PAGBABALIK Chapter 2
Folks, eto na ang ikalawang yugto para sa inyong kasiyahan.
PAGBABALIK Chapter 2 ni Melanie Quilla
Lalong humagalpak ng tawa si Tata Anton nang bumahing ako. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa poso at inabot ang tuwalya mula sa kalawanging drum at diretsong inihagis sa mukha ko.
“Ang tanda tanda mo na, kid, sipunin ka pa rin.”
At bilang sagot bumahing pa ulit ako at bumahing. Sipunin nga. Tatawa-tawang tinuyo ko ang sarili gamit ang tuwalyang bata pa lang ako e gamit na ni Tata Anton. Medyo butas-butas na rin iyon at manipis na.
“Pasok ka na sa loob, kid. May adobong palaka sa mesa.” Nasundan iyon ng nakakalokong pagngisi ng matanda. “At tatlong bilog at dalawang grande!”
Sabi na nga ba. Di na talaga nagbago ang matandang ‘to. Napapailing na sumunod na rin ako sa loob ng bahay, kinuha ko sa bag ang bihisan at sumunod ako sa kusina.
Ow yis, am a grit pritinder!!!!!… Isang nakakabinging pagbirit ng isang lalaki mula sa nakatodong videoke machine ang bigla na lang pumailanlang kasabay ng samyo ng maalat na hangin. Galing sa kapitbahay ang ingay. Nagbago na nga ang Champaca. Mahilig na rin pala sa videoke ang mga tao dito.
Ako naman ang natawa nang makita ko si Tata Anton na kinakalikot ang tenga, tila naiirita sa kumakanta habang nakadungaw sa bintana ng kusina. Lumapit ako at nakisilip na rin sa tinatanaw niya. Bumungad sa akin ang isang malaking bahay sa di kalayuan. Wala pa iyon nung umalis ako. At kabukod-tangi ang bahay na iyon na nakalutang sa gitna ng mga dampa. Akalain mong may makakaisip pa palang magpatayo ng magarang bahay sa lugar na napapaligiran ng panapong bahayan katulad ng barung-barong ko.
“Kina Senyor Delfin iyon, kid. Dayo lang dito ang matandang mayaman na iyon kasama ang mas bata niyang asawang seksi!” Ngumisi na naman ang matanda. Kung anu-ano na namang kalokohan ang sigurado akong naiisip niya.
“Matagal na po ba sila dito, Tata?” tanong ko na lang sabay hagip ng basong may yelo at gin na pa-welkam daw sa akin ni Tata Anton. Nagsalin ako ng gin sa baso.
Inagaw naman sa akin ni Tata ang bote at iyon na ang nilaklak nito, di man lang nag-abalang magsalin sa baso. “Nung isang linggo lang. May pa-blessing daw ng bahay ang Senyor kaya nagpapainom sa taga-rito.”
“O, e ba’t wala kayo dun?” Hari ng inuman itong si Tata Anton kaya nagtataka akong wala siya sa nasabing selebrasyon.
“My Honeypie! Ang sabi ni Aling Ponyang bibilhin mo daw ang buong aplaya para sa akin? Totoo ba, ‘yon, honeypie??!”
Nakuha ng paparating ang atensyon ko. Isang matandang lalaki na sa hula ko ay nasa singkwenta anyos o higit pa ang edad, mataba at paubos na ang buhok. Nakasuot ito ng damit pang-Don na sa telebisyon ko lang nakikita. Siguro nga ay napakayaman nito. May kasama itong mas batang babae na sa tingin ko ay nasa trenta anyos pa lang. Hapit na hapit sa katawan ang kinulang sa telang bestidang pula nito na umabot lamang hanggang sa dalawang dangkal mula sa baywang. Halos kita na ang kaluluwa sa kaiklian ng palda at sa bahagyang nakalitaw na dibdib nito. Kulot ang mahabang buhok ng babae, may hightlight iyon na kulay alambre, makapal ang make-up sa mukha, litaw ang pulang-pulang lipstick nito. Naka-heels din ito ng pagkataas-taas.
