Pagtakas
Bukas...
Lalayo tayo,
sa nakalipas.
Bukas...
Pagsapit ng ala-singko,
Tatakbo tayo.
Tatakas.
Bukas...
Lilipad tayo palayo ng Ortigas.
Mamamasyal sa Stop-and-Shop.
At bukas,
Sa tuktok ng pinakamataas
na billboard sa Edsa -
Doon tayo magpapalipas ng oras.
Magkayakap.
Bukas...
Magliliyab ang ating bakas.
Mag-aapoy muli -
ang na-abo nating pangarap.
At bukas,
Sa ating pagtakas,
mapapapikit ang lahat.
Iisipin - kung paano tayo
nakatawid ng Crossing.
Bukas...
ang walang katapusang
pagtakas.
Salamat sa pagbasa at
Salamat sa pagbasa at pag-share ng malalim mong komento.
Dahil sa subrang busy kailangan kong irepost ang iba kong gawa sa kabilang site at isa na ito.
isang tula ng pagtakas ng dalawang nagmamahalan sa gitna ng magulong buhay sa kamaynilaan.
Salamat uli RJ.
I like it! it is like a
I like it! it is like a reincarnation of love affair. i also read some of ur works in ur blog it is pretty interesting.
Si Paruparongberde ay isang estudyante at kumukuha ng Business Management major in Marketing sa isang eskwelahan na ang logo ay berde
astig, tio ang
astig, tio ang hinahanap-hanap ko dito sa FW.. :)
i love it.. ito ang mga tula na makakatulong sa aming mga baguhan upang mapaghusayan pa ang aming pagsusulat.
my fav line:
"Bukas...
Magliliyab ang ating bakas.
Mag-aapoy muli -
ang na-abo nating pangarap."
kahit gusto ko mang i-explain kung bakit ito ang paborito kong part, kulang ang salita upang maihayag ko ng sapat ang nais kong sabihin.. :))
Salamat bro!
Salamat bro sa pagbasa at komento :)
Baguhan din lang ako sa pagsusulat ng tula...
ang ganda... i'm not
ang ganda...
i'm not who you think i am






Ang bawat bukas ay isang
Ang bawat bukas ay isang panaginip, isang pag-aasam ng mga pusong uhaw sa init ng araw o sa pagpatak ng ambon, at ang ngayo'y nagpipiit, nagtatali sa mga paa ng bawat ibong nag-aasam na lumipad upang angkinin ang alapaap, na kahit sa ano pang pagpagaspas ng mga bagwis, langit pa ri'y hanggang tanaw lamang. Ngunit ang bukas... ang bukas ay laging dumarating, at ito ang pag-asang nabubuhay at bumubuhay sa puso ng isang mangingibig.