pagpaslang sa isang kahapon (working title)

Rom's picture
| | |

Chapter one

Matindi ang hagupit ng bagyong ito. Sa lakas ng hampas ng hangin tila katapusan na ng mundo, walang pinatatawad maging ang mga nagtatayugang puno ng akasya na ilang daan taon na ring nabubuhay ay tila susuko at yuyukod sa lakas ng pag gupo ng hangin. Lubhang madilim ang paligid, hindi sa dahil dis-oras ng gabi kundi sa kapal ng maitim na ulap na tumatakip sa kaunting liwanag sana na dulot ng kalangitan.

 

Ang buhos ng ulan na may ilang oras na ring bumabayo ay nagdulot ng lamig, sapat upang mangaligkig ang mga galang hayop maging ang mga tao sa kani-kanilang lungga. Walang ibang maririnig kundi ang sipol ng hagupit ng hangin at ang panaka-nakang tuklap ng mga bubungang pinupunit ng lakas ng bagyo.

 

Hindi makatulog si Crisanto. Alumpihit, alam niya sa kanyang sarili na bago pa man dumating ang bagyong ito ay naisaayos na niya ang bubong, nakumpuni na niya ang maaaring daanan ng tubig maging ang mga gamit sa kusina na maaaring mabasa ng lakas ng ulan ay nasinop na niya.

 

Ngunit may kung anong nararamdaman siya na siyang dahilan ng di niya pagkatulog kahit isang pikit ng gabing iyon. Bumangon siya upang silipin ang Tiyahing nahihimbing sa kabilang kwarto. Dahan-dahan siyang nangangapa sa liwanag na dulot ng gasera sa maliit na lamesita, walang kuryente mula ng kasagsagan ng bagyo.

“tulog na si tiya, namamaluktot pa...” paanas na wika ng binata.

 Nalingunan niya ang mga gamit sa pagpipinta malapit sa lamesita ng gasera.

 “kung may kuryente lang sana maituloy ko na ang pagpipinta”   nasambit niya sa sarili.

Ito ang mga gabing mas nanaiisin ng sinuman ang mamaluktot sa ilalaim ng kumot at bigyang laya ang pagtulog ng mahimbing sa lamig ng paligid, ngunit iba si Cris ang mga pagkakataong ganito ang mas sinasamantala niya upang ilabas ang damdamin na sa pagpipinta lamang niya naibubuhos. Ang pakikipag kaisa sa lakas ng kalikasan ng kanyang husay sa pagpipinta wari ang  tangi niyang libangan.

Akmang hihipan na sana ni Chris ang gasera upang tuluyan ng piliting matulog kapagdaka,  ng masipat niya ang kabilang bahay mula sa nakaangat na siwang ng bintana. Naningkit ang mga mata nito at dahan-dahang lumapit sa gilid ng bintana.

“bakit kaya bukas ng pintuan ni Amy? wala namang ilaw sa loob ng bahay” 

ang buong pagatataka niyang tanong.

 

tanaw ang halos kabuuuan ng kabilang bahay mula sa kinatatayuan ni Cris, hindi kalakihan ito at sa tanawin nitong tila abuhing anino sa nag-aagaw na dilim ng gabi at panaka nakang liwanag mula sa kalangitan ay maapuhap mo ang malumbay na kabuuuan nito.

Sa salit ng bugso ng hangin at ulan mistulang kumakaway ang pintong bukas, hinahampas ng ihip ng hangin at pinapasok ng ulan ang bukana nito.

 

Alumpihit si Cris,  “mukhang mahimbing ang tulog ni Amy at di niya napunang bukas ang pinto niya a”

 

Naghagilap ng payong ang binata, hindi niya balak gisingin ang dalagang naninirahan sa kabila, marahil ididiin nya lang ang pinto ay sapat na upang di ito tuluyang mawasak ng hampas ng hangin at di pumasok ang ulan.

 

Kipkip ang jacket at tangan ang payong, dali-daling bumaybay si Chris patungo sa kabilang bahay na may halos isandaang metro rin and pagitan sa kanila, dangan lang at may kung ilang puno ng kakawate at isang matayog na punong mangga sa daan patungo dito.

 

Iniiwasan niya ang iilang pondo ng tubig ulan sa lupa, lakad-talon sa gitna ng ulanan na noo’y tila dalisdis na lamang subalit bugso pa rin ang hangin.

 

Pagkasara ng payong agad niya itong itinabi sa tabi ng pintong nakabukas, naghagilap ng kung anong mabigat na bagay upang siyang ipang kalang sa noo’y tila sirang tarangkahan. Nagsisismula nang umanggi sa katawan niya ang ulan, dama na rin ng binata ang malamig na ihip ng hangin na unti-unti nang nanunuot sa lamig sa kanyang kalamnan.

