Pag-aaral / To the woman who inspired us all

|

Hindi ko alam kung ako lang ba yun o ano, pero sobrang nahihirapan ako sa school. Ang daming kailangan gawin at kailangang aralin. Tipong sobrang dami na ayaw na talaga magkasya sa maliit kong kukote. Math, Chem, Bio. Lahat humihingi ng isang linggong pag-aaral para sa isang exam. Yung Chem pa may mga RDR pang nalalaman, na sobrang nagpapahirap talaga ng buhay. Sobrang kinakain nun yung oras ko na sana sa pag-aaral na lang para naman mataas-taas ang mga grado ko sa exam. Kamusta na ba mga grado ko ngayon? Ayun, bihirang-bihira magka-line of 9. Baka kulang nga lang ako sa pag-aaral dahil sobrang batugan ko nga naman. Hindi kumukulang sa limang oras ang tulog ko.

 

Gusto kong maging ganito kasaya (kahit na halatang stressed):

 

At ganito ka-carefree (actually gusto ko lang ng ganitong stolen picture haha):

 

 

Sobrang nagkakaiba ang sinasabi ko sa sarili ko ngayon. Tulad ng "ayos lang na hindi perfect, basta ginawa mo ang makakaya mo" at "galingan mo kaya, common sense lang lahat ng yan". Hay. Gaya nga ng sabi ko, isang linggong pag-aaral ang dapat ilaan sa mga pagsusulit ko sa Math, Chem at Bio. Eh pano yan, ngayon nagkasabay-sabay sila. Pak.

 

Kaya ko to. Lalo na nagsstresstabs na ko at tumatatlong kape bawat gabi. Sinubukan kong iwasan ang Facebook at Y!M mula 7 PM (na ang dahilan naman talaga ay secret hahahaha). Nagawa ko naman alleluiah. Nakapag-aral naman ako ng taimtim. 

 

Pero kung magkakaron ng evaluation sa pag-aaral ko ngayon, shet na lang. Ang mediocre kasi ng mga inaral ko. Nakakahiya ako. Huhu.

 

Note: I recognize that the pictures aren't mine, and that they belong to some awesome photographer/s this world is lucky to have.

 

//

 

 

To the late former President Cory Aquino, thank you for the inspiration you have ignited within our hearts.  

CHEERS FOR BETTER DAYS FOR ALL FILIPINOS! CHEERS TO US, CHEERS TO YOU, MADAM PRESIDENT!