Panaghoy ng Puso

|

Saliw ng musika

Nagbibigay ng ligaya

Sa puso kong nag-iisa

Ang matamis mong ngiti

Di mapagkit sa aking isip

Pangungulilang di maibsan

Giliw bakit mo ako iniwan?

Masdan mo ang mga rosas

Lanta at walang buhay

Katulad ng puso kong nalulumbay.

Bulaklak na ibinigay

Noong ang puso’y ko’y sawi

Malungkot at puno ng dalamhati

Larawan ng pusong may pighati.

Simoy ng hangin dumadampi

Sa pisngi kong nanabik

Sa haplos ng iyong mga kamay

Mga paghihirap ay nawawala

Naglalahong parang bula

Ah! Pag-ibig na tunay!

Bakit dulot ay lumbay?

Impit ang pag-iyak

Ng puso kong walang tiyak

Kung bukas ay darating

Ngayong wala ka na sa aking piling

Sa iyong paglisan

Pabaon ko’y munting dula

Ala-ala ng pagsinta.

Malungkot man ang mga gabi

Ngayong wala ka na sa aking tabi

Patuloy ang agos ng buhay

Puso man ay may lumbay

Kamatayang naghiwalay

Sa atin ay mag-uugnay

Asahan mong ako’y maghihintay.