pagmamahal sa wika, kalikasan, wagas na pagmamahal talagang kailangan
Submitted by mojofly_elmer on August 16, 2010 - 9:37pm.
buwan ng wika..ang aking tula
Sa isang simpleng salita
Lahat nagsimula
Ang dagat, gubat maging ang kaparangan
Ay nabuo ng dahil sa pagwika ng Maylalang.
Ang wika ay nagmula sa Diyos.
lahat ay kanyang hinulma ng maayos
Ang kalikasan ay kanya ring ginawa
Sa pamamagitan ng Wika
Wika ang instrumento sa pagkabuo ng kalikasan
kaya nararapat natin itong alagaan
Ito'y handog ng butihing Manlilikha
para sa kanyang mga nilikha.
Wika at kalikasan ay katulad din ng tao
Isinisilang, nadedevelop at lumalago
Ngunit kung napababayaan ay namamatay
sapagkat ang Wika at kalikasan ay mayroon ding buhay
kaya Wika at kalikasan ating alagaan
upang sunod na henerasyo'y merong madatnan
Ikaw,ako, tayo ang nakikinabang
Sa biyayang kaloob ng Maylalang
Wika ang bumuo sa sanlibutan
Kalikasan ang tumugon sa ating kalikasan
kaya pangangalaga sa wika't kalikasan
Wagas na pagmamahalo talagang kailangan!
» mojofly_elmer's blog | login to post comments | 3263 reads

