Pagtaas ng pamasahe
Nagulat ako sa biglaang pagtaas ng pamasahe. Mula 7.50 pesos e tumaas ngayon at naging eight pesos na. Walanjo. Buti sana kung tumataas din ang baon ko eh hindi naman. Tapos pagkasakay ko sa bus, siningil naman ako ng 44 pesos na dati 35 pesos lang. Anak ng pating! Nagtangka pa akong mag-reklamo pero kaagad na isinagot ng kunduktor 44 pesos na daw ang minimum fare kahit sa’ng bus pa ako sumakay.
Sumakay uli ako sa jeep papunta sa school namin. Six pesos lang ‘yong ibinigay ko sa driver hoping na maka-ka-discount ako. Una, tiningan ako nang masama ng driver. ‘Yong tipong kasehodang itulak ako palabas ng jeep niya. Pangalawa, tinanong niya kung magkano ang ibinigay ko. Walang kagatul-gatol kong sinabi na six pesos.
Manong Driver: Ineng magkano gah areng ibinigay mo?
Ako: Six pesos ho? Bakit? (may angal ka?)
Manong Driver: Nako, eh are’y kulang. Utso pisos na pamasahe ngayon ‘neng.
Ako: Estudyante ho ako. Nakalagay sa matrix ng jeep niyo six pesos lang papuntang Cabrini. Bah, hindi naman ho ako duling.
Manong Driver: Walang discount-discount!
Ako: Estudyante naman ho ako eh. ‘Ta niyo, naka-uniform pa ako. Tapos may ID pa.
Manong Driver: Samer ngayon.
Ako: Siya sige. (makakarma din kayo . . . bwahaha)
Gano’n ang naging takbo ng usapan namin. Napunta lang sa wala. Ang nasa isip ko lang nang mga panahong ‘yon eh kung ano naman ang pinagkaiba kung “samer” ngayon? Mataas lang ang tirik ng araw pero nasa eskwelahan pa rin naman ang ilang mga estudyante. Ang kinaiinisan ko pa minsan, kung magbibigay ako ng buong sampung piso, hindi na ibinabalik ang sukli. Kapag humingi, ako pa ang masama. Hindi naman sa di-ni-degrade ko sina manong tsuper. May mga kilala ako na matitino ‘yon nga lang, may ilan talagang mga walang modo.
Iniisip ko lang kung ano na bang nangyayari sa bansa natin. Lahat na ata ng krisis sakop ng Pilipinas. Pagtaas ng pamasahe. Power at water crisis. Tapos may naki-epal pang pagtaas ng gasolina at ang pinaka sikat- ang rice shortage. Dati n’ong bumisita ako sa IRRI first time kong na-appreciate ang ganda ng bigas (hehe). Naisip kong imposibleng maubusan ng stock dito kasi nandito ang IRRI (madaming bumbay, intsik, hapon, puti, syempre mas maraming pinoy).O di ba astig? Abundant ang Pinas sa kanin. Siguro malabo talagang magkaron ng rice shortage. Sa kamalas-malasan, baliktad pa ang nangyari. Kapag kumakain ako sa mga fast food chain, nagrereklamo ang mga kasama ko. Kesyo ni hindi umabot sa lalamunan ‘yong kanin. Sobrang konti naman kasi. Naaawa lang ako sa mga taong hindi kayang bumili ng bigas. Kahit na sabihing may NFA rice, hindi pa rin ito sapat para tugunan ang pangangailangan ng mga kapos nating kababayan. Sa bayan namin, ang nangyayari eh idi-ni-distribute nga ang mga NFA rice pero ang mga damuhong nagtitinda hinahaluan ng ibang bigas ‘yon at ibinebenta nila nang mahal. Tama ba naman ‘yon? Ewan ko lang kung alam ‘to ng mga awtoridad.
Hindi na ako nagtataka kung dumami talaga ang mga magnanakaw, akyat bahay gang, budol-budol gang, at kung anu-ano pang gang. Kumbaga para-paraan lang ‘yan kung paano mabubuhay sa ganitong sitwasyon. Siguro nga may iba pang dahilan ang mga ‘to tulad ng pag-sha-shabu o trip-trip lang. Pero may ilan naman na napipilitan lang dahil hindi nila matiis na tumirik ang mata ng kanilang mga anak sa gutom. Kesa maging abala ang mga nakakataas sa pagbibigay ng kung anu-anong feeding program na pagkatapos eh magugutom naman ulit ang mga tao, bakit hindi na lang kaya sila mag-isip ng paraan kung paano makakaalis ang mga kawawang kapos palad sa ganitong sitwasyon. Mas long-term kung ganito ang gagawin nila.
Lalong naghihirap ang mga mahihirap at lalong yumayaman ang mga mayayaman. ‘Yan, ganyan ang nangyayari sa society natin ngayon. Kung sino pa ang nangangailangan, sila pa ang paulit-ulit na tinatapakan. Sa krisis nating ‘to, kung mapapansin eh ang nakikinabang lang naman ay ‘yong mga mayayamang negosyante na lalong nagpapakayaman. Sinasamantala ng iba ang rice shortage tulad nga ng aking nabanggit. Meron ngang iba na saka lang inilabas ang mga itinatagong kaban ng bigas at pagkatapos ay ipinagbebenta nang mahal. Ang ginagawa lang nila eh umupo, magpalaki ng bilbil, at maghintay ng kayamanan.
Pero kahit ganito ang bansa natin, mahal ko pa rin ang Pinas. Bah, andaming kayamanan dito. Natural resources pa. Orig tayo dahil ‘yon ang kayamanan ng bawat Pilipino. ‘Yon nga lang kulang sa development. Kaya nga siguro n’on, inuuto lang ng ibang bansa ang pinoy. Mayaman din tayo pagdating sa manpower kaya masasabi ko pa ring angat ang Pinoy.
