Pagpapatawad
“Ok lang yun! Matagal na kitang pinatawad.” Ang sinasabi madalas ng taong ginawan ng kasalanan. Pero pagtalikod mo naman, “t*ng *n* m*! sorry sorry. Di madali magpatawad lalo na sa ginawa mo g*g*!”
Nasa kung anong klaseng kasalanan ang pinagbabatayan sa pagpapatawad. Kung nakabasag ka sa department store ng plato, bayaran mo. Kung naiwala mo ang pambura ng klasmeyt mo, palitan mo. Kung nasagasaan mo yung tumatawid, ipaospital mo. Kung napatay mo yung ipis, ipalibing mo.
Lahat talaga nagkakasala. Pero di lahat napapatawad. Kasi di lahat kayang tanggapin. Pero kung mababaw lang ang kasalanan, bakit di mo kayang patawarin? Kung ang Diyos nga, nagpapatawad, ikaw pa kaya na tao lang?
Ang sakin lang naman, kung magpapatawad ka, yung talagang nagpatawad ka. Yung galing sa puso. Hindi yung may pabulong-bulong ka pa. yung di mo naman talaga sya napatawad. Yung sasabihin mo pa na ok lang kahit deep inside, di naman talaga ok. O kaya naman, oo, sige pinatawad mo na, pero pinapakita mo ba na talagang napatawad mo sya? Syempre, mahirap magpatawad pero di mo ba alam na mahirap din magsorry? Tapos, iisipin pa nung taong nakagawa sayo ng kasalanan na, “kulang pa ba yung sorry ko?”. Kung ikaw ang nasa lugar nya, di mo ba iisipin kung napatawad ka nga o hindi?
Tao lang tayo. Nagkakasala sa kapwa at sa Diyos. Nakakasakit at nasasaktan. Mararanasan natin na minsan, talagang mali ang ginagawa natin. Kaya, matutong humingi ng kapatawaran at magpatawad. Bago pa mahuli ang lahat.
<ito'y aking opinyon lamang>


