Pagsubok

Ang bawat isa sa atin ay may kanya kanyang krus na dalahin. Ito man ay pampamilyang dahilan, usaping puso, individualidad, financial o maging krisis ng sexualidad. Sa bawat phase na ating pagdaraanan nandyan ang maraming pagsubok at pakikipagsapalaran. Ang bawat isa ay may kanya kanyang antas ng timbang or maaaring prioridad. Sa mga katulad ng ibang nakikipagsapalaran sa ibayong dagat, maaari nating idagdag ang pangungulila sa pamilya at mahal sa buhay. Ang hirap ng mapalayo sa mga mahal sa buhay ay isa sa mga pagsubok na dapat malagpasan ng mga taong naghahangad na mabigyan ang kanilang pamilya ng mas maayos na buhay, magandang tahanan at maayos na edukasyon para sa mga anak. Subalit hanggang san nga ba kakayanin ang lungkot? Maaring bang masisi ang mga taong magbahagi at umamot ng pagmamahal sa kaparehas na pusong nangugulila sa malayong minamahal? Sa isipan ng tama at mali ang mga ganito bang pagsubok na hindi nalalagpasan baskus ay sinusuong ay isang pagkakamali or isa lamang sa paraan ng pagpawi ng pangungulila? Marahil ang tanging hangad ay mapawi ang pangungulila subalit hindi matatawaran ang punyal na babaon sa mahal na hindi naiintindihan ang pangungulilang nararanasan at para sa kanila ito ay isang pagtataksil sa sinumpaang pagmamahal. Walang sinuman ang maaaring humusga at makutya sa mga nasa ganitong sitwasyon sapagkat ang lahat ay may dahilan. Nawa'y ang bawat isa nakalagpas man o hindi sa ganitong pagsubok ay wag makalimot sa totoong dahilan ng paglayo sa pamilya. At ito ay ang hanggad na maitaguyod at maiayos at bukas ng mga taong umaasa at nagmamahal.