 

Nakaapuhap siya ng malaki laking tipak ng adobe, inisip niya na mula sa labas ay haharangan niya

ng isang tipak ng bato ang pinto upang di ito paglaruan ng hangin, tangan niya ito sa kanang kamay habang ang kaliwa naman at patulak na iginigiya ang pinto upang isara.

 

Sa pagkakataong ito may kung anong nasipat si Chris sa loob ng bahay. Wala ni sa hinagap niya ang  namasdan.  natigilan siya ng  mga oras na iyon. Lumagpak ang tangan tangan niyang bato at muling lumangitngit ang pinto sa pwersa ng hangin.

 

“Amy!”

“Ikaw ba iyan?” “ anong nagyari...” din a nagawa pang tapusin ng binata ang tinuran. May kung anong bumara bigla sa kanyang lalamunan sa sidhi ng kaba.

 

Nanginginig ang tinig niya na pilit nilulunod ng ungol ng malakas na hanging bagyo. Humakbang siya papalapit sa tila isang anino ng nakahandusay na katawan sa lapag. Panaka-nakang pumapasok ang liwanag sa madilim na kabuuan ng bahay tuwing itutulak ng hangin ang pinto na kanina pa pagod sa pag bukas-sara.

 

Tumatahip ang dibdib ng binata sa kaba at sa matinding pagkagitla sa maaaring naganap. Sa kanyang dali-daling paghakbang upang mapag sino ang nakahandusay di niya namalayan ang tila malagkit na likido sa lapag. Tumimbuwang si Chris ng padaskol ng maapakan nito ang basa habang pumapasok siyang nagmamadali. Lumagapak ang likod niya sa malamig na sahig.

 

Sa sandaling pagkagitla napasigaw ito. “aray!”

Sabay upo at sipat sa kanyang palad na noo’y nakukulapulan ng basa, dugo...

 

Alam niyang hindi kanya ang dugo na iyon, ipinagkait man ang liwanag ng mga sandaling iyon sa loob ng bahay upang  masilayan ng husto ang nasa lapag ay subalit ipinagkanulo naman ito ng masangsang na amoy kasama ang malapot na pakiramdam sa pagkakahipo nito. Iniangat ng binata ang kanang kamay niya nakaharap ang mga palad sa mukha. Kasabay ng pagkidlat at ilan segundong pagliliwanag kasabay nito ang pagsino sa kulay pulang umaagos sa kamay niya, at ang pansumandaling lingon niya sa katawan na nakahandusay sa sahig. Si Amy, Hubo’t hubad, duguan.

 


sa mga mambabasa:

manapa lamang po ma makapag bahagi kayo ng inyong komento sa ikauunlad ng kauna-unahan kong

likha bilang isang kwento. sa pagsasanay ko po ng mabisang pagsasalaysay sa makailang pag lathala ko

ng mga kwento sa site na ito narito po ang unang bunga.

unang bahagi lamang po ito ang iba ay kasalukuyan pa lamang ginagawa habang naghihintay ng pambili

ng kape para sa matamang pagpupuyat. 

 

salamat po


Rom 

Rom

Adlesirc's picture

comment.

para sakin... 

hindi ko po gano maintindihan (OR MAHINA LANG TALAGA AKO UMINTINDI.HEHEHE)kung anong oras na talaga nangyari ang kwento.. kung malalim na ba ang gabi or pa-gabi pa lang. medyo magkaiba po yung description ng 1st paragraph (3rd sentence) at 4th paragraph (1st sentence)..
Next, teknikal lang ata ang tawag dito yung sentence na "Sa sandaling pagkagitla napasigaw ito. “aray!”".. kasi yung buong istorya, "siya at niya" ang gamit mo para tukuyin si cris. siguro para sakin mas okey kung "sa sandaling pagkagitla ay napasigaw SIYA ng...aray!"
saka po yung pag gamit ng "ng" at "nang"
halimbawa ..
"Tumimbuwang si Chris ng padaskol ng maapakan nito ang basa habang pumapasok siyang nagmamadali. Lumagapak ang likod niya sa malamig na sahig." pwede po siguro gawing "tumimbuwang si Chris ng padaskol NANG maapakan nito...

may sense po ba yung sinasabi ko? hehehe

magaling ang pagkakalarawan mo ng lugar kasi napicture ko na nangyari sa probinsya ang kwento at talaga namang nakakahawa ang lamig ng bagyo sa kwento. you're like a pro!=)
nakakasabik abangan ang susunod na kabanata.
aabangan ko hanggang katapusan to. =)

Rom's picture

salamat

 salamat sa mga puna. ang mga teknikal na bagay kung hindi aasikasuhin malamang na ikasanhi ng pagbagsak ng istorya. hayaan mo't aasikasuhin ko. matatawag na draft lamang ito halos di ko pa nga na edit. sana matapos ko at medyo may katamaran ako ngayon hehe...

 

salamat sa comment 

 

 

check out Neil Gaiman's Black Orchid on: http://www.blah-blahblogs

jonsdmur's picture

Dagdag ko lang sa komento ni

Dagdag ko lang sa komento ni Adlesirc

Una sa lahat salamat sa inyong kwento.

