Paghinto sa pagtila ng ulan
umaagos ang tubig ulan
sa aming kalawanging estero
buhat sa langit diretsong lupa
at ang tigang na halaman ay nadilig
sa nag-uumpukang mga silya
doon sa aming mesa
nasilayan ko ang kakaibang musika
ng tikatik ng ulan sa aming bubungan
parang gustong makipagsayawan
sa nanunuyot na kaisipan
niyakap ko ang ideya
at sinimulan ang cha-cha
nang bigla namang may bumisita
huminto saglit
at sila'y nadanggit
ng aking malamyos na tinig
sa pagpapakilala nang aking mundo
mundong nag-iisa
habang naghihintay sa ulan
at sa kanyang pagtila........
--------------------
http://www.youtube.com/watch?v=9qNwNdpEO_k
isa munang treat sa FW members. tagal ko na rin nawala eh. this is a cover from bob dylan's to make you feel my love. GOd bless everybody!


umulang kasi dito eh...
umulang kasi dito eh... hehehe
" hindi makagagawa ang makata ng tula ng walang karanasan ang kanyang mga musa, kung di gayon, walang kaluluwa ang kanyang paksa"