Pagkakaiba

Jack Alvarez's picture
| |

Kung si Qassim ay pinandirihan ang aking alagang pusa, kakaiba naman ang ipinakitang pagmamahal ni Yasser. Nang bumisita siya sa akin sa apartment ay agad niyang napansin si Katrina, ang aking alagang pusa. Akala ko kasi baka matakot o mandiri na naman ang aking bisitang Arabo sa pusa. Kaya bago siya pumasok sa aking kuwarto ay ini-lock ko na sa loob ng toilet si Katrina.

 “It’s a cat.” ang mahinang pagngiyaw ni Katrina ang nakatawag pansin kay Yasser.

Tumango ako.

“Why you put it inside the toilet?” at binuksan niya ang pinto ng CR. Agad lumabas ang aking alaga at umiikot-ikot, ikinikiskis ang buntot sa kanyang paa. Tila nagpapasalamat ito na ipinalabas mula sa pagkakakulong sa loob ng kasilyas.

“Very beautiful cat.” at binuhat si Katrina. “Same owner.” sabi niya habang hinihimas ang malambot at mapuputing balahibo ng aking alaga.

“Bolero.” napangiti ako.

“That is not bola. It’s true.” sabay haplos sa aking pisngi.

Nagkamali ako na isiping matatakot at mandidiri rin siya sa pusa tulad ni Qassim. Si Qassim na ayaw nang pumasok sa aking kuwarto hangga’t kasama ko si Katrina. Agad akong tinalikuran dahil ayaw niya sa pusa. Samantala, meron pa lang isang Yasser na nagmamahal sa mahal kong alaga. Hindi talaga magkatulad ang bawat tao. Kahit pa magkapatid.

 

Jack A. Alvarez

A proud OFW based in Jubail, KSA. Poet. Aspiring novelist.


Similar entries