Unang napansin ko ay ang paggamit ng small and big letter sa unang salita ng pangungusap... sabagay kung nagmamadali sa pag ta-type ay maaring nakalimutan lamang...

Sa takbo ng kwento, maganda ang pagsasalarawan ng lugar lalo na ang pagsalarawan mo sa hagupit ng bagyo.

 Sa pinaka-buod nito ay sinasabing malakas ang bagyo. At dahil dito ay hindi niya magawang makatulog o makapinta man lang hanggang sa nahagip ng kanyang paningin ang kabilang bahay. Sa labis na pagkataka kung bakit bukas ang pintuan ay minabuti niyang puntahan ang bahay nina Amy. Sa isip ko o sa akin lamang pwede pero mahinang dahilan ang bukas lamang ang pintuan para siya ay kabahan. Pwede namang sa lakas ng hangin ay nabuksan ang pintuan at dahil sa himbing ng tulog ay hindi na napansin ni Amy. At ano ang malaking dahilan niya para siya na mismo ang magsara?Saka ano ang dahilan niya para kabahan o isipin si Amy? Siguro pwedeng idagdag kung ano ang relasyon niya kay Amy? Sa kwento hindi sinabi yata kung nobya niya o may lihim siyang pagtingin? o Baka isa lamang kamag-anak?

Sa pagpunta niya ng bahay dahil sa kaba ay nangangahulugang may panganib na naganap... at sa kwento nagsimula dahil bukas lamang ang pintuan kaya naisip niya na ito ay puntahan... bakit hindi na lang dinagdag sa kwento na nakarinig siya ng sigaw mula sa bahay.. at napansin niyang bukas ang pintuan... at dahil may lihim siyang pagtingin sa babae ay  labis ang kanyang  pag-alala... kaya minabuti niyang puntahan ang bahay... bumabagyo sa panahong ito.. at dahil mahal niya si amy hindi hadlang ang bagyo para puntahan niya.... sa ganon malaki ang dahilan kung bakit siya pumunta sa bahay niyo... tapos habang papunta siya sa bahay kinakabahan na siya.. hanggang sa madulas siya at nakakita ng dugo at nalaman niyang patay na si Amy... kasabay ng isang malakas niyang sigaw.... kasabay ng poot sa mga taong gumawa sa kanyang babaeng pinakamamahal....

Sa tingin ko kasi medyo pag-ibig ang kwento.. kasi kung sa tunay na buhay hindi siya mag-aalala sa babae... concern siya pati sa bahay nito dahil bukas ang pintuan nito... siguro nagkulang lang sa ilang eksena... sana dinagdag mo na pinipinta niya ang larawan ni Amy para sa ganon kahit hindi sabihin ay malalaman kung ano relasyon niya kay Amy. Saka pwede ring idagdag kung bakit walang kasama si Amy at nag-iisa? pwede rin na ito ang dahilan sa pagpunta niya ng bahay... siguraduhing ligtas ang babae... at nakarinig pa siya ng sigaw mula rito... pwedeng hindi siya sigurado na sigaw talaga pero gusto niyang makasigurado na ligtas ito....

Sa nangyaring nakabulagta na si Amy at duguan ay dito na natapos ang kwento.... HIndi nasabi ang relasyon niya kay AMy at hindi kaya siya ang pagbintangan sa krimen?

Salamat... una sa lahat hindi ako magaling... lahat ng nasabi ko ay akin lamang.. pwedeng tama ako pwedeng mali ako... nagustuhan ko ang kwento mo kaya gumana ang aking imahinasyon.. isa pa humingi ka naman ng komento hiihhihi

Baka hindi ito love story pasensya na.. pero para sa akin.. yon lang kasi ang malaking dahilan kung bakit siya pupunta... sabagay pwede rin namang kaibigan lamang... pero binata naman siya... kung ako kasi yon matulog na lang ako? heheheh ano naman kung bukas ang pintuan ng kapit bahay heheheeh joke.... maliban nga lamang kung iniibig ko si Amy at alam kong nag-iisa lamang siya sa bahay... at nakarinig ako ng ingay... o di kaya dahil s nag-iisa siya sasamahan ko siya para matulog kami heheheeheh 

Keep on posting!

Akin lamag to.. gumana kasi imahinasyon ko sa kwento mo....

Jonsdmur

Rom's picture

salamat po!

