ang mga pamantayan ni Cirilo Bautista ay masasabing pamantayang pang elitista--dahil na rin sa ang mga tula at gawang sining ng mga tulad niya ay malayong-malayo sa pagsisilbi sa masa. maaari mong gamitin lamang ang pamantayan ni Bautista tungkol sa pagiging magaling na makata dun sa mga makatang naghahangad lamang maging tanyag-pansarili at di naglilingkod sa masa ang mga obra.

pero sa mga makatang ang mga tula o kwento ay para sa masa at naghihikayat na mapag-isip at kumilos ang sambayanan, hindi nila kinakailangan ang pamantayang "elitista" ni Cirilo Bautista.

samakatwid, hindi panlahatan ang pamantayang ito. pamantayan lamang ito na maka elitista. pero kung tatanungin mo ang sambayanan na siya naman dapat na pinagkukunan ng inspirasyon at lakas ng isang manunulat, anumang tula o kwento na makakapagmulat sa nakararaming inaapi at nakakapag pakilos tungo sa kanilang ganap na kalayaan ang tunay na tula na may kabuluhan. nalimbag man o hindi, nakatanggap man ng parangal o hindi nanalo man o natalo sa patimpalak.

pakibasa din ang related post mula sa Bulatlat.com bilang panayam kay Axel pinpin: http://www.filipinowriter.com/ang-pag-unlad-ng-sining-ng-mga-makata-ay-salamin-ng-karanasan-ng-kanilang-audience

 

KarikaTuura

comment lang po :)

Ang mga ganitong pamantayan ang naglalayo sa masa sa sining. At sa tingin ko, ang sining na naglilingkod sa masa, wala mang recognition, ang siyang pinakamataas na porma ng sining. Mula sa masa, tungo sa masa, para sa masa. 

Tignan natin ang ating paligid. Ang mga pinakamagagaling na manunulat ng ating panahon ay 'yung mga taong lubog ang sarili sa kalagayan ng lipunan---nagsusulat man tungkol sa pag-ibig o sa sarili ay umaalpas naman mula sa personal hanggang sa panlabas na kontradiksyon ng lipunan. 

Malaki ang respeto ko sa mga manggagawang pangkultura. Dahil ang pinakamahirap basagin ay ang saradong kaisipan, nabubuhay ang mga cultural group.  

Alexander Dagrit's picture

  Hindi po pang-elitista

 

Hindi po pang-elitista ang mga pamantayang inilalatag ni Dr. Bautista. Kundi iyan ang mga pamantayang sinunod at sinusunod ng mga nanguna at nangungunang makata sa ngayon simula pa noong 1950:

Virgilio S. Almario, Lamberto E. Antonio, Rogelio Mangahas, Bienvenido A. Ramos, Cesario Y. Torres, Reynaldo A. Duque, Domingo Landicho, Vic dela Cruz

Jesus Manuel Santiago, Lilia Quindoza Santiago, Mike L. Bigornia, Teo T. Antonio, S. V. Epistola, Alfredo N. Salanga, Tomas F. Agusto, Jose F. Lacaba, Marne Kilates, Fidel Rillo, Romulo Sandoval, Joi Barrios, Reuel Aguila

Vim Nadera, Ariel Dim. Borlongan, Romulo P. Baquiran Jr., Gerardo Banzon, Oni Carcamo, Danilo Gonzales, Dennis Sto. Domingo, Rowena Qidal, Michael Coroza, Roberto Anonuevo, Rebecca Anonuevo, Jerry B. Gracio, Jim Libiran

Rhandee Garlitos, Mikael Co, Edgar C. Samar, Louie Jon A. Sanchez, Eugene Y. Evasco, Khavn dela Cruz

Ang mga binabanggit ko ay mga makata sa Filipino. Lahat sila at nakatugon sa isa, dalawa, o tatlo, o lahat na ng mga criteria na binabanggit ni Dr.Bautista.

Hindi rin pang-elitista ang mga tula nila, kundi pangmasa.