Walang duda, ito na nga ang sinasabing dayong mag-asawa. Lumingkis ng pagkahigpit-higpit ang babae sa braso ng matanda na animo’y parang sawa.
“Oo naman, Carla. Ibibigay ko sa ‘yo ang lahat. Kung gusto mo’y bibilhin ko rin ang buong Champaca para sa ‘yo,” anang lalaki.
“Talaga, Delfin?!!! Aaaay, ang sweet mo talaga, honeypie ko!” Inihilig pa ng babae ang ulo sa balikat ng matanda. Hinalikan lang ng matanda ang ulo ng babae habang papalapit na ang mga ito sa amin.
“Mang Anton!” bati ng babae. Napalingon rin sa akin ang babae at kinindatan pa ako.
Alanganing ngiti lang ang iginanti ko. Alangan namang kindatan ko rin siya. Binalingan ko ang asawa niya. Kawawang matanda, mukhang wala itong alam sa gawi ng asawa.
“Mang Anton! Ano pang ginagawa mo riyan? Pumunta na kayo dun sa bahay. Maraming pagkain dun at may inuman,” nakangiting anyaya ni Carla habang kinukurot ang pisngi ni Tata Anton.
“Oo nga, Anton. Pag-usapan na rin natin iyong iniaalok kong trabaho sa iyo,” segunda ni Delfin.
“O sige, Senyor Delfin. Dadaan ako maya-maya. Ay, ito nga pala si Ruben,” pagpapakilala sa akin ni Tata kay Senyor Delfin. Nakipagkamay ako sa kanya pagkatapos ay nagpaalam na ang mag-asawa.
“Isama mo si Pogi, Mang Anton!” pahabol ni Carla sabay kindat ulit sa akin.
“Sige!”
Napailing na lang ako.
“Anong masasabi mo, kid? Sabi ni Ponyang, taga-kabilang bayan lang daw ang mag-asawang ‘yan. Matandang binata iyang si Delfin na may-ari ng palaisdaan sa kabilang bayan. Hindi masyadong palakaibigan iyang si Delfin. At madalas pumapalaot iyan nang mag-isa.”
“Mukhang okay lang naman po si Senyor Delfin. Mukhang mabait at mahal naman siguro niya iyong asawa niya.” Pero ang iniisip ko, iyong kayang si Carla, mahal kaya niya ang asawa niya o pera lang ng matanda ang habol niya? Nasobrahan na rin ata ako sa panonood ng dramang panghapon kaya kung anu-ano na rin ang naiisip ko. Nilagok ko na lang ang gin na natunawan na ng yelo sa basong hawak ko.
Sinalinan ni Tata ng alak ang baso ko. “Si Carla, di ba tama ako? Seksi, makinis, maganda. Galing Laberna si Carla, sabi ni Kunteng. Doon daw nagkakilala ang mag-asawa. Dinadalhan daw ni Senyor ng malalaking bangus si Carla. Ayun, nakuha sa bangus!” tatawa-tawang bida ni Tata.
Napakunot lang ang noo ko. Unang tingin ko pa lang kay Carla, hindi nga nalalayong galing ito sa lugar na sa gabi lang nagbubukas.
“Sa Laberna po?”
Tinapunan ako ng makahulugang tingin ni Tata. “Ruben, Ruben! ‘Wag mong sabihing hindi ka pa nakakatapak sa Laberna?”
Siyempre naman nakarating na ako roon. Isa iyong beer house sa kabilang bayan na ang nagse-serve ng alak ay puro nakabikini kahit bumabagyo. Madilim ang paligid na nasasabuyan lang ng mga disco lights mula sa stage kung saan gumigileng-gileng ang mga babaeng parang sinaniban ng bulate o ahas sa di ko mawaring pagpulupot at pag-ikot-ikot sa isang poste sa stage. Napalagok tuloy ako ng gin.