Kapag may nakita kayong Eloisa Marie Hernandez, candidate for presidency iboto niyo ako. (whehe)
Teka nagreklamo lang ako sa pamasahe pero kung anu-ano nang nasabi ko . . . daldal ko pala.
asar naman talaga eh!
ay naku, nakakaasar man, ala naman tayo magagawa... I mean, may magagawa tayo para sa mga sarili natin pero para iligtas ang sangkatauhan...malabo yun insan...
kung ikaw ang magiging presidente ng bansang ito... (knock on the wooden wood!!!!hehe), kahit ayoko eh lalabas ako ng bansa... kilala kita... baka kung anong mangyari sa bansa... tsk...tsk... magsulat ka na lang hija... may mapapala ka pa...
TAMA KA IHA!
Abay mag-pinsan pala ere! tumpak ang mga sinabi mo eloisa nakakatuwa ka, dahil at your age aware ka sa mga pangyayari sa ating bansa. sana lahat ng mga studyanteng katulad mo eh alam kung ano na nangyayari sa ating bansa. papano ba yan ! iha! e di wala kanang madudukot sa baon mo, kahit siguro pambili ng lolipop eh di wala nang matitira.
Hayaan mo ineng kapag ika'y tumakbo bilang presidente ako unang bubutu sayo. he he he . keep it up kid. magaling ka! awesome, great, execellent!

Helow po
Talaga pong wala na akong madukot sa baon ko. Kulang na lang eh pagapang akong makarating sa school . . . hehe. . . Well, ganyan po talaga ang buhay. Nakaka-miss ang mga panahong sa halagang limang piso, nakarating ka na sa malayong lugar.
Tungkol naman po sa pagiging presidente ko . . . Sige, aasahan ko po ang boto niyo. Una kong ipapanukalang batas ay ang pagiging libre ng Calamares para sa mga estudyante. Sunod naman po ay obligadong isama sa elementary at college curriculum ang panonood ng Naruto at Prince of Tennis.
Domo arigatou po sa comment . . .
ang sabi..7 pesos na ag
ang sabi..7 pesos na ag pamasahe nating mga estudyante..mapaholiday man or weekends..fight for our rights@!! ^^..
ahuh
tama, at ipaglalaban talaga natin 'yon. Bah, sayang din ang piso.
dahil yun sa PRICE hike
yow! kumusta naman yun, gwabe talaga no?
mahal na kasi ang mga bilihin ngaun kasama pa si kuryente. last year lang 20+ lang bigas ngayon 40+ na, nakita natin kanina sa palengke kung gaano n ito kataas diba?, double itinaas nito ngayon kumpara noong mga nagdaan taon, paana kaya sa mga susunod na mga taon.???
VOTE FOR ELOI FOR PRESIDENT!!!?
go eloi suportanta ka...balance study and HOBBY, wehehe
ahuh
korak. Dahil nga sa price hike at sa pgtataas ng presyo ng gasolina. Walangyang buhay 'to. Tama, pa'no pa kaya sa mga susunod pa'ng taon?
Pagapang na lang ang mga estudyanteng papasok sa kanilang mga eskwelahan. Lahat gutom dahil one hundred pesos na ang presyo ng isang kilong bigas. two hundred na ang pamasahe sa bus. fifity pesos sa dyip at walang nangyayaring baon increase. Ang saklap di ba?
Kaya kung sakaling ako ang magiging presidente ng Pilipinas, itatawid ko sa gutom ang bansa natin. Tapos, siyempre kapag nakatawid na sa gutom, isusunod ko ang edukasyo. Obligadong manood ng Naruto at iba pang anime ang mga mamamayan. Ang hindi sumunod,bibitayin sa...puno ng talong.
Haaayy nakuh Eloisa ganyan talaga buhay estudyante....
Wala na talaga tayong magagawa pa sa pagtaas ng pamasahe, pati nga mga pangunahing bilihin sunod-sunod na rin ang pagtaas lalo na yung bigas at sinabayan pa ng pagtaas ng kuryente.
Haay naku! ang hirap talaga! Pag ikaw ang naging presidente, pwede bang hikayatin mo nalang ang lahat na manood ng Naruto!(Heheh) Favorite anime ko yun eh!
Lalo na yung Kage Bunshin No Jutso!(Shadow replication) niya. (heheh)
yun lng...
bye bye!
Keep up the good work!
oo nga!
Lahat na nagtaas. Pwera nga sa sinasabi kong baon increase. Sana talaga dumating ang panahon na ako ang maging pangulo ng republika ng pilipinas. Hinding-hindi kayo magsisisi (bwahaha).
Sige. Kapag ako ang naging presidente, lahat kailangang mag-suot ng costume at sumali sa cosplay... Pero mas maganda siguro kung idagdag na rin natin sa curriculum ang panonood ng Prince of Tennis. Kasama ang mga 'yon sa board exams. Tapos, ikaw ang magiging kanang kamay ko tungo sa tagumpay. O ano? Ayos ba? hehe.
Sayonara!







Peste ba?!
Korek ka dyan 'day! Tumpak lahat ang sinabi mo...
Magsulat ka na lang dyan at yan ang libre. Pero kuryente naman mahal... ngeks!!! Isulat mo man sa papel at ipamigay sa lahat ng kakilala... baka yan pwede noh...(kakapagod naman ata yun)
Yan mo kapag may work ka na din ay makakabawi ka na...tiis lang po!
mananalaytay ang pulang tinta sa itim na pluma...