PAGBABALIK Chapter 3
Here, folks, is Chapter 3 of the story. Enjoy!
PAGBABALIK – Chapter 3
by Anakngfaraon
“Sumainyo ang Panginoon,”
“AT SUMAIYO RIN.”
“Pagpalain kayo ng Makapangyarihang Diyos, Ama, Anak, at Espiritu Santo.”
“AMEN.”
“Humayo kayo ng may payapa sa puso.”
“SALAMAT SA DIYOS.”
Habang nakikipagsiksikan palabas, hindi ko mapigilang mamangha sa ikinaunlad ng simbahan. Ibang-iba na ito sa simbahang pinaglingkuran ko bilang sakristan noong elementary pa ako. Pinagmasdan ko rin ang mukha ng mga tao sa paligid ko. Marami ang hindi ko kilala. Malamang galing ang mga ito sa kabilang bayan, pero dito nagsisimba.
“Ang ganda na pala ng simbahan natin, Tata Anton,” banggit ko sa kanya nung kami ay nakalabas na. Huminto ako sa harap ng simbahan upang mapagmasdan ang kabuuan nito.
“Ako nga rin nagulat eh,” sagot ni Tata Anton sabay kamot sa ulo, “ngayon na lang kasi ako ulit nakapasok dito.”
Hindi nakapagtataka ang sinabi ni Tata Anton. Ang natatandaan ko ay nagsisimba lang siya kapag bertday niya. Pinigil ko ang tawa, baka madagukan pa ako.
Maya-maya ay may narinig akong mga pamilyar na tinig sa ‘di kalayuan. “…para mas marami ang balik. Tatandaan mo yan,” sabi ni Senyor Delfin.
“Ahh, ganun pala iyon. Sige, lakihan mo ang donasyon para malaki din ang balik sa atin,” sagot ni Carla sabay tingin sa langit na tila nangangarap.
Lalapit sana kami ni Tata Anton sa mag-asawa para bumati, kaya lang biglang lumabas si Father (nakalimutan ko ang pangalan niya) at inimbitahan si Senyor Delfin sa kanyang opisina. Si Carla naman ay naiwan sa labas. Naglilingunan ang mga tao sa kanya. Para kasi siyang naliligaw sa damit niya. Hindi mo aakalaing galing simbahan o magsisimba – naka-mini skirt at killer stilettos. Naalala ko ang asawa ko sa sapatos na iyan. Minsan niyang sinubok magsuot ng ganyan kataas na sapatos. Hindi pa siya nakalalayo ay nabali na ang takong dahil mali ang paglalakad niya dahil hindi naman siya talaga sanay. Nauso lang kaya sinubukan niya.
“Hanep talaga itong si Carla, no?” sabi ni Tata Anton. Napa-iling na lang ako.
Pagpihit ni Carla sa kanyang kinatatayuan ay nakita niya kami ni Tata Anton. Ngumiti siya sa amin, kumaway at naglakad. Akala ko lalapit siya sa amin pero papunta pala siya sa isa sa dalawang malalaking bato kung saan nakasulat yung Sampung Utos. May ilang metro ang layo ng mga ito mula sa isa’t isa. Mukhang bago rin lang ang mga batong iyon. Lumapit din ako para makibasa pero doon naman sa kabilang bato. Sumunod naman sa akin si Tata Anton.
“Igalang mo ang iyong ama at ina.” Naririnig ko ang basa ni Carla sa mga utos.
“Good morning, Sister Carla.” Si Kuya Ernesto ang bumati sa kanya, suot pa ang uniporme niya sa pagmiministro sa simbahan. Sa naririnig kong usapan nila, parang iniimbitahan niya si Carla na sumapi sa isang grupo sa simbahan. Pasimple akong nagtanong kay Tata Anton. “Tata Anton, kelan pa nag-member-member sa simbahan iyang si Kuya Ernesto? Eh di ba dati ang hilig niyan yung mga anting-anting na gamit ni Ramon Revilla sa mga pelikula niya?”
“Yan? May tatlong taon na. Nahila lang ng misis niya,” paliwanag sa akin ni Tata Anton.
“…naku, baka naman lumagpas na ako sa langit niyan,” ang narinig kong sagot ni Carla kay Kuya Ernesto habang dumudukot ng mangunguyang chewing gum sa kanyang bag.
“Eh gumagamit pa rin ba siya ng mga anting-anting niya?” usisa ko pa kay Tata Anton.
“Ewan. Siguro gumagamit pa rin, para hindi siya masapak ng mga binobosohan niya,” sagot sa akin ni Tata Anton na halos mabulunan sa pagpigil sa halakhak niya.
“Sister, ang paglilingkod sa Panginoon ang pinakamahalagang magagawa natin dito sa lupa,” ang dinig kong paliwanag ni Kuya Ernesto kay Carla. Malumanay ang kanyang boses at banal ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig, subalit iba ang galaw ng kanyang mga mata. Halos hindi niya maalis ang kanyang tingin sa dibdib ni Carla.
“Smile!” Si Robert – napadaan at kinuhanan ng litrato si Carla. “Hoy, akala ko ba wildlife lang ang kinukuhanan mo. Tingin mo sa ‘kin? Wildlife?” sabi ni Carla kay Robert, habang ngumunguya ng chewing gum.
