PAG AKO'Y.............(sa mga tinatamad)
Pag ako'y tinatamad wala akong ginagawa,
pag ako'y tinatamad puro lang ako salita,
pag ako'y tinatamad lagi akong nakahiga,
pag ako'y tinatamad lagi lang akong naka tihaya..
kung ako'y tinatamad di ako mauutusan
kahit sumakit pa ang ulo mo di kita pakikinggan,
Umusok man ang ulo mo wala akong pakialam
kahit na magalit ka, bahala kang mag-isa diyan
Kung ako'y tinatamad lagi akong nakatunganga
walang ibang alam gawin, bahala na kung bahala,
kaya kung ako'y tinatamad huwag ka nang umasa
dahil wala rin akong gagawin para sa iyo ay magpapaligaya..
Note: ito ay kasiyahan lang ngunit may katotohanan na minsan sa buhay natin tayo ay tinatamad kaya pag tayo ay tinatamad halos wala tayong magawa na ano mang bagay.
Oo, nga!
tama ka ok lang kung minsan, pero kung palagi na ibang usapan na yun di na yun tinatamad ang tawag doon ay tamad na talaga!
funny!
ako din.. may oras na tinatamad =)
Tama nga! minsan may oras
Tama nga! minsan may oras na nakakatamad talaga. Masarap mahiga kapag sinumpong ng katamaran. Likas na sa tao ang tamarin paminsan-minsan.
Jonsdmur
minsan nga naman nakakatamad ang buhay
normal nga sa tao na minsan napapagod ka na at tinatamad ka ng gumawa ng mga dapat gawin...
hehehe... buti na lang di ako masyadong madalas tamarin...
melay
tinamad tuloy ako
"........"
AYUS!
Ito ang tulang bagay na bagay sa akin.. kailangan ko na yatang maligo
damhin ang lamig ng simoy ng hangin...
Oo nga, oo
Oo nga, oo nga.pagtinatamad, kahit madami kang gagawin wala kang pake, basta tutunganga ka kung kelan mo gusto.. haha
<(='.'=)> eloi
rakenrol







MAY TAMA KA.....
dkarimjr:
sang-ayon ako sayo..
siguro walang paliwanag pero likas na rin siguro sa tao ang maging tamad minsan. Pero kung sobra na, eh, ibang usapan na yan!
hehehe.....................