 

 salamat sa komento at napagana ko pa ang imahinasyon mo.

wala po sa balak ko na gawing love story ang kwento kaya't malayo na mahalin ni Cris si Amy. 

may kung anong "strange" na relasyon ang dalawa at hindi nakapako sa pag-ibig. yun ang isang bagay na magpapaiba ng kwentong ginagawa ko sa palagay ko.

medyo kakaiba kasi na makita mo na bukas ng bahay ng kapitbahay sa kasagsagan ng bagyo gayung nakagawian na sa probinsya na magsinop kaagad makabalita lang ng darating na bagyo. si Cris mismo ay nagsinop muna bago dumating ang bagyo kaya't kakaiba na naiwang bukas ang pinto ng kapit bahay.

isa pa (sige ilalahad ko na) Hindi patay si Amy. isang chapter lang ito. ginagawa kong ang bawat chapter ay may pagka independent sa ibang chapter upang di agad mahulaan ng mga mambabasa ang mangyayari sa susunod. salamat na lang at di ninyo nahulaan bagay na nagsasabing epektibo.

sa mga susunod na chapter ko pa ilalahad ang relasyon ni Amy at Cris kung meron man. si Amy ay di karaniwang babae kaya't di rin karaniwan ang nangyari sa kanya. maging ang bahay niya sa ay di rin karaniwang bahay. (ops spoiler na haha...)

salamat sa pagpuna makakatulong ng malaki ito.

pero ang mga naisip niyo ayon sa mga imaheng inilahad ko sa unang chapter ay nagsasabi ng "anticipation" ninyo sa susunod na eksena o sa maaaring naganap. dangan nga lamang at di ganun ang structure at iniisip kong mangyari.  Bagay na indikasyon na di  ninyo nahulaan hehe.. maganda para sa suspense na nobela ang di nahuhulaan ng kritiko ang mangyayari.

salamat po ng marami

 

check out Neil Gaiman's Black Orchid on: http://www.blah-blahblogs

jonsdmur's picture

okie... salamat din sayo...

okie... salamat din sayo... kala ko kasi isang chapter lang... maikling kwento kasi nakalagay sa taas... saka walang itutuloy na note...

Sige aabangan ko ang next chapter nito,.... mukhang maganda nga...

jonsdmur

dyeppri's picture

hELLO po.

Makikisali na rin po ako sa pag-aayos ng (tila) nobela ninyo o short story po ba na nakalagay sa itaas na description dito.

Sa kabuuan ng part one: Maganda at maayos ang paglalahad sa lugar at pangyayari. Mabisa siguro kung sa suspense nga ang mga gagawin mong kwento dahil makabagbag damdamin ang mga akda mo---mapusok at maaksyon kang maglarawan ng mga tagpo.

May mga konting kakulangan ng lamang po (para sa akin) akong napansin at tama si Adleseric sa unang komento niya. Malabo ang paglalarawan sa time scene--- gabi ba o tanghaling tapat na (may bagyo lamang). May mga typo errors o maling pagbalangkas ng mga salita pa... sa gramatika halimabawa -->Ang buhos ng ulan na may ilang oras na ring bumabayo ay nagdulot ng lamig. mas nararapat (yata) nagdudulot ng lamig.

Sa unang pasok ng kwento--->Matindi ang hagupit ng bagyong ito. Mas nakikita ko po (sa akin) na masnararapat na klaro/sakto ang pangalan ng bagyo upang mapagtibay na unang chapter ito. Pangalawa ay kailangang malakas ang mga salita sa unang pagpasok ng mga taludtod (hindi ko rin maipaliwanag eh.kung ano ang sangkap nito basta nakikita ko dito ay mas mapapalakas pa.) Sa huling tagpo ay tila masyado po malayo ang isan-daang metro at madilim pa sa labas upang makita ni cris ang bukas na pinto sa walang ilaw na bahay at antok-antok pa siya--->baka masukal din po ang pagitan ng kanilang mga bahay tulad ng mga puno ng kakawate na binaybay niya.

'yan na lang po muna kuya.aabangan ko po ang kasunod nito. salamat.

............................................................................................................

"I wouldn't mind if you were nice to me once in a blue moon."

Rom's picture

salamat din dyepp!

 

 salamat sa komento. tama din ang punto mo kailangan at importante ang time element hayaan mo't makakatikim ng rebisyon ang istorya ko. siguro specific ang kailangan sa time hindi lang basta 'madaling araw'

mas konkreto nga kung bagyong Luming o bagyong Kardo at hindi basta bagyo lang--->salamat dito

 sa probinsya kasi kahit kabilang ibayo tanaw mo e kaya kasi walang masyadong kabahayan lalo na kung may bukas na ilaw sa gitna ng dilim. kaya isandaang metro naisip ko kasi sa isandaang metro at may bagyo tiyak na di mo maririnig kung may pagibik man sa kabilang bahay. pero pwede mo maaninag kung patay o bukas ang ilaw kahit na may bukas-sarang pinto na hinahangin.

 

salamat muli sa mga komento napag iigi nito ang pagsusulat ko

salamat muli

 

check out Neil Gaiman's Black Orchid on: http://www.blah-blahblogs

paul h roquia's picture

oy...

parang suspense? nakarelate ako sa setting, parang naalala ko ang 'reming' ba yon? hindi ko lang masyadong masakyan yong mga bagay na sinasabi niya sa kanyang sarili...  pero may potensyal ang materyal...