“Rare species. Wala kang katulad,” sagot ni Robert sa kanya.
Halata na naman ang pambobola ni Robert kay Carla. Bigla namang umasim ang mukha ni Kuya Ernesto. Teka nga pala, di pa kami nagkakabatian ni Kuya Ernesto, eh kanina pa ako nandito. Parang hindi niya ako nakikita.
“Kuya Ernesto, kumusta na,” bati ko sa kanya. Medyo nilakasan ko ang boses ko nang kaunti para mapansin ako. Lumingon siya sa akin at medyo nagulat. Nagkumustahan kami sandali at tinawag niya akong “brother”, pero halata namang wala sa akin ang atensyon niya dahil panay ang lingon niya kay Carla at kay Robert. Nang umalis na si Robert ay muli siyang lumapit kay Carla at sinabihang mag-iingat kay Robert dahil hindi hindi maganda ang intensyon nito sa kanya.
“Ang pang-sampung utos ay huwag iimbutin ang asawa ng iyong kapwa,” payo niya kay Carla ukol sa ginagawa ni Robert, sabay turo sa bato sa aking tabi. “Idinadamay ka niya sa apoy ng impiyerno,” dagdag pa niya. Nilapitan naman ni Carla ang bato at halos tumuwad upang mabasa ang utos na nasa ibaba na. Nakasunod sa kanya si Kuya Ernesto. Lumuhod nang bahagya si Kuya Ernesto upang ayusin ang sintas ng kanyang sapatos, pero ni hindi niya tinitignan ang sapatos niya. Nakapako ang kanyang mata sa puwitan ni Carla na malamang ay labas na ang kaluluwa sa ikli ng kanyang suot at sa kanyang pagkakatuwad.
“Ernesto, halika na’t kailangan pa nating maghanda para sa susunod na misa,” narinig kong tawag ng isang babae sa ‘di kalayuan. Si Ate Cynthia pala yun, ang asawa ni Kuya Ernesto. Ang laki ng ipinagbago niya.
“Tata Anton,” bulong ko sa kanya, “ano’ng nangyari diyan kay Ate Cynthia? Dati seksi iyan di ba, medyo Gelli de Belen pa nga ang dating, pero ngayon…”
“…pero ngayon lumba-lumba na,” ang pagkakatapos ni Tata Anton sa aking sinasabi. “Eh ginawang factory ni Ernesto iyang asawa niya eh, sunud-sunod ang anak, talagang magkakaganyan iyang si Cynthia.”
Napalingon si Kuya Ernesto sa kanyang asawa at dahan-dahang tumayo. Parang medyo asar siya. Lumapit ulit siya kay Carla para magpaalam.
“Sige, tutuloy na ako, Sister Carla. Pag-isipan mo ang mga sinabi ko,” sabi ni Kuya Ernesto, bago tuluyang sumunod sa kanyang asawa pabalik sa loob ng simbahan. Sa pagkakataong iyon ay lumabas naman si Senyor Delfin kasama si Father. Sinalubong sila ni Carla. Nagsimula naman kaming maglakad pauwi ni Tata Anton, pinagchi-chismisan namin si Kuya Ernesto. Naku, patawarin ako ng langit, kasisimba ko pa mandin.
“Isa iyan sa mga dahilan kung bakit hindi ako madalas magsimba,” paliwanag sa akin ni Tata Anton, “mga banal kuno na mga naglilingkod sa simbahan, banal na aso naman.” Hindi na ako sumagot si sinabing iyon ni Tata Anton.
----------
kung nais ninyong basahin ang mga naunang kabanata:
uki duki
oo nga, ako nga pabalik-balik ang pag-edit hanggang maayos yung format.
salamat po.
http://katya14.multiply.com/journal
bwahaha!
tuwad carla! tuwad!
(walang bang eksena sa banyo?! woohoo!}
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."
suggestment
suggest ko po ilagay yung link nung mga naunang chapter para kung may gustong magbasa nung mga na miss nilang chapter madaling balikan. tsaka sana may konting notes mula sa nagsulat. yung proseso na pinag daanan niya paano niya naisulat-->parang konting behind the scene naman.
salamat!
ok yung suggestions a!
oks na oks sa akin yung suggestions mo.
o yung mga sumulat ng tatlong chapters baka gusto niyong magkwento ng inyong mga gustong sabihin, i-email nyo sa akin at ia-upload ko sa mga chapters na dapat kalagyan.
wait ko, mga pards!
Ayos ang pagkakasulat
Ayos ang pagkakasulat dito, cool na cool, kaso sana may link yung chapter 1 and 2, hindi kasi ako makasunod.
Interesting ang character ni ernesto, maabilidad mamboso, kunwari nagsisintas ng sapatos, hehehehe.
Tuloy tuloy lang, mukhang maganda naman ang takbo ng collab nyo.
Stronger than the boogeyman hiding in your closet
yeah!
madali na yan..nailatag na yung lahat ng characters...pagsasabungin mo na lang sila...
http://pirmiskalang.multiply.com/
"Bago mo husgahan ang iyong kapwa, kumain muna tayo."







paki-ayos naman ng
paki-ayos naman ng format. kapag copy-paste lang from word processor to FW minsan eh hindi nasasama yung format at spacing.
ang hirap kasi basahin eh.
http://katya14.multiply.com/journal