PAG-IBIG AY BULAG
Bakit ganyan ang pag-ibig, kapag nagmahal ka tanggap mo lahat kahit anong meron siya, bulag siya, pipi, pilay, abnormal, mabaho, duling at kahit minsan bawal na basta mahal mo nagagawa mo pa ring mahalin. Minsan sa buhay ng pag ibig lagi tayong bulag, kahit nasasaktan tayo okey lang , nagbubulag bulagan tayo kahit alam na natin kung ano ang totoo dahil sa larangan ng pag-ibig. Sabi nga raw "oh pag ibig kapag pumasok sa puso nino man ,hahamakin ang lahat masunod ka lamang."
Maraming mga kwentong pag-ibig , na kung ating aalamin malalaman natin na bakit binigyan tayo ng puso at utak ng diyos, puso para magmahal ng tama at naaayun sa pinag uutos ng diyos, utak para mag-isip kung ano ang tama at mali , at upang magamit natin sa ating buhay. Bakit kailangan nating masaktan kapag nag mahal tayo? Kailangan nating masaktan para malaman natin kung ano ang tama at mali, at isa lang yang paraan para lalo tayong maging matatag. Minsan sa buhay pag-ibig marami tayong katanungan na mahirap masagot, minsan kapag nalaman natin ang sagot mahirap tanggapin dahil yun ang totoo.
Minsan Mahirap ipaliwanag ang pag-ibig , para sa akin ang PAG IBIG AY BULAG, minsan nagmamahal tayo ng labis labis, minsan kung sino yung gusto mo yun yung ayaw sayo, minsan alam na nga nating mali , at alam na nga nating masasaktan tayo at makakasakit , sege pa rin tayo dahil minsan para sayo yun yung bagay na makakapagpasaya sayo. Minsan nagiging makulay lang ang buhay mo kapag nagmahal ka, nakakaya mo lahat at nagagawa mo mga imposibleng bagay kapag nagmahal ka.Minsan dumarating sa buhay natin na kung sino ang mahal natin parang malayo sa atin, at kung sino ang ayaw natin nandiyan siya na nagmamahal.
Maraming nagagawa ang pagmamahal sa buhay ng tao. Pakiramdam mo kapag mahal mo siya, siya nalang ang buhay mo, minsan natatalikuran mo lahat para sa mahal mo.
Sa pagiging bulag ng pag ibig kailangan lagi tayong handa na masasaktan tayo kapag umibig tayo, kasama sa parte ng buhay pag-ibig ang masaktan at mabigo, minsan bago nagiging matagumpay ang buhay pag-ibig maraming pagsubok ang dadaanan bago natin lubusang maramdaman ang kaligayahan. Minsan dumarating din sa buhay natin na akala natin ang pag-ibig natin pang habang buhay na , akala natin siya na ang makakasama natin habang buhay pero nawawala pa rin . Minsan hindi natin masisisi ang sarili natin bakit tayo nagkakasala at nasasaktan sa larangan ng pag-ibig dahil tao lang tayo na nagiging marupok sa mga pagsubok at tukso na dumarating sa ating buhay. Kaya tayong tao kailangan natin maging matatag at handa tayo sa anumang sakit na mararamdaman natin. DAHIL ANG PAG-IBIG AY BULAG.
pwede bang ako nalang ang
pwede bang ako nalang ang mahalin mo? biro lang...
wag ka matakot
Wag ka matakot narito lang ako...just hold my hands ang il take away all your fears.. parang nasa metrobank ka lang..you're in good hands...hehehehe!
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
hindi wag kang makikinig sa
hindi wag kang makikinig sa isa jan. saken ka lang tumingin at hindi ka mabubulag. hihihihi
gusto mo ba ng icing? hhahahah!
Korean Star ang nasa picture hindi talaga siya yan! hahaha
si Minam Go yata.
hahahaha ayos to ah...
hoy al el...totoo yan noh! muka ko tlaga yan kuha ko yan sa gay bar este sa bar sa bahay meron kasi akong maliit na bar if u could only see the whole pic may mga alak pa yan sa likod ko.. hmmm maka pag post nga ng mejo clear na pic ko hehehehe!
wag kang tumikim ng icing nya..durian flavor yun..ang akin kalabasa flavor..pamapalinaw ng mata hahahaha!
Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)
you got me wrong, i was
you got me wrong, i was saying hindi yata pic ng girl yung gamet niya. hehehe
kahit ano pang icing yan mag-aamoy Zonrox yan... hahahaha,
tama ka dyan ateh rose
totoong kaakibat ng pag ibig ang masaktan... pero hindi reason yon para matakot na tayong maghal db? pano nating makikita ang tunay na pagmamahal kong takot tayong sumugal.... at sa mga sakit na nararanasan natin dun tayo natototo...
ngat..........






"nyan ang isang bagay kaya
"nyan ang isang bagay kaya natatakot pa akong mainlave kc nga daw kapag mahal mo na ang isang tao hindi mo na daw nakikita ang mga maling ginagawa nya.... wala kanang pakialam sa anumang sabihin ng iba basta ang alam mo mahal mo sya.... kaya takot ako...."