Sinusunod nila ang tatlong direksiyon na dapat tahakin ng isang makata:

1. Malathala ang kanyang akda

2. Magwagi sa mga patimpalak

3. Makapaglathala ng aklat ng tula

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

venus raj at lady gaga wala lang

Nasuri mo siguro ng mahusay ang lahat ng naisulat nila. *grin 

Kawawa naman pala ako. Wala pa yata sa sampu ang kilala ko. Haha

 

tama nga yung nabasa ko sa isang post, ibang level ka nga. haha

jode_abbot_1988's picture

salamat dito

Alam ko marami pa akong dapat matutunan sa paraan kung paano makakagawa ng magandang tula. Nagpapasalamat ako sa mga taong nagbabahagi ng ganitong klaseng kaalaman.

"habang tuloy-tuloy sa pagalaw ang mga neurons sa utak ko... magsusulat ako"

Alexander Dagrit's picture

>

bahalanaman's picture

Walang makatang nabubuhay

Walang makatang nabubuhay ang makakaalam kung mahusay na sya o hindi. Sa isang banda tama si Noel Barcelona, ang masa (ang nakararami) ang tunay na hurado dito. Maliban pa doon, kasama rin ang panahon sa pagpapatunay ng husay ng makata (o ng mga manunulat na rin).  Kung ang reputasyon at kontribusyon ng isang manunulat sa lipunan ay hindi nagbago makalipas ang maraming panahon, dito pa lang mapapatunayan na ang manunulat na iyon ay naging mahusay sa panahon niya. At uulitin ko lang, hindi sya ang makapagsasabi o makakaalam nun kundi ang masa sa hinaharap. Kasi sila ang makakaramdam ng kontribusyon ng mga akda ng manunulat na iyon.

Mahirapang magbigay ng ganitong uri ng pamantayan - ang paglalagay ng lebel sa mahusay at hindi mahusay. Dahil kung sinabi ng makata na mahusay siya dahil naabot nya ang ganitong batayan, logically,  ang iba ay hindi. Pa'no kung may mas mahusay pala sa kanya na hindi kayang magpadala ng contribusyon sa mga pambansang magazin dahil wala namang ganung babasahin sa bukid, hindi makasali sa mga contest dahil walang pamasahe o kahit pampa-print ng likha nya (isama na rin ang kung ano-ano pang problemang pang-ekonomiya). Syempre kung wala ka nung una at ikalawa, mahirap na rin yung pangatlo.

Bakit nga pala tayo nagpapataasan ng ihi? Mas maganda siguro kung ituon na lang natin yung panulat natin sa kung pa'no tayo makatutulong sa pagbabago ng bayan. Magmulat, maghubog at mag-inom tayo!

Alexander Dagrit's picture

>

 

Walang nagpapataasan ng ihi. Kailangan lamang na may mga pamantayan sa paghuhuga ng pagiging mahusay at hindi.

Kailangan ang kompetisyon sa alinmang larangan, maging sa panitikan. Kasi ang mga paligsahang gaya ng Palanca at Gawad Surian ay lalong nagpapahusay sa ating pambansang panitikan.

Ibinubuhos ng mga manunulat ang lahat ng kanilang galing upang magwagi sa mga paligsahang iyon. At kapag ibinubuhos na nila ang kanilang galing, nakatutulong sila upang lalong umusbong ang isang panitikang makabayan, mapag-aruga sa kapwa, at nag-iiwi ng husay at ganda.

Tungkol sa sinasabi mong kakayahan ng masa para sa tula, nabanggit ko na iyon doon sa sagot ko kay G. Barcelona.

Mahalaga ang mga pamantayan at kompetisyon sa pagkakaroon ng isang mahusay at lalo pang mahusay na panitikang pambansa.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

noelbarcelona's picture

Masa at Tula

Mukhang mali yata sa sapantaha si G. Dagrit na wala nang halaga ang masa sa pagtula at ang paligsahan ang siyang pinakamainam na patunay para masabing maganda ang tula.

Matagal akong nag-organisa sa hanay ng masa. Nakipamuhay sa kanila at ang kanilang buhay mismo ang kanilang tula at awit. At paano mong masasabing etsapuwera sa masa ang sining ng tula? Disin sana'y di na sila kumakanta ngayon (ang awit ay isang porma ng tula). Mukhang sa dami ng nababasa ninyo ay naliligaw na kayo sa katotohanan.

