Padre De Pamilya
Ikaw ang haligi ng bawat tahanan
Batas ang bisig at ginto ang pangaral
Siyang responsable sa lahat ng bagay
Sa hirap't ginhawa ay subok ang husay
Pasan ang pamilya sa iyong balikat
At ilipad mo sa pakpak ng pangarap
Nasa iyo rin ang ikapapahamak
Kung maling direksyon ang yong tinatahak
At sa ganid namang, kung sa papalarin
Ay siyang tanggulang matapang, magiting
Hindi papayag na sa dugo at pawis
Ay tatapaktapaka't siyang hahamakin
Iyan ang ama na sa bawat tahanan
Ay tinitingala at hinahangaan
Amang sa twina ay kay sarap kapalad
Ng inang siyang ilaw naming tanglawan
Ngunit naglaho ang tayog ng paghanga
Si amang matikas ay napariwara
Ano't ang pamilya'y mistula ng giba
Kaibigan, bisyo't babae ang inuna
Inom dito inom don buhay binata
Ang ilaw nasa bahay nakatunganga
Uuwing lasing galit pa't magwawala
Parang sira ulo kung sansan hihiga
Hindi pa nakuntento sa pagbarkada
Inom, yosi, sugal, babae, topada
Lustay ng lustay ng perang kinikita
Kaya gutom ang inabot ng pamilya
At nilubos na nga ang pagkakasala
Namunga ang binhi ng pangangalunya
Anga tahanang matibay, tuluyang nagiba
wala ng haligi lahat ay nawala
Kung abot sapitin ng bawat tahanan
Agad guguho kung marupok ang kalang
At ang ilaw mang sakdal sa pagsisikap
Ay malalanta ri't kalinga ang hanap
At pagkadami mang padre de pamilya
Ay piling pili lang ang tumatalima
Sa sinumpang pangakong sa twi't tuwina'y
Mabuting ama sa hirap at ginhawa.
Hayyzzz.....
wag sana kaung matulad
sa aking tula,,,,...
thanks
salamat po sa comment...
dami ngang ganyang klase ng ama
iresponsable, di marunong tumupad sa sinumpaang pangako
na pang habang buhay ay maging gabay ng ilaw ng tahanan.
sa halip na itaguyod ang pamilya ay lalo pang hinihilang palubog sa hukay
kawawa naman ang mga inang walang inisip kundi ang ikagaganda ng pamilya
at kinabukasan ng mga anak..
salamat sa komento
magandang tula
nagkakatotoo nga iyan... ang dami kong kilalang ganyan ang ama o mga amang ganyan... tsk tsk tsk...
naalala ko sinabi ng nanay ko... di bale na lang daw na tumandang dalaga ako kaysa naman mapunta sa mga asawang katulad ng tula mo...
nakakalungkot pero, ganyan talaga ang reyalidad...
I feel bad... I remember my
I feel bad... I remember my father ganyan kasi siya. Inom sugal sigarilyo kaya lagi ko siyang inaaway. hmmm ang ganda ng tula binasa ko kasi sa titulo nagustuhan ko na agad.
thanks
thanks po sa comment. i think we have the same situation...
pagkaka iba lang siguro uhhhhm what i did is what i've got..
i mean kung anu yung tula ko yun yung amang meron ako.
sad but true... masakit man sa paningin
thanks poh....
akala ko ako lang... wag
akala ko ako lang... wag kang magalala baka magbago pa sila..
Ang mahalaga mabuti tayong anak
maganda kaso..
meron ding mga nanay na pariwara, di lang mga tatay...ouch!
salamat
yap!! mayron nga din poeh.
but mostly lalaki ang gumagawa nun....
naaawa aq sa mga inang sa halipna pang habang buhay na ginhawat kasayahan ay lagim ang inabot sa mga lalaking tulad ng aking tula...
masaklit sa isip at damdamin.....





Maganda ang ipinahihiwatig
Maganda ang ipinahihiwatig ng tula. Sa panahon ngayon kadalasan ang padre de pamilya pa ang nagbibigay problema sa pamilya. Hindi naman lahat pero may mga padre de pamilya ang naliligaw ang landas... Marami akong kilalang ganyan sa aming lugar. Sugal, bisyo at minsan away pa ang hatid nila.
sana lahat ng padre de pamilya ay maging mabuting haligi ng tahanan...
Salamat sa iyong tula...
Jonsdmur
Kahit na inaaway ako
kahit na ipinapahiya ako
Kahit na nagmumukha akong tanga
Magbubulagbulagan ako
dahil ayaw ko ng gulo