Rom's picture

suspense nga

 

 salamat sa pagbasa. hanggang ngayon di ko pa natatapos and kwentong yan pero di magtatagal hopefully this year hehe...

 

check out Black Orchid Part 2 on: www.blah-blahblogs.com

kislapalitaptap's picture

Rom, aking ilang mungkahing pagbabago sa iyong katha.

Normal 0 false false false MicrosoftInternetExplorer4 st1\:*{behavior:url(#ieooui) } /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin:0in; mso-para-margin-bottom:.0001pt; mso-pagination:widow-orphan; font-size:10.0pt; font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-ansi-language:#0400; mso-fareast-language:#0400; mso-bidi-language:#0400;}

Rom, sinubok kong suriin at maglagay ng ilang mga mungkahi at pagbabago sa iyong isinulat. Ang lahat ng aking mga mungkahi ay nakasulat sa malalaking titik at nakukulayan ng pula. Sana ay makatulong ito sa pagpapaunlad ng iyong katha. Sa aking pagtingin makakatayo na ang katha mong ito bilang isang maikling kwento/katha. Mag-iiwan ito ng mga katanungan sa mga makakabasa, na sa aking pagtingin ay isa ring mahalagang salik sa pagbuo ng maikling katha. Ngunit kung binabalak mo itong gawing isang nobela, eh dapat pa ngang magsunog ka pa ng buhok at magpulbos ng sampung kilong kape. Pasadahan mo pa ulit ang kabuuan nito at bumuo ka ulit ng panibagong burador. Sana ay masundan mo ang naging pamamaraan ko sa pagbibigay ng mga mungkahing pagbabago. Hanggang sa muli.

Kislap Alitaptap 

12 Disyembre 2008

0036 Oras (Antok na Ko)

P.S. nakikita ba dito ang kulay pula? nakasulat naman sa malalaking titik ang aking mga mungkahi. padalhan na lang kita ng email mula sa address na inilagay mo dito sa sayt para makita mo yung word na format ng dokumento.

 

Chapter one/ UNANG KABANATA

Matindi ang hagupit ng bagyong ito. Sa lakas ng hampas ng hangin tila katapusan na ng mundo, walang pinatatawad maging ang mga nagtatayugang puno ng akasya na ilang daan taon na ring nabubuhay ay tila susuko at yuyukod sa lakas ng pag gupo ng hangin. Lubhang madilim ang paligid, hindi sa dahil dis-oras ng gabi kundi sa kapal ng maitim na ulap na tumatakip sa kaunting liwanag sana na dulot ng kalangitan.

 

Ang buhos ng ulan na may ilang oras na ring bumabayo ay nagdulot ng lamig, sapat upang mangaligkig ang mga galang hayop maging ang mga tao sa kani-kanilang lungga. Walang ibang maririnig kundi ang sipol ng hagupit ng hangin at ang panaka-nakang tuklap ng mga bubungang pinupunit ng lakas ng bagyo.

 

Hindi makatulog si Crisanto. Alumpihit, alam niya sa kanyang sarili na bago pa man dumating ang bagyong ito ay naisaayos na niya ang bubong, nakumpuni na niya ang maaaring daanan ng tubig maging ang mga gamit sa kusina na maaaring mabasa ng lakas ng ulan ay nasinop na niya.

 

Ngunit may kung anong nararamdaman siya na siyang dahilan ng di niya pagkatulog kahit isang pikit ng gabing iyon. Bumangon siya upang silipin ang Tiyahing nahihimbing sa kabilang kwarto. Dahan-dahan siyang nangangapa sa liwanag na dulot ng gasera sa maliit na lamesita,KUNG GANITO KAYA(DAHAN-DAHAN SIYANG NANGANGAPA SA LIWANAG NA NAGMUMULA SA GASERANG NAKAPATONG SA MALIIT NA MESA)...WAG MO NG GAMITIN YUNG MALIIT NA LAMESITA, KASI MALIIT NA NGA LAMESITA PA.  walang kuryente mula ng kasagsagan ng bagyo.

"tulog na si tiya, namamaluktot pa..." paanas na wika ng binata.

 Nalingunan niya ang mga gamit sa pagpipinta malapit sa lamesita ng gasera. (MAAARI MO NG TANGGALIN YUNG "LAMESITA NG" MAKAKATAYO NA YUNG PANGUNGUSAP PAG GANITO LANG ANG PAGKAKABUO.) "NALINGUNAN NIYA ANG KANYANG MGA GAMIT SA PAGPIPINTA NA MALAPIT SA GASERA."

 "kung may kuryente lang sana maituloy/MAITUTULOY ko na ang pagpipinta"   nasambit niya sa sarili.