At kailanman, hindi naging indibiduwalista ang sining ng tula. Lagi itong kolektibo dahil ang sapantaha ng manunulat ay bunga ng kanyang panlipunang impluwensiya. Mukhang kailangan natin ulit basahin ang batayang prinsipyo at kasaysayan ng panulaan sa Pilipinas.

Binanggit ang mga akademya: Hindi ba't ang akademiya rin ang nagmonopolisa ng sining ng pagtula dahil ikinahon ang dating panlipunang sining sa apat na sulok ng mga silid at sa palimbagan? Naku, G. Dagrit! Bumaba mismo sa masa at sabihin mo kung hindi sila tumutula kahit pa sabihin na "I have two hands" at saka umuusal ng mga dalit at bugtong. Aysusmaryosep! Nasa toreng garing kasi kung kaya laging nag-iilusyon. Tsk!  

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

bahalanaman's picture

 Hmmm... sa kasaysayan ng

 Hmmm... sa kasaysayan ng mundo, marami ang mahahalagang manunulat na hindi nagwagi sa anumang kompetisyon o maging ang ma-publish sa mga kilalang pahayagan. Pano naman yung mga yun... hindi ba sila mahusay na manunulat? 

 

HINDI KAILANGAN NG PAMANTAYAN SA PAGIGING MAHUSAY AT HINDI SA PAGSULAT. Mas tama pa rin kung magtutulungan ang mga manunulat na paghusayan nila at pag-isipan kung paano makatutulong ang kanilang akda sa pangkasalukuyan at pang-hinaharap na pag-abante ng lipunan. Sa malaki o sa maliit o simpleng paraan man.

 

Kung ganyan lang kasi ang gagawing pamantayan at pananaw ng mga manunulat, ampaw at pangmakasariling akda lang ang mababasa ng mga susunod na henerasyon. Kawawa naman sila! Kawawa rin ang mga manunulat dahil matapos nilang kumita, makakalimutan na sila!

noelbarcelona's picture

tula at masa

aysus! pakibasa nga ito:

http://panitikanatbp.wordpress.com/2010/08/23/kuwintas-ng-mga-salita-isang-sulyap-sa-sining-ng-tula/ 

“Write in such a way as that you can be readily understood by both the young and the old, by men as well as women, even by children.” - The Great Uncle Ho (1890-1969)

 

matagal nang patay ang ideya

matagal nang patay ang ideya ng publishing sa akin. kung tutuusin, sino-sino na lang ba ang nagbabasa ng mga pang-literaturang magasin tulad ng free press, phil graphics, at liwayway. kakaunti na lamang. bilang na ata sa kamay. ang totoo nga, hindi na ganun kagaganda ang mga akdang inilalabas sa liwayway, kung pagbabatayan ang mga nailathala nitong mga nakaraang taon. mga so-so na rin ang inilalabas sa free press at graphics. alam mo na kung sino-sino ang mananalo sa mga contest nila.  

 

at kamusta naman ang mga binanggit na mga publisher, sila-sila na lang ang nag-iimprenta ng sarili nilang mga gawa. mga magkakaibigang manunulat, mga propesor sa nasabing mga unibersidad. at aabutin ka pa ng ilang taon bago pa lumabas ang aklat mo. marami nang teknolohiya ukol sa paglilimbag, bakit mo ipagkakait ang sarili mo na mag-self-publish. eh kung si rio alma nga ang peregrinasyon niyang aklat sa pagkakaalam ko ay na-mimeo sa may recto. sinarili niya ang pagpapalimbag nito. nagkaroon din siya ng sariling publishing house tulad ng peskador. hindi rin ibig sabihin na tula ay confined na ito bilang print material. nasa anyong libro. nasa magasin. may isang premyadong makata, ang enfant-terrible ng panitikan noong 80s ang matagal nang hinihilingan ng mga kaibigan at ilang publisher na ilabas na ang una niyang aklat at makailang beses nang tumatanggi. kung maglalabas man daw siya ng libro, gagastos ang mga target niyang mambabasa. ayaw niya yun. sapagkat ang sining tulad ng tula ay dapat ibinibigay ng libre sa mga mambabasa. 

