Pagtangis
Submitted by d-younker on December 26, 2009 - 4:47pm.
Kahungkagan ang dumadaloy sa mga ugat.
Pait ang nakasalamin sa mga mata.
Sumusungaw ang luha sa ‘di maitagong kalungkutan.
Pangungulila ang pumupuno sa dibdib.
Kirot ang unti-unting papatay sa kaluluwa.
Walang hihilom sa sugat na iniwan.
» d-younker's blog | login to post comments | 519 reads