Ito ang mga gabing mas nanaiisin ng sinuman ang mamaluktot sa ilalaim/SOBRA NG TITIK A ng kumot at bigyang laya ang pagtulog ng mahimbing sa lamig ng paligid, ngunit iba si Cris ang mga pagkakataong ganito ang mas sinasamantala niya upang ilabas ang damdamin na sa pagpipinta lamang niya naibubuhos.                                              Ang pakikipag kaisa/PAKIKIPAGKAISA(PWEDE NA YATA KAHIT HINDI NA PAGHIWALAYIN PA ANG SALITA) sa lakas ng kalikasan ng kanyang husay sa pagpipinta wari ang  tangi niyang libangan.

Akmang hihipan na sana ni Chris ang gasera upang tuluyan ng piliting matulog kapagdaka,  ng masipat niya ang kabilang bahay mula sa nakaangat na siwang ng bintana. Naningkit ang mga mata nito at dahan-dahang lumapit sa gilid ng bintana.

"bakit kaya bukas ng pintuan  ni Amy? wala namang ilaw sa loob ng bahay"  ETO ANG MUNGKAHI KO. "BAKIT KAYA BUKAS ANG PINTUAN NG BAHAY NI AMY? WALA NAMANG ILAW SA LOOB NITO."

ang buong pagatataka niyang tanong. MUNGKAHI KO ULIT "ANG BUONG PAGTATAKA NIYANG NAITANONG SA SARILI.

 

tanaw ang halos kabuuuan/KABUUAN ng kabilang bahay mula sa kinatatayuan ni Cris, hindi kalakihan ito at sa tanawin nitong tila abuhing anino sa nag-aagaw na dilim ng gabi at panaka nakang liwanag mula sa kalangitan ay maapuhap mo ang malumbay na kabuuuan nito.

Sa salit ng bugso ng hangin at ulan mistulang kumakaway ang pintong bukas, hinahampas ng ihip ng hangin at pinapasok ng ulan ang bukana nito.

 

Alumpihit si Cris,  "mukhang mahimbing ang tulog ni Amy at di niya napunang bukas ang pinto niya a" PARANG MAY KULANG, MUNGKAHI KO ULIT. "MUKHANG MAHIMBING ANG TULOG NI AMY AT DI NIYA NAPUNANG BUKAS ANG PINTUAN NG BAHAY." -DI AKO KONTENTO SA "PINTO NIYA"

 

Naghagilap ng payong ang binata, hindi niya balak gisingin ang dalagang naninirahan sa kabila, marahil ididiin nya lang ang pinto ay sapat na upang di ito tuluyang mawasak ng hampas ng hangin at di pumasok ang ulan.

 

Kipkip ang jacket at tangan ang payong, dali-daling bumaybay si Chris patungo sa kabilang bahay na may halos isandaang metro rin and pagitan sa kanila, dangan lang at may kung ilang puno ng kakawate at isang matayog na punong mangga sa daan patungo dito.

 

Iniiwasan niya ang iilang pondo ng tubig ulan sa lupa, lakad-talon sa gitna ng ulanan na noo'y tila dalisdis na lamang subalit bugso pa rin ang hangin.

 

Pagkasara ng payong agad niya itong itinabi sa tabi ng pintong nakabukas, naghagilap ng kung anong mabigat na bagay upang siyang ipang kalang sa noo'y tila sirang tarangkahan. Nagsisismula nang umanggi sa katawan niya ang ulan, dama na rin ng binata ang malamig na ihip ng hangin na unti-unti nang nanunuot sa lamig sa kanyang kalamnan.

 

Nakaapuhap siya ng malaki laking tipak ng adobe, inisip niya na mula sa labas ay haharangan niya

ng isang tipak ng bato ang pinto upang di ito paglaruan ng hangin, tangan niya ito sa kanang kamay habang ang kaliwa naman at patulak na iginigiya ang pinto upang isara.

 

Sa pagkakataong ito may kung anong nasipat si Chris sa loob ng bahay. Wala ni sa hinagap niya ang  namasdan.  natigilan siya ng  mga oras na iyon. Lumagpak ang tangan tangan niyang bato at muling lumangitngit ang pinto sa pwersa ng hangin.

 

"Amy!"

"Ikaw ba iyan?" " anong naNgyari..." di na nagawa pang tapusin ng binata ang tinuran. May kung anong bumara/BUMARANG bigla sa kanyang lalamunan sa sidhi ng kaba.

 

Nanginginig ang tinig niya na pilit nilulunod ng ungol ng malakas na hanging bagyo. -TINGIN KO MAS MAIGE KUNG ISASAMA MO ANG PANGUNGUSAP NA ITO(YUNG NAGSISIMULA SA "NANGINGINIG...") SA ITAAS NA BAHAGI. IDUGTONG MO ITO PAGKATAPOS NG TULDOK SA "KABA" NA SALITA.

Humakbang siya papalapit sa tila isang anino ng nakahandusay na katawan sa lapag. Panaka-nakang pumapasok ang liwanag sa madilim na kabuuan ng bahay tuwing itutulak ng hangin ang pinto na kanina pa pagod sa pag bukas-sara. MAKAKATAYO NA ANG BAHAGING ITO KAHIT WALA YUNG ISANG PANGUNGUSAP NA UNANG NAKAKABIT DITO.

