Paano Na? ni ROFEL G. BRION
Submitted by kapatid na pablo on July 19, 2009 - 9:51am.
Silang tunay na makata
Sa Wakas
Umulan kahapon
At kahit napakainit
Nang tumila ito,
Kahit papaano
Naibsan ang pagkayamot
Sa napakaagang pagdating
Ng tag-araw.
Pebrero pa lamang
Nang magsimulang matuyo
Ang damo.
Dati-rati'y maginaw pa
Sa buwang ito.
At kahapon, nang umulan,
Maraming nakahinga nang maluwag.
Ngunit nang muling umaraw
Pagtila ng ulan,
Biglang namalayan
Na dati-rati'y
Hindi umuulan kung Marso.
Paano tatanggapin
Ang unang ulan ng Mayo
Na dati-rati'y
Matagal na hinihintay?
Ano ang gagawin
Kung mapaaga rin
Ang mga bagyo ng Agosto?
Paano kung guminaw na
At muling uminit
Bago dumating ang Pasko?
» kapatid na pablo's blog | login to post comments | 713 reads

