Palusot

| | | | | | | |

Nauubusan na ako ng mga palusot

Kung bakit hindi pa rin ako kasing galing mo

 

Habang pabalik-balik ako mula sala at kusina

Alam kong nasaan ka man,

Malamang nagsusulat ka na naman

Lumilikha ng mga obra

Na pinapangarap kong maging akin

 

Hindi ako bobo alam mo iyan

Tamad lang

 

Pero minsan naisip ko

wala namang pinagkaiba

ang tamad na matalino

at bobong masipag

 

minsan mas pinagpapala pa ang huli

 

iyong mga taong di nakakakilala sa inyo

di naman mag-uubos ng oras para bigyan kayo ng IQ test

 

ang batayan ay ang mga output

 

kahit mediocre ang sa kanya

ayon sa iyong pamantayan

basta meron

minsan iyon ang importante

 

ako ni wala man lang akong maipakita

kahit man lang diploma

o mga award

 

oo alam kong kaya kong gawin ang mga iyan

pero hindi sapat iyong alam mong kaya mo

minsan kelangan mo rin talagang ipakita

 

at di mo sinasayang sa pamamagitan ng pagtatago


Hi n__n

Hi, just new here.. I read your poem and... wala ka namang gustong patamaan?? o resulta lang ng konting bitterness?? hehehe n__n nice one..

augusta linnea valler abella's picture

i think we got the same sentiments.....

i just lost a contest of the "real writers"
and for a trying hard like me...
i definitely didnt win.=)

newei,
i also wish for someone's writings to be mine...
how i wish i got the "magic"
but,
im just and i guess would forever remain as
an ordinary writer.

how sad...

serenity's picture

damn.

damn galing! nakakarelate ako. pero hindi lang sa pagsusulat (ngunit sa pagsusulat hindi ko parin alam kung bobong masipag ako o tamad na matalino), pero sa pag-aaral ganyang-ganyan ang nararamdaman ko. napunta kasi ako sa kursong hindi ko gusto kaya ang pakiramdam ko ang bobo ko kahit alam kong hindi naman. haay. thanks for posting. =)

 

Our deepest fear is not that we are inadequate. Our deepest fear is that we are powerful beyond measure. It is our light, not our darkness, that most frightens us. We a

majancemarie's picture

korek!

jance

hai here just new here, tama ka...para ako rin ang nasa tula mo ah.. since grade five pako nakakatapos nako ng short stories di ko nga lang maibagyabang kc d pa napa-publish... mga friends ko na lang ang nagbabasa. now lang ako sumali sa mga ganito..im glad i've been here. God bless!