 

Tumatahip ang dibdib ng binata sa kaba at sa matinding pagkagitla sa maaaring naganap. Sa kanyang dali-daling paghakbang upang mapag sino ang nakahandusay di niya namalayan ang tila malagkit na likido sa lapag. Tumimbuwang si Chris ng padaskol ng maapakan nito ang basa habang pumapasok siyang nagmamadali. Lumagapak ang likod niya sa malamig na sahig.

 

Sa sandaling pagkagitla napasigaw ito. "aray!"

Sabay upo at sipat sa kanyang palad na noo'y nakukulapulan ng basa, dugo... GANITO KAYA "BASA...DUGO."

 

Alam niyang hindi kanya ang dugo na iyon, ipinagkait man ang liwanag ng mga sandaling iyon sa loob ng bahay upang  masilayan ng husto ang nasa lapag ay subalit ipinagkanulo naman ito ng masangsang na amoy kasama ang malapot na pakiramdam sa pagkakahipo nito. Iniangat ng binata ang kanang kamay niya nakaharap ang mga palad sa mukha. Kasabay ng pagkidlat at ilan segundong/TINGIN KO PWEDENG GANITO ANG ILAGAY MO "KASABAY NG PAGKIDLAT AT ILANG SEGUNDONG PAGLILIWANAG AY ANG PAGSINO NIYA SA KULAY PULANG UMAAGOS SA KANYANG KAMAY AT ANG PANSUMANDALING PAGLINGON NIYA SA KATAWAN NA NAKAHANDUSAY SA SAHIG. SI AMY...HUBO'T HUBAD AT DUGUAN.pagliliwanag kasabay nito ang pagsino sa kulay pulang umaagos sa kamay niya, at ang pansumandaling lingon niya sa katawan na nakahandusay sa sahig. Si Amy, Hubo't hubad, duguan.

 

 

kislapalitaptap's picture

oops...

wala ka palang inilagay na email add.

Kislap Alitaptap

Rom's picture

salamat sa comment

 

  Normal 0 false false false EN-PH X-NONE X-NONE /* Style Definitions */ table.MsoNormalTable {mso-style-name:"Table Normal"; mso-tstyle-rowband-size:0; mso-tstyle-colband-size:0; mso-style-noshow:yes; mso-style-priority:99; mso-style-qformat:yes; mso-style-parent:""; mso-padding-alt:0in 5.4pt 0in 5.4pt; mso-para-margin-top:0in; mso-para-margin-right:0in; mso-para-margin-bottom:10.0pt; mso-para-margin-left:0in; line-height:115%; mso-pagination:widow-orphan; font-size:11.0pt; font-family:"Calibri","sans-serif"; mso-ascii-font-family:Calibri; mso-ascii-theme-font:minor-latin; mso-fareast-font-family:"Times New Roman"; mso-fareast-theme-font:minor-fareast; mso-hansi-font-family:Calibri; mso-hansi-theme-font:minor-latin;}

Salamat bro, sa iyong pag-aabala na bigyan ng pagrebisa ang gawa ko.

Malaki ang maitutulong nito sa ikakauunlad ng pagsusulat ko. Binabalak ko nga nag awing nobela ito—kung may panahon at sisipagin ako. May mga twist na akong naiisip para dito pulitika, simbahan,, tradisyon at mala DAN BROWN na approach.

Darating ang time matatapos ko din ito, salamat ulit. pero kung hindi gagawin ko na lang itong maikling kwento

Nga pala ang email ko rom26factolerin@yahoo.com.ph

 

 

check out LUCIFER part 1 on: www.blah-blahblogs.com

jonsdmur's picture

Inaabangan ko rin ang

Inaabangan ko rin ang karugtong nito.....

 

Godbless...

Jons

Lyds78's picture

oi, ngayon ko lang nabasa ito...

tapos na ba itong kwentong ito?  I-post mo naman ung finished product, medyo na-curious lang ako sa kunganong nangyari kay Amy.

Tama ka, hindi siya love story, parang mystery ang plot at mukhang pwedeng kabitan ng anggulong senswal at politikal.

Sa lengwahe, pwede sigurong gumamit ng ilang salitang ginagamit dun sa probinsyang tinutukoy mo.  Halimbawa kung sa Ilokano, ang pinto ay ruangan, maglalagay ka lang ng maraming endnotes pero mas magiging lapat sa reyalidad ang kwento, makakarelate pa ang mga taga-probinsya sa mga salitang gagamitin mo.

Ito lang, pabasa naman ng finished product, hehe

Rom's picture

.

