Pagbabalik Tanaw Ng Puso

raquellaa's picture
Noon bawat tibok ng puso at lakad ay patungo sa iyo
Ngayon kaya ng dumaloy ang puso sa normal taglay ang lakas
Bawat lakad ngayon ay may tamang daan na hindi ka kasama
Hindi na takot ang aking mga mata sa iyong titig  dahil hindi na
kailangan na ikaw ay  tanawin pa sa tuwing dadaan at makikita
Dahi ngayon ay malinaw na ang aking paningin pati pakiramdam
 
Noon dulot ng pag ibig sa iyo ay isang kapanglawan na kumirot
sa buo kung pagkatao ngunit ngayon dulot nito ay isang ngiti na
may wagas na simbolo ng katatagan at pananampalataya na ginawang
sandata sa maling pagkakataon at tao upang maramdaman ang isang
bihirang pag ibig.  Ngayon lumisan ka man ay hindi na masasaktan ang puso
dahil iyo na itong napasaya at napalungkot sa iyong pagdating.
 
Sa gabi payapa na ang pagtulog at maisip ka man ay saglit na lang
sabay ng isang pag ngiti  dahil sa isang hindi maipaliwanag  na damdamin
Kaya ng kumilos ng normal pero may mga bagay na sa akin ay nabago mo
Tulad ng pagiging seryoso at tinuruan na ako 'y lalong tumapang sa pagharap ng mga sitwasyon na hindi mapipigilan higit sa usaping puso.
 
Sana sa mga panahon na ang puso ay sa iyo tumibok ito ay iyong naramdaman kahit na mali pa pero lagi tandaan na minsan  lang dumaan ang
ganitong pakiramdam sa aking buhay kaya mapalad ka. Salamat dahil
muli ay napatunayan ko na kaya pa din pala tumibok  ng puso, nagtalo man
isip at puso isa lang ang nanalo at natalo ako pa din pero ngayon malaya na ang puso at isip ko sa iyo. Salamat ngayon  ito na lamang ang kayang sabihin isang pagbabalik tanaw  sa puso minsan masarap balikan  upang ganap na matauhan at magpatuloy sa buhay.
 
 
 Author:
 
Alam ko hindi masyado maayos ang tula ko pasensiya sa mga mambabasa bukal naman sa isip at puso ko ang bawat titik nito. Mr. Lemmor paki ayos nga joke. Ha!ha!ha!. Salamat 
 

Lemmor Setneuf's picture

raquellaa wrote:Alam ko

raquellaa wrote:
Alam ko hindi masyado maayos ang tula ko pasensiya sa mga mambabasa bukal naman sa isip at puso ko ang bawat titik nito. Mr. Lemmor paki ayos nga joke. Ha!ha!ha!. Salamat 

Ngayon ko lamang ito nabasa... mahaba-haba kasi ang bakasyon namin sa trabaho dito sa ME, ng mabasa ko ito ang agad kong nagawa:

Ang bawat tibok ng puso noon ay para sayo

At hakbang nito’y sayo lamang ang tungo

Ngayon ay may iba ng landas na tinatahak

Ang puso’y nakadarama na ng galak

Di na takot sa bawat mong titig

Wala nang nadarama munti mang pintig/kilig

di na rin dumudungaw ag puso sa iyong pagdaan

Ngayon nga’y wala ng panahon para sayo nakalaan

 

Pag natapos ko padala ko sayo sa e-mail ng FW.... hirap kasi akong dugtungan dahil di ko pa ganap na alam kung sa paanong paraan ba naganap ang iyong pag-iibigan. Sa Sabado e-mail ko sayo iyong buong tula.

 

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

raquellaa's picture

Thanks!

 Ok po hintayin ko.

 

 

"Accept good and bad things in life"

Lemmor Setneuf's picture

Raquellaa... Happy New Year!

i send you an e-mail... 

 

 

 

"Ang ating liwanag at muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

raquellaa's picture

Hi!

 Likewise Happy New Year po. Wala ako receive sa email ko bro.

Thanks 

 

 

 

 

 " Accept good and bad things in life"

paruparongberde's picture

para lang syang essay about

para lang syang essay about love

sabagay ang poem naman pwedeng free flowing

 

"aalis ka na? paki hila ng pinto"