 

at ano naman ang mga pagkapanalo sa contest. pambuyangyang lang yan bilang credential kapag maglalabas ng libro. tipong ang bio-note ay pinalamutian ng kung ano-anong award tapos kapag binasa mo naman bleh.

 

ang mga inilatag na argumento ni bautista ay matagal nang binuwag at pagtatakda kung gaano kaelitista ang pananaw niya hinggil sa sining.   

hinggil sa publishing,

hinggil sa publishing, nakakatuwa lamang na may ilang grupo o ilang manunulat na handang magsakripisyo ng kanilang oras at pera para bigyang pansin ang mga akda ng ilang manunulat na isinasantabi ng "pamantayan" ng mga big presses tulad ng anvil at university presses. 

 

may nadidinig akong nilulutong proyekto hinggil sa pagtitipon ng mga small presses. sa pagkakaalam ko, december 3 ata ito gaganapin.  

 

Alexander Dagrit's picture

Ang tula at masa

 

Ayon kay Michael M. Coroza, sa kanyang kolum na "Haraya" sa lingguhang magasing Liwayway sa isyu nito noong Ago. 10, 2009 (p. 4):

"Isang espesyalisasyon ang pagtula. Hindi ito karaniwang bagay na kayang gawin ng kahit sino. Tulad ng pagkanta, pagpipinta, pagsayaw, at iba pang anyo ng sining, iilan ang tunay na nakalilinang ng talino at kakayahan sa pagtula.

"Makata ang nakakikilala sa tunay na makata. Makata ang nakasusukat sa husay ng isang tula. Ngunit, hindi dapat isiping pagmaliit ito sa kakayahan ng mambabasa. May mga kasanayan ding dapat na matutuhan ang mambabasa upang higit na maging kapaki-pakinabang para sa kaniya ang aktibidad na ito. ...

"Demokratikong isipin na mga mambabasa ang makapagpapasiya sa ganda at halaga ng tula. Ngunit kasaysayan na ang makapagpapatotoo na ang popular ay hindi laging tama. Hindi isa ang kahulugan ng mahusay at popular. Maraming popular ang hindi mahusay."

 

Sa ibang salita, walang sapat na kakayahan ang mga mambabasa upang pumalaot sa panunuring pampanitikan, partikular na sa pagsusuri sa husay, ganda, at halaga ng isang tula. Kailangan pa muna nilang mag-aral upang magawa iyon. Paano na kung wala silang panahong pag-aralan ang mga pamantayan sa pagsusuri ng tula?

Kaya, kailangan natin ng mga kritiko -- mga taong nagpapakadalubhasa sa panitikan -- na siyang huhusga sa mga tula.

Ang nakararaming tao, na hindi naman nakapag-aral ng panunuring pampoetiko, ay basta-bastang humuhusga sa tula. Paano na kung mali ang popular nilang paghuhusga?

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Alexander Dagrit's picture

Ang makata at ang masa

 

Kailangang malathala ang mga tula sa mga babasahing gaya ng diyaryo at magasin. Kung hindi ilalathala ang mga iyon, at sulat lang nang sulat ang isang makata, o kaya'y ilalagak lamang iyon sa Internet, parang walang kabuluhan din ang mga pagtatangka niya.

Kasi si Aling Bebang, na nagtitinda ng kalamay at minatamis na bao sa may gilid ng riles ng PNR, ay hindi marunong mag-Internet.

Kung malalathala ang isang tula sa diyaryo, baka masagi pa 'yon ni Aling Bebang habang nagbabantay ng kanyang mga kalakal.

Kaya, ang paglalathala ng tula sa mga diyaryo at magasin ay hindi lamang pagkilala ng mga editor sa husay ng isang makata kundi ito ang pakikipagdaupang-palad ng makata sa mga mambabasa -- sa sambayanan.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

j luna's picture

Tapos ipapambalot niya iyon

Tapos ipapambalot niya iyon sa tinapa pagkatapos.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Jack A. Alvarez's picture

At pamunas sa pwet tas umebzzz.

j luna wrote:
Tapos ipapambalot niya iyon sa tinapa pagkatapos.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

http://jackofspades01.multiply.com/

j luna's picture

Pampunas ng ebs

Panalo. Talagang sa puntong yun Jack matatawag nang literary ang katha.... Because literature is full of shit.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

Alexander Dagrit's picture

Talagang

 

ganoon ang kinauuwian n'yon. Pambalot ng kung ano-ano.

