PANAGINIP

Lemmor Setