PAGKAUNAWA SA PANITIKAN
Ang panitikan daw ay isang likhang salita lamang.Dahil ito talaga ay nagsimula sa "titik" na ginagamit lamang sa pagsulat.Subalit lumaganap ito dahil sa paghalintulad ni Lope K. Santos sa mga simbolo ng abakada.Kaya ang dating "literatura" na mula sa espanyol ay napalitan ng "panitikan".At sinasabi rin na ang panitikan ay bagong konsepto sa ating kasaysayan noon.Dahil mas nakilala ang literatura sa ating bansa ng dumating ang mga espanyol.Ngunit sa katotohanan ay mayroon na talaga tayong mga alamat,kwento at mga tula bago pa man sila dumating dahil noon pa man marunong ng bumigkas ng mga panitikan ang ating mga katutubo.Subalit ito ay mga sinasabi lamang o binibigkas kaya hindi daw maituturing na panitikan.At kung ito ay maisusulat doon lamang ito matatawag na isang uri ng panitikan.



I am sure there is more behind your head...
Try to share more of your thoughts on things -- it is a privilege to be asked to speak out your mind...