Palaisipan!
Sa ngayun napakaraming bagay ang gumugulo sa aking isipan, napakaraming katanungan na hinahanapan ng kasagutan, at sobrang takot ang aking nararamdaman. Bakit dahil nalalapit na ang halalan, kaya habang papalapit ng papalapit ito , lalong sumisidhi ang takot sa aking dibdib, takot na kung sino na naman kaya mauupong pangulo, takot na ano kaya ang pwedeng mangyari sa halalan ng 2010, takot na baka mag karoon ng dayaan na magiging sanhi ng kaguluhan, takot na baka marami na naman mabawian ng buhay dahil sa pandaraya, takot na baka masabutahe na naman ng mga taong walang puso at mga sakim na tumatakbo ang halalan, takot na baka hindi mag karoon ng malinis na halalan, takot na baka mas lalong corrupt ang malukluk, dahil kung ating iisipin parang napakahirap suriin kung sino talaga ang ating iboboto, dahil halos lahat magaganda ang mga sinasabi, halos lahat magaganda ang ipinapangako, halos lahat akala mo'y mga anghel na napakaamo, dahil halos lahat akala mo'y sila'y totoo,
Ganyan kapag malapit na ang halalan nag lipana ang magaganda at matatamis na pangako, makikita mo sila kahit saang sulok ng mundo, kanya kanyang palabas, kanya kanyang gamit ng kapang yarihan, kanya kanyang gamit ng pera, na kahit makapatay ng tao basta sila ang malukluk, na kahit mag hirap ang bansang pilipinas, wala silang pakialam basta sila nasa pwesto at kumikita ng limpak limpak na salapi.
Nakakatakot lang isipin na 5 years from now ano kaya ang pwedeng mangyari sa ating bansa, baka totoo ang sinasabi ng iba na wala ng magiging mahirap, PWEDE! kasi mamatay na ang lahat ng mahirap dahil sa taas ng bilihin at bigas hindi na makakabili ang mahirap na magiging sanhi ng kamatayan, ngayun nag taas na naman ang kuryente, nag taas ang asukal, halos lahat araw araw yata nag tataas, Kaya sobrang takot ko na sana wag mangyari ang mga bagay na yan.
Sana ang malukluk eh yung taong may malaking takot sa DIYOS, taong may paninindigan, taong totoong maglilingkod sa bansang pilipinas, taong hindi corrupt, taong iisipin ang kapakanan ng sambayanang pilipino, hindi sana ang taong pansariling kapakanan lamang ang iniisip, hindi sana ang taong sakim sa kayamanan at kapang yarihan, hindi sana ang taong may masamang plano, hindi sana ang kadiliman ang mangibabaw kundi ang kaliwanagan, hindi sana ang kasamaan kung hindi ang kabutihan .
Kaya sana wag tayo magbulag bulagan, wag tayo papagamit, wag tayo masisilaw sa maliit na halaga, wag tayo basta basta maniniwala sa mga matatamis na pangako. Wag tayo papadala sa mga maamong mukha ,sana ngayun gamitin natin ang ating talino, gamitin natin ang ating karapatan, buksan po natin ang ating isipan at puso na sa ganun ay ipadama sa atin ng diyos kung sino po ang karapat dapat nating iboto At magkaisa tayo na ipag dasal na maging malinis ang halalan at malukluk ang karapat dapat na mamuno sa ating bansa.



Grabe ngayon ko lang nabasa
Grabe ngayon ko lang nabasa to kung kelan tapos na ang eleksyon.. busy kasi masyado.. ngayon malalaman natin sa rehimen ng pangulong noynoy. :)
http://manlalakbay88.blogspot.com