Pagbabalik Tanaw Sa Nakaraan

rose's picture

Normal 0 false false false EN-US X-NONE X-NONE MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin; mso-bidi-font-family:"Times New Roman"; mso-bidi-theme-font:minor-bidi;}

Pagbabalik Tanaw Sa Nakaraan

 Gusto ko lang po mag balik tanaw sa Nakaraan nung panahon ng Edsa Rebolusyon at kapanahunan ngayun, totoo nga pot napakarami ng pagbabago mula noon at ngayun . Ito nga po’t marami ang nag daraos ng Anniversaryo ng Edsa 1 , Napakarami pong katanungan ang nasa aking isip kung ano po ang mga pag babago nung pagtapos ng EDSA Edsa na yan, ano nga po ba ang adhikain ng Edsa 1.

 Unang una ang mawala ang Corrupt, Maging Malaya ang Bansang Pilipinas, Mawala ang mga mga mag nanakaw Mawala ang Dictatorial Govenment. Tanong nawala ba ang mga yan?,Nabago ba ang bansang Pilipinas?, Umasenso ba? Nagkaroon Ba ng kalayaan ang bansang pilipinas? Naging magaan ba Ang pamumuhay ng sambayanang Pilipino?, Bumaba ba ang mga bilihin? Nawala Ba Ang Mga Dictatorial Sa Goveryerno?.

 Tanong Pa ano ba merong buhay tayo noon at ngayun?????

 Mga katanungan na kitang kita ko ang kasagutan. Noong wala pang Edsa Edsa 1 na yan, masasabi ko na napakagaan ng Buhay ng mga Pilipino ! BAKIT?  Sa mga naalala ko napakamura pa ng bigas, galunggong, kape , asukal, pamasahe, at naalala ko pa ang mga libreng gatas sa center namin, may mga libreng gamot, ibreng nutriban,  libreng gatas katulad ng KLIM. May halaga pa ang 5 at 10 cents. Naaalala ko pa binibigyan ako ng nanay ko ng 100 hundred pesos upang mamalengke, aba kompleto na yun may 5 kilos bigas na ako nabibili nun, may ulam na , may asukal pa at kape at may sukli pa yun. Dati magkano ang kilo ng bigas 3 pesos 5 pesos maganda na, ngayun 30 pesos lasang NFA na, dati magkano kilo ng asukal 3 pesos ngayun mas mahal pa sa bigas, dati magkano pamasahe 1.50 sa jeep ngayun 8.00 pesos na depende sa layo, Dati Kapag nagkasala ka walang mayaman, walang mahirap may parusa, ngayun pag mahirap ka kawawa ka mabulok at mamatay ka sa bilangguan, pag mayaman ka kahit harap harapan ka pumatay wala ka parin kasalanan , walang matibay na ebedensya. Basta may pera ka bulag ang hustisya, ngayun pag wala ka 500 pesos sa wallet wag kana pumunta ng market, dun kanalang pumunta at mamili sa maliit na tindahan sa kanto. Ngayun ultimong piso wala nang halaga, bata nga bigyan mo ng piso sasabihin sayo ano mabibili ko dito?  Wag na tayong mag bulag bulagan pa, alam na alam naman natin na ang bansang pilipinas ay wala nang pag babago, paulit ulit ang nangyayari may bababa, may panibagong uupo at mangangako na ganito , ganun. Pero ano nangyayari patuloy parin ang pagpapahirap sa bansang pilipinas, kanya kanyang propaganda, kanya kanyang pagalingan, Mas lalong naghirap ang mga Pilipino mula nag umpisa ang Edsa Edsa nayan, oo ngat marami na nabago imbes na pagbabago para sa ikauunlad at ikakaganda ng Bansang pilipinas , hindi naging pagbabago para sa mas lalong pag papahirap ng bansang pilipinas.

  Parang naging isang sumpa sa ating bansa. Kaya magising na tayong lahat, imulat natin ang ating mga mata, sama sama nating ipag dasal ang bansang pilipinas , Buksan natin an gating mga mata at ating isipan na ang mga nangyayari na sa ating bansa ay gawa na nang kalikasan, galit na ang diyos lalong lalo na sa mga taong hindi na nakakaalala sa kanya, sa mga taong puro kasamaan ang ginagawa, sa mga taong puro pansarili lang ang iniisip , sa mga taong walang takot na pumapatay ng kapwa niya, sa mga taong puro pag papayaman ang iniisip , sa mga taong magnanakaw sa gobyerno, tandaan ninyo sa huling hininga ng ating buhay DIYOS pa rin ang huhusga sa ating lahat, kaya gaano kayo kayaman, matakasan ninyo ,man ang mga kasalanan ninyo dito sa lupa tandaan ninyo huhusgahan kayo ng ating DIYOS na lumika sa lahat..  Walang magagawa ang pera ninyo .  At tama na ang mga kasinungalingan na pinag sasabi ninyo. Obvious naman na puro salungat ang mga sinasabi ninyo sa ginagawa ninyo.