Pagkamatay ng Wika
Submitted by Wensley Reyes on September 9, 2010 - 11:24am.
Filipino | Poetry | Wika
Ngayong gabi
Pinatay ang wika
Binigkis ang kamay at paa para di makaalpas
Tinusok ang mga mata upang walang makita
Binusalan ang bibig upang hindi makasigaw
At dahan-dahang itinarak mula sa ulo
papuntang lalamunan
hanggang puso
ang espada ng ibang kamalayan.
Pinatay ang wika ng mga taong nagsabanyaga
(Ngunit habang ito'y isinasagawa
Malinaw sa isip ni Wika
Na magbabalik at muling mamayagpag.
Panahon ang magtatakda!)
Wensley Reyes
» login to post comments | 884 reads


buhayin natin ang wika...
buhayin natin ang wika... panitikan... larangan ng literatura.. ipagpatuloy natin ang nasimulan