pagkawala...

hindi ka pa rin nagbabago,

dala dala pa rin kita hanggang ngayon,

ikaw pa rin yung taong pinangarap ko,

iba na nga lang ang sitwasyon.

 

nakakahinga na ako ng maayos pag dumadaan ka

at hindi ko na rin pinapansin ang mga titig mo.

napipikon pa rin ako sa mga barkada mo,

pero wala na akong pakialam sa "inyo". 

 

matapang na akong lumalakad sa mga pasilyo

at hindi na iniintindi kung naroon ka o wala

mahirap kasi,

napakahirap.

 

kapag nakikita kita ngayon,

alam kong dala pa rin kita,

dala ko pa rin ang bawat ngiti, bawat tingin 

at bawat salita mo.

 

hindi na iyon mawawala,

pero malaki na ang nabawas,

mula nang isipin kong hindi na kita makakasama

masaya ka na ba?

 

kung nauna lang sana ako,

kung nakilala kita noon pa.

hindi sya ang nasa tabi mo.

hindi sya ang iniisip mo.

 

hindi tayo basta tumitigil sa pagmamahal,

unti - unti itong nababawasan

at hindi na nakikita 

kapag hindi nabibigyan ng sapat na atensyon.

 

hanggang sa ang mga ala ala

ay manatili na lang bilang mga ala ala

at wala nang emosyong kasama,

at wala na ring nakaraang babalikan pa.

 

 ******