pagtulog sa tanghali
sinasabi ko na
sa oras ng aking pahinga
sa tanghaling init
ang aking pamaypay
ay iyong diwa
sinasabi ko na
na sa pagpatak ng alas-dose
ihihimlay ko ang aking gunita
sa kama ng ating bawat sandali
magmimistulang parang tupang
humihiyaw sa alapaap
ang linya ng iyong mukha
nais ko syang sungkitin
at gawing unan sa aking pagtulog
ang tinig mo' y parang hele
banayad sa aking pag-idlip
ang titig mo at kabuuan
ay kinuyom ko sa aking palad
at tinapat sa dibdib..
at syang naging mahinhing hanging
sa sandali ng aking pagtahimik
ang dahilan ng aking pagpikit
ang dahilan ng pagyakap sandali
sa kawalang malay sa haplit na dilim..
matapos ang labinlimang minutong
hiningi sa aking amo
salamat sa pagsalo mo
sa pananghaliang ang tanging gusto
ay sa panaginip, kahit sa panaginip
magkasalo tayo......
talulot- a raw literature, innocent poetry...
Matagal tagal ko na ding
Matagal tagal ko na ding hindi nakakaulayaw ang ang aking naglayag na inspirasyon sa pagsusulat... at tulad mo sa limitadong oras ng pagpapahinga umaasang muli ko itong makasama.
gud morning te pauline
thank you sa poem, i like it...
babalik iyon kahit saglit. kahit sandali....
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
masarap matulog sa tanghali!
masarap matulog sa tanghali! at ang labinlimang minuto ay tila bitin sakin. haha!
ang gandang tula, talulot. ^^
ma
masarap tumakas talaga sa realidad. kahit labinlimang minuto lang.. maglakbay kasama ang tula... at tama ka daimustlive btin nga ang labinlimang minuto....
ngayon maaari na akong sumobra kasi wala na akong work hehehe...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."
Masarap matulog sa tanghali
Masarap matulog sa tanghali lalo pa kung katatapos ko lang magsulat at kumain ....
Nice one!
Jonsdmur




nahanap ko rin kala ko nawala
mukhang kahit labinlimang minuto ay kulang na sa ating pagsasalo...
"hinahangin ang talulot na malaya, mula sa bulaklak na sinta hanggang sa matabang lupa.. siya ay ligaya, musa ng pagkadakila.."