“Hindi ka pa nga ba nakakapunta roon?” takang tanong ulit ni Tata.
Inagaw ko ang bote ng gin sa kanya. “Nakapunta na po. Isang beses pa lang.” At hindi na ako babalik dun. Magagalit ang aking si Joane. Si Joane, halos-kasing edad lang siya ni Carla nung namatay.
“Kid, ano? Sasama ka ba?” Tinapik ni Tata ang balikat ko. Kumunot ang noo ko. Ininguso ng matanda ang malaking bahay. Oo nga pala, nang-imbita ang mag-asawang iyon.
“Opo, sasama ako.” Inilapag ko ang bote at baso sa mesa at sumunod kay Tata palabas ng bahay.
Tinawid namin ang kabilang bakod sa likod ng barung-barong ko para makarating sa bahay ni Senyor Delfin. Pumapailanlang ang tawanan ng mga nag-iinuman nang dumating kami. Tila aliw na aliw ang mga ito habang kinakantahan ni Carla na pagiling-giling malapit sa mesa ng nag-iinuman. Bagama’t nasa tono, hindi ko naman mawari kung bakit iyon pa ang napiling kanta nito.
“Kay rami ng…winasak na tahanan. Kay rami ng… matang pinaluha. Kay rami ng… pusong sinugatan….”
Umangkla ito sa isang binatang kasama sa nag-iinuman. “O tukso, layuan mo ako.” Nagsigawan ang mga lasenggo. Pangisi-ngisi naman ang binatang may nakasakbat pang camera sa balikat habang kinakantahan ni Carla. Halatang sanay na sanay sa entertainment itong si Carla.
“Ay Mang Anton, Poging Ruben, tuloy kayo,” anyaya ni Carla habang nakadukwang sa mesa. Maya-maya pa’y nakitagay na rin kami ni Tata sa mga may tama nang nag-iinuman. ’Andon din sa umpukan si Senyor Delfin ngunit tila wala itong pakialam sa ginagawa ng asawa. Parang nakikipag-inuman lang ito sa sarili nito. Umupo ako sa tapat ng binata. Bata pa ito, sa palagay ko’y nasa bente anyos pa lang ito.
“Robert, kamusta ang mga pagkuha mo ng piktyur?” tanong ni Tata sa binata.
“Ayos lang naman po, Mang Anton! Maraming interesanteng bagay ang Champaca,” sambit nito sabay lingon kay Carla na pumipili ng kanta sa songbook.
Kapagdaka’y ipinakilala rin ako ni Tata sa binata. Isa pala itong amateur wildlife photographer at naroon ito sa Champaca para maghanap ng mga larawang mailalagay sa exhibit nito.
Kumanta na ulit si Carla. “Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin.” At muling lumingkis kay Robert. Makahulugang tinitigan lang ito ng binata habang kumakanta. “Nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang sa ‘kin.”
Nilagok ni Robert ang isang tagay ng beer at bumaling kay Carla. “Alam mo, Carla, palagi ka namang nag-iisa tuwing papalaot ang asawa mo di ba? Bakit hindi ka na lang sa akin sumama? Samahan mo akong libutin ang Champaca. Sumama ka na rin sa akin sa Maynila. Alam mo bang mas magiging masaya ka, kapag pumili ka ng mas bata?!”
“Ikaw talaga gwapito, masyado kang mapagbiro!” kinurot ni Carla ang pisngi ni Robert.
“Hoy, hijo!” untag ni Senyor Delfin. “Saka ka na lang manligaw sa asawa ko kapag patay na ako. Hindi pa byuda iyan ’tsaka, magpatangkad ka muna! Kampay!!!!” Nagtawanan ang mga lasing.
Lasing na si Senyor Delfin. Kung anu-ano pa ang sinabi nito na ikinatawa lang ng nasa umpukan.
