Pag-ibig na mala-wagas
ang pag-ibig na mala-wagas
kapag nagwawakas
ay nag-iiwan ng malinaw na bakas,
ngunit, ang turo,
wag daw susundan ito ---
gaya ng usok na tumatakas.
kagaya ng mahiwagang aklat
na may mga dahong
nasusunog sa bawat paglipat,
wag na raw ipunin
ang natirang mga abo, at
huwag nang balikan
natuldukan nang mga tagpo.
ang buhay ay patuloy,
iwanan ang pananaghoy at
manalig sa pangako ng pag-asa;
ang pag-ibig na wagas
na pasalubong ng bukas ---
heto’t parating na….

This work is licensed under a Creative Commons Attribution-Noncommercial-No Derivative Works 3.0 Unported License.
salamat sa
salamat sa pag-basa. eto ang kinalabasan ng advice ni kislap alitaptap --- "xxx edit in cold blood"... :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
ang ganda ate ruth! Sana nga
ang ganda ate ruth!
Sana nga ganyan lng kadali ang talikuran ang mga lumipas na...
"wag na raw ipunin
ang natirang mga abo, at
huwag nang balikan
natuldukan nang mga tagpo."
cheers!
aireen
hehehee...
oo nga, sana ganun lang kadali... :)
salamat sa pagbasa!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
.
hi ruth, ang galing mo gumawa ng filipino na tula. kapag paulit-ulit binasa nagbibigay ng ibat-ibang kahulugan.
'nga pala anong purpose ng creative commons sa ibaba ng tula mo? parang notification ba iyan kagaya ng copyscpe sa nga short stories and articles?
salamat po sa pagbasa...
hehehe, yung creative commons ek-ek na yan, hehehe, nakita ko kasi sa isang blog ng isa ring poet, parang okay naman so ginaya ko. okay na yan pansamantala, para lang may babala sa mga babasa, hehehe (as if naman). :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
hanep ah...
...asteeg! eto yung hamon pag may tugmaan sa baha-bahagi ng tula. parang umaalingawngaw yung tunog sa tenga,
mas lalo na pag binigkas ang tula.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
salamat sa pag-basa. oo
salamat sa pag-basa. oo nga, matindi ang hamon sa pagtutugma! sige, maari mo na siyang bigkasin. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
sabi nila...
...nagsimula akong magsulat sa konteksko ng malayang taludturan. pero mas maige pag nagsisimula pa lang na tumula ang isang manunula, dapat ay subukan niya munang harapin ang batas ng tugmaan at sukat, bilang basic at pundasyon ng panulaan sa ating bansa. tapos pag gamay na ang pagsusulat na may tugma at sukat, subukan na ang malayang taludturan at magpakahusay na sa dalawa.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
parang narinig ko na yan
parang narinig ko na yan nung biyernes nang may makadaupang palad akong isang manunula... hehehe...
oo, praktis lang nang praktis... para maging asteeg!
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
ah talaga...
...ipakilala mo naman ako sa kanya.
sulat lang ng sulat!
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
nyahahaha, wag na! may
nyahahaha, wag na! may bookmark pa nga ako galing sa kanya, sabi niya dun: Write in white heat, edit in cold blood. :)
marami akong natutunan dun. salamat sa kaniya. :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
asteeg!
...may bigay pa sayong bookmark. Rakenrol!
at marami ka pang natutunan kamo? gusto ko na rin siya makilala... :-(
sana, sinubok niyo na bumuo ng tula habang magkaharap kayo.
tayo binigyan niyo ng kopya yung bawat -sa.
asteeg yung ganun!
naulit nga yung koment ko, burahin mo yung isa.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
oo naman! akalain mo,
oo naman! akalain mo, nakabuo siya ng tula na angkop sa aming pagkikita, ako naman, kung ano-ano na lang. nagpaumanhin na lang ako kasi lagi na lang kuwentong tungkol sa pag-ibig ang naisusulat ko lately, kaya yun lang ang nagawa ko.
pero yung kaibigan kong iyon, iba talaga, mahusay! akalain mong premyadong eskuwelahan ang pinanggalingan ng mga nalalaman!
yaan mo, ipopost ko dito yung gawa niya, pero kunin ko muna yung permiso niya, you know.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
sabi nila...
...nagsimula akong magsulat sa konteksko ng malayang taludturan. pero mas maige pag nagsisimula pa lang na tumula ang isang manunula, dapat ay subukan niya munang harapin ang batas ng tugmaan at sukat, bilang basic at pundasyon ng panulaan sa ating bansa. tapos pag gamay na ang pagsusulat na may tugma at sukat, subukan na ang malayang taludturan at magpakahusay na sa dalawa.
Kislap Alitaptap
www.kislapalitaptap.multiply.com
kislap, naulit yung
kislap, naulit yung komento mo, heheh.
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*
hi ruthie!
lagyan mo din ng copyscape ha...mas takot sila kopyahin ang gawa mo hehe
galing gawa mo!
Business articles and financial views
http://www.technoconvergingzone.com/
haha...
salamat po, sa pagbasa, komento at suhestiyon. hanggang sa muli! :)
Ruthie
Junimun norul saranghe... ^ . ^*







galing!
you are getting better and better... :D
I'd love to turn you on...
http://patrickman.blogdrive.com
http://walruscreativeworks.blogdrive.com