Aywan ko lang sa pamunas ng puwet. Kahit nasa ikatlong daigdig pa rin ang Pilipinas, medyo moderno na rin tayo sa ngayon, kahit paano.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

Jack A. Alvarez's picture

1/4 kilo ebak balot ng dyaryo along da riles.

Jack A. Alvarez's picture

Colored ang Liwayway sa kulay dilaw na tae.

Jack A. Alvarez's picture

Copy-paste sa dyaryo, tae-paste sa pwet.

Alexander Dagrit's picture

Mga magasin

 

Ang Liwayway ay may sirkulasyong 90,000 kopya bawat linggo. Kung binabasa ang isang kopya ng hanggang 10 tao, aabot sa 900,000 ang nagbabasa ng magasing ito linggo-linggo. Wala pang 1% iyan ng kasalukuyang populasyong 92 milyon ng bansa.

Kung isasamapa ang sirkulasyon ng Bannawag, Bisaya, at Hiligaynon, hindi pa talaga aabot sa 1.5 milyon ang nagbabasa ng mga nobela, maikling kuwento, tula, at sanaysay sa bansa.

Pero maganda na rin iyan kaysa naman wala.

 

 

Ang Tugma, Sukat, at Alindog sa Tradisyonal na Panulaang Pilipino

Kultong Rizalismo (sanaysay ni Jon E. Royeca)

 

 

j luna's picture

Alam Na!

Parang minirror mo lang yung exact comment ni Jon E. Ryeca dati ha (regarding statistics ng Liwayway Readers). Naaalala mo ba yun Rom?

Panglimang mayabang na criteria na maidadagdag ko:

Malalaman mo na ikaw ay magaling na makata kung may mga chicks at coed ka na estudyanteng naikakama matapos nilang mabasa ang iyong tula. (hindi ko pa nagagawa ito, therefore hindi ako magaling)

Pang-anim na mayabang at walang kuwentang criteria:

Pag-may isang filmmaker na gumawa ng pelikulang pinalabas sa Cinemalaya 2010 at sa Rotterdam na pinamagatang "The Trial Of Mister Serapio" na ang kinuhang mga artista ng filmmaker ay puro magagaling na makata.

Starring Jesus M. Santiago as Mister Serapio, Teo T. Antonio as Hukom, Michael Coroza and Vim Nadera as mga Tagapaglitis and j.luna as Sipsip.


---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro

kapag may karay-karay kang

kapag may karay-karay kang tsiks matapos ang poetry reading. yun makata ka na. yan ang pinakamalupit na pamantayan ng pagiging makata. 

pero ang totoo, ang pamantayan ng isang magandang tula o ng pagiging makata ay kung kaya nitong manatili sa hamon ng pagbabago ng panahon. kaya nga ang mga makata at kritiko na nagsasabi na maganda ang tula, kapag inamag, binulok, at inagnas na ang mga taong iyan, kasamang mapapasama riyan ang mga pinagsasabi nilang maganda. kaya nga ang masa na siyang nagdikta sa isang magandang tula, magiging bahagi ng kanilang kolektibong kamalayan ang mga ito. kung babalikan nga ang mga pagsusuri ni epifanio delos santos hinggil sa florante at laura, napansin niya ang mga magsasakang inaawit ang mga ito kahit hindi nila alam mismo kung saan nanggaling ang liriko at kung ano ang pamagat ng kanilang inaawit. and take note walang publication nung mga panahon na iyon. tanging mga elitista at iilan lamang ang nakakuha ng kopya ng florante at laura na kalauna'y wala ka nang mahahanap na orihinal na manuskripto.  

j luna's picture

Regarding chicks

At sa mga makata, ang kilala ko lang na kakagawa ng ganyan ay si Charles Bukowski at si John Lennon.

---------------------------------------------------------------

Sa likod ng mahabang dreadlocks at balat na puno ng tattoo at piercing, si j.luna ay isang lisensiyadong guro