PAANO NA KAYA ?

paul h roquia's picture
| | | | |

Wala talaga akong balak manood ng ‘PAANO NA KAYA’.  Wala na akong ganang manood pa sa sinehan ng Olivarez Plaza sa Los Baños Junction dahil bukod na sa may ‘kadiliman’ ang projection , basag ang tunog nito.  Wala lang.  Nahikayat lang akong manood at sa kawalan rin ng magagawa sa tanghali pinagpasyahan ko na jumoin na rin sa friends kong sina Tita Lei at Tita Marg.  Excited sila parehong panoorin kung paano tatakbo ang kwento ng dalawang mag-bestfriend at magkababata na mauuwi sa isang love affair.  Puring -puri si Tita Marg kay Kim; kinumpara rin ni Tita Lei ang dalagang aktres kay Audrey Hepburn dahil sa sobrang pagka-slim nito.  Actually, ninerbyos ako sa sobrang kapayatan ni Kim, para siyang tingting na puwedeng lumagutok at mabali anytime! 

Walang bago sa kwento.  Nagamit na ang temang ito sa mga nakaraang ‘fan movies’ nina Jolina at Sharon at marami pang iba.  Hindi rin maikapupuri ang daloy dahil napaka-formulaic nito at halatang masturbatory para sa mga humahanga kina Gerald Anderson at Kim Chui.  Mapapansin na magaling umarte si Gerald, ganun din si Kim… yon ang saving grace.  Hindi ka mabobored sa galing nilang bumitaw ng mga linya at pagsakatawang-tao ng mga karakter nila.  Okey din ang supporting cast. Kapansin-pansin si ZsaZsa Padilla bilang ina ni Gerald at Melissa Ricks bilang gf/ex-gf ; kaka-distract lang ang wardrobe niya na borderline ridiculous ang dating.  Refreshing ang ‘friends’ ng mga bida na sina Cai Cortez  at  IC Mendoza, at ang muntik nang maka-triangle ng lovebirds na si Robi Domingo, very suave ang dating niya at maiisip mo ang yumaong si Rico Yan.  Bitin ang pagsasaliw ng kanta ni BUGOY sa mga eksenang makabagbag-uhog.  OA ang execution ng ilang eksena lalo na doon sa pag-exploit nila sa pagiging fire volunteers ng dalawa.  Vague ang business backdrop na sinangkap para palutangin ang pagka-Chinese kuno ni Mae (KIM).  Maraming support ang walang dialogue tulad ni Guji , Jon at Bernard. Lahat ng eksena naroon silang dalawa o isa sa kanila.

Wala ngang kalatoy-latoy ang cinematic factor ng PAANO NA KAYA? pero kung fan ka ng KIMERALD, kikiligin ka talaga, pagkatapos, wala na!

EKLAVUMER


Ailem23's picture

hehehe

 ako rin walang planong manood ng paano na kaya kahit na pinipilit ako ni eloi.. ayoko e... di ko feel ang lahat sa movie na iyan... hahaha...isa lang pala ang feel ko ang theme song kasi like ko si bugoy... galing niya kumanta.

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

paul h roquia's picture

cge na...

 

 

 aktwali lan-lan,kinilig din ako. ang kyut ni gerald at ni robi. cge na samahan mo na si eloi... at least ang ganda ng theater dyan sa sm-lipa! di2 superchakka! next month pag nanood kami nina tita marg at lei, sa starmall sta cruz kami o sm-sta rosa... ganun kami kaadik! hihihi

 

aliwan avenue

 

 

 

 

 

Ailem23's picture

mader!

sayang kasi ang anda kung alam kong hindi ako masisiyahan sa kanila. haha. when it comes to loveteam, mas feel ko si Toni and Sam o Toni and Vhong... hahaha... hindi naman obvious na like ko si Toni Gonzaga.

sorry sa fanatic nina kim and gerald but according to my source na nakapanood na... "medyo okay lang" daw ang movie.. hmmm.. hintay ko na lang iyong kay bea siguro...

*****

"Hindi por que magulo ay hindi na maayos. malay mo, ginugulo ka lang talaga para umayos ka." 

www.onlypurehearts.multiply.com

www.newdaybooks.multiply.com

Adlesirc's picture

!

" Actually, ninerbyos ako sa sobrang kapayatan ni Kim, para siyang tingting na puwedeng lumagutok at mabali anytime"

 

 

hahaha! grabe ito madam... tawa ako ng tawa.. di ko talaga mapigil. hahaha. actually, plan namin ni kaye manood nyan kaya lang parang mas kaabang-abang yung kay bea at jlloyd sa feb 24 nung makita namin ang trailer nito (miss you like crazy ata ang title).

neutron's picture

online ka pala huh? :)

nakakarelate ka ba sa kapayatan ni kim. hehehe.. lol

yep.. ganda ng trailer ng miss you like crazy.. feb 24..

nice review. nakakaaliw. buti na lang di tayo nanood at di tayo fans ni kimerald. hehehe

- I'd still walk a million miles for just one of your kisses.

paul h roquia's picture

naka-attach

 

 

 mukhang maganda nga ang 'miss you like crazy'... naka-attach talaga siya sa kopya ng 'paano na kaya'... naintriga kami ng mga tita fwends ko sa pagka-exploit naman ng petronas na binugbog agad sa trailer pa lang...

oo, manonood kami ng 'm y l c ', this time sa sm-sta rosa ...