 

 uy at nahanap po pa pala itong "nobela" ko. di pa talaga sya tapos, medyo naghahanap pa ako ng time na matapos pero buo na ang plot nito sa isip ko hehe. sa ngayon nagsusulat ako ng animation script na isasali ko sa isang flash contest kaso nasira ang hardrive ng computer ko at sabi ng manufacturer ng hardrive nung isinoli ko di  na daw ma recover ang files ko kainis!

 

salamat sa interes sa nobelang ito, hayaan mo malapit ko na uling simulan ito at dito ko unang i post.

 

salamat! 

 

logo button 1

Lyds78's picture

hehe, mahilig akong magbungkal ng mga istorya d2

lalo na kagabi na hindi ako makatulog, naghanap ako ng mga interesanteng akda at nakita ko nga ito.  Nakakabitin, kunsabagay, sabi mo nga nobela siya kaya siguradong me karugtong pa.  Intayin ko finished product, kahit iyung isang chapter pa lang muna, hehe.

napadaan lang...

Rhea Stone's picture

!

 

Kuya,

  

Naging matatag po ang naging paglalahad ng unang kabanata ng istorya. Napanghawakan po nito ang kuryusidad ng mga mambabasa. Pagkatapos po kasing basahin ang unang kabanata ay maraming katanungan ang maiiwan sa isipan ng mga nagbasa:

 

1.    Sino si Amy?

2.    Ano ang nangyari kay Amy?

3.    Anong aksyon ang gagawin ni Crisanto sa kanyang natuklasan?

  

Mas lalo ko pong naintindihan ngayon ang sinasabi ninyong paggamit ng five senses sa paglalahad ng kwento dahil napagtitibay po nito ang kondisyon (o atmosphere) ng kwento. Tumulong po ang paglalarawan gamit ang:

  

Paningin: Lubhang madilim ang paligid, hindi sa dahil dis-oras ng gabi kundi sa kapal ng maitim na ulap na tumatakip sa kaunting liwanag sana na dulot ng kalangitan.

 

Pang-amoy: subalit ipinagkanulo naman ito ng masangsang na amoy

 

Pandinig: Walang ibang maririnig kundi ang sipol ng hagupit ng hangin at ang panaka-nakang tuklap ng mga bubungang pinupunit ng lakas ng bagyo.

 

Pandamdam: Nagsisismula nang umanggi sa katawan niya ang ulan, dama na rin ng binata ang malamig na ihip ng hangin na unti-unti nang nanunuot sa lamig sa kanyang kalamnan

at

kasama ang malapot na pakiramdam sa pagkakahipo nito.

  

sa tema ng istorya: suspense.

  

Kuya, aabangan ko po ang kasunod.

 

http://reyastone.blogspot.com/

Rom's picture

salamat Reah

 salamat sa pagbasa Reah.

 mag-iisang taon na din ang "sana ay nobela" kong ito at unang attempt ko ito dito sa FW na magpost ng kwento.

maglalaan ako ng oras at itutuloy ko yan salamat Reah sa pagbasa. 

gusto kong gawing opening ang eksenang yan na akala mo ay ending na. tapos tsaka ko ilalagay ang dapat sana ay simula--sa gitna. 

sa tingin ko ang pag "atake" sa 5 senses ng mambabasa ang isa sa pinaka mabisang paraan para makuha ang atensyon nila.

Tungkol sa kwento: Religious and political mystery ito. may pagka surreal pero nakabase naman sa contemporary setting.

sana bago matapos ang taon matapos ko din ito.

 

salamat sa mga nagbasa. 

 

 

KarikaTuura

 

Rom's picture

ayayay! dalawang taon na

ayayay! dalawang taon na pala aito. nangako ako noon na tatapusin ito bilang nobela. ito ang kauna-unahan kong kwento na nilathala sa FW. di na nasundan ito at wala nang next chapter. biglaan kasi ang shift ng utak ko sa pagsusulat ng kwento naiba ang mga choices ko. intended kasi ito na maging isang suspense/sci-fi thingy na inayawan ko din dahil mas gusto ko ang social realism.

pero pwede ko naman itong gawing social realism pa hmmmm.... 

 

KarikaTuura

Jack A. Alvarez's picture

Abangan ang susunod na kabanata

Kailan ang karugtong nito?

Para sa akin, okay lang ang takbo ng kuwento mo. Na-thrill ako. Detalyado ang bawat kilos ng karakter.

Ituloy mo lang.

Maaari mo namang rebyuhin pag matapos mo na ang kabuuan. Ang mahalaga, may plot na. At saka yung takbo at ending ay made-develop mo na yun habang sinusulat mo pa ang karugtong ng iyong kuwento.

Rom's picture

sige na nga ddudugtungan ko

sige na nga ddudugtungan ko na ito. matagal nang naka incubate sa utak ko ang karugtong nito e. panahon na sigurong ilabas baka maburo ng husto.

abangan... 

 

KarikaTuura

chicka24's picture

oo nga boss rom

oo nga boss  rom, excited na kami sa sususnod na mga chapters!

:)

 

"no permanent address si chicka."