PAG-IBIG NGA NAMAN

ghethz's picture

Maraming nakapagsabi na kung magmahal ka daw ng isang tao, huwag mo raw ipakita lahat-lahat na nararamdaman mo. Sa mga eksperyensyadong tao, pwede mo silang paniwalaan. Oo at isa ako 'dun, naniniwala na hindi lahat nang nagmamahalan mayroong happy ending, pero sa mga pinagdaanan kong "LUVLYF" isa lang masasabi ko, na kapag ako'y magmahal, lahat nang feelings ko kusa kong ipinapakita sa taong mahal ko, yun nga lang, sobra palang "MALI". Alam mo kung ano ang pinakamahirap kapag nagmahal?? Mahal mo na nga sya, pero yung taong mahal mo, naghanap pa nang iba. Sa ganitong relasyon naranasan ko, masakit pala. Sa aking pag-aakala na kakayanin ko, yun pala kasingtulad rin sa isang estorya sa telebisyon, na ang akala ko sa totoong buhay di ito mangyayari, sobrang drama, yung ganun. Inaamin ko, ang pag-iyak sa gabi ay naranasan ko, napaisip nang di maganda at palaging wala sa mood, pati ibang tao nadadamay ko. Sabi nga nila, may marami pang lalaki na mas lamang sa kanya. Hindi alam nang mga tao kung ano ang kaibahan sa taong nakabuo na nang isang talata  kaysa sa taong wala pa kahit isang pangungusap na naisulat sa buhay mo. Matagal pa bago makapag-move on, in my whole life, it's my 1st tym na nakaranas ako nang ganung klaseng pag-ibig. Ang hirap, talagang napakahirap.

 

Until then, years past natutunan kong makipaglaro sa tinatawag nating "Pag-ibig". Oo, alam kong mali ang ginagawa ko, pero yun ang gusto ko ee. But then, I've realized that I was doing wrong, so I end it up and focus to myself. Sinabi ko sarili ko, stop muna ako. Isasara ko muna puso ko, kahit sa mga araw na yun maraming kumatok pero di ko binuksan sapagkat ako'y takot na kung saka-sakaling bubuksan ko, baka muli ako'y mamasaktan. Naging priority ko tuloy ang trabaho ko, walang sumasagabal at  masarap ang ganung klaseng buhay. Kahit alam kong mas masarap yung may inspirasyon ka, aside from  God at sa family. Work.work.work.work....! Ganun lang ako that time. WORKAHOLIC!ika nga!

 

Ang bilis nang araw, I've met someone na di ko ini-expect. Sabi nga nila "Kung may aalis may darating", naiwanan man ako noon at naging bigo sa pag-ibig ngayon may isang tao na muling nagbubukas sa matagal kong saradong puso. Okey na sana ang lahat, kaso mali naman. Ang pag-ibig nga naman, kusa syang darating nang walang sinyales, wala syang pinipili kahit di ka pa preparado. Kaya ganun! Maraming challenges na dapat naming pagdaanan. Hanggang ngayon, still unaswered  kung makakaya namin o hindi. Kung ibabase natin sa teleserye, walang ending na mabubuo kung walang pagsubok na pagdadaanan, kailangan kasi na may mga twists story. Ganun din pala sa totoong buhay, kailangan mong umarte, sabayan ang storya nang buhay. 

 

Eto kami ngayon sinasabayan ang ihip nang hangin. Kakayanin namin to! Aja! Aja! Fighting! Mahal ko sya at mahal nya rin ako! Alam namin yun! 

 

 

Sa mga readers gusto ko lang po mag-share tungkol sa storya nang lovelife ko. Lahat po nang nakasulat ay totoo. Kayo na bahala mag-comment. :) THANK YOU PO! 


Similar entries