Tama si Robert. Marami ng interesanteng bagay ang Champaca kumpara nung iniwan ko ang lugar na ito. Pero ang Champaca ay Champaca. Nagbago man bahagya ang anyo nito, ito pa rin ang lugar na kinalakihan ko.
-----------
kung nais niyong basahin ang ibang kabanata:
ang galing
Yan mismo ang naiisip kong sasabihin ni Carla. Ayan mas malinaw na ang daan ko. Galing nyo ni pirmiskalang. para kayong nag-usap. Siguro magkainuman din kayo sa kanto...hehehehehe.
Pag iniba ko kaya ang atake dito e matuwa kayo? Wag na. Baka takpan nyo pa ako ng dyaryo. Sana masyahan din kayo sa gagawin ko.

Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...
aliw!
tama si pirmiskalang.. masarap laruin ang kwento. hehehe. palagay ko eh, patikim na giling pa lang ito ni Carla.. gawain, pwede mo pa rin pagilingin si carla basta wag lang kerles wisper, panis na panis na un eh! hehehe.
nagkausap kami ni pirmi sa ym, kung gusto mo gawain, add mo ako sa ym, maginuman din tayo roon! melaniequilla@yahoo.com. hehehehe.. anong chapter ka ba? ang sikreto lang jan eh pag-aralan mo ung previous chapter para maayos ang atake ng sunod. Oks lang ibang atake gawin mo. kanya-kanyang style lang iyan!
excited na rin akong mabasa ang sunod na chapters!
******
Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.
Giling
Exciting to kasi dami ko nang naumpisahan baka pagdating sa kin (Chapter 5) me mas maganda pang development. Ms Melai in e-mail na kita. sige, sa saturday na ko uli magbubukas ng mail kasi me activity sa trabaho ko. Paduguan ng naman ng isip (always supposing may isip nga kami in the first place hehehehe) Bat ba kasi naimbento pa ang trabaho hano?
Gusto ko pa sanang mas bastusan ng konti si Carla e. E mukhang manong si sir. Baka i reject ang aking sinulat hahahahaha
Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...
TIP ko, baka makatulong...
para mapabilis at di maligaw gumawa ng story sentence at treatment.
para mas concentrated, ilagay na yung mga paglalarawan sa gitna ng nagaganap na aksyon. wag na rin ilagay ang paglalarawan na wala namang masyadong kaugnayan sa katauhan ng character o sa kwento mismo.
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
huh?
(Bakit kailangan pang husgahan kung nakakain na tayo? Ayoko ng manghusga pag busog na ko e...)
-ano 'to?
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
Yung tag-line mo po. "Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain m
Joke yun sir , e. di ka natawa?
Happy are those who dream dreams and are willing to pay the price to make them come true...
aaa..ok..
'wag mo gawin sa iba 'yankasi baka isipin nila tinitira mo sila. kasi 'yang sinasabi mong tagline 'yan ang bahagi ng taong naglagay. hindi malaking isyu pero paalala lang. wala akong masamang tinapay. hi5!
*sorry wala kasi akong nakitang pam-PM dito sa site kaya hindi ko nasabi sayo ng maayos*
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
Galing naman!
A Collection of Short Stories-Jonsdmur
Nakuha mo ang style ng chapter one.... galing mo talaga....
sabi ko sayo kaya mo yan...
abangan ko rin next chapter nito....
Ingat!
jons
kakabasa ko lang
nagsisimula na siyang maging radio drama.
alam ko iniintroduce palang ang mga characters na Senyor Delfin at Carla. Pero sana mas may depth pa sila sa mga susunod na chapters. para hindi naman masyadong stock yung characterization.
ang galing mo melay, naipagpatuloy mo ang descriptive quality nung unang kabanata. congrats sa pagbuo mo ng chapter na ito.
naiintriga ako kay robert.
wag kang pipikit...






witwiw!
Sige CARLA! ikembot mo!!!
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."