pagitan ng magulang at anak

Ang isa sa pinaka ayaw maramdaman na isang tao ay ang pilitin siya na gawin ang ayaw niyang gawin lalo na kung tungkol ito sa kanyang kinabukasa. Ganito ang sitwasyon ni Alice. gusto ng mga magulang niya na ipamana sa kanya ang talento sa pagiging bihasa sa pagkilatis ng mga bulaklak sa pamamagitan ng amoy ng mga ito, pero mas gusto nyang mag aritista. Kahit sabihing magaling na siya ay hindi parin ito sapat para maging bihasasya dito, kaya sinasanay siyang mabui ng kanyang ama. Ayaw niyang madismaya ang kanyang magulang, pero sa inaasal ng mga ito ay siya ang dismayado. Dahil imbis na magbigay sila ng suport at pag mamahal sa kanya, ay pagiging experto na lang ang lagi niyang naririnig sa mga ito. Alam naman ni Alice na para sakanya din ang mga iyon, pero dahil doon, pakiramdam niya ay nawawala na ang koneksyon ng mga puso nila at unti-unti na ding nawawala ang pagmamahal na magulang s anak at anak sa magulang. Sa pagdaan ng panahon ay mas nagiging disidido siya na maging artista, pero di niya ito magawa dahil kahit dismayado siya sa kanyang mga magulang ay ayaw nya itong masaktan at madismaya sa kanya. Mahal na mahal niya parin ang kanyang mga magulang kahit di siya nabibig yan ng sapat na atinsyon o pagmamahal na kanyang hinihingi. Naisipan ni Alice na bakit kailangan pa niyang mamili kung kaya naman niyang pagsabayin at makakatulong din ito sa kanilang naegosyo. Pasekreto siyang nag-audition para maging ganap na artista at natanggap siya kaagad. Sinabi na lang niya ito sa kanyang magulang ng ipalabas na siya sa television. Sa pagkakataong iyon ay hindi maipinta ang mga mukha ng kanyang magulang na para bang di makapaniwala sa nagawa niyang iyon. Nagulat na lang siya nang bigla siyang niyakap ng kanyang magulang at sinabi sa kanya, " malaki kana at naging maayos ang pagpapalaki namin saiyo, dahil isa kang babaeng may paninindigan sa sarili, mahal na mahal ka namin anak". Nalaman niya na hindi talaga nawawala ang komunikasyon ng magulang sa puso ng kanilang mga anak, dahil ang pagmamahal na naka paligid sa magulang at anak ay walang kapares. natutunan niya na lahat ng magulang ay may espesyal nakakayahan para mabasa ang damdamin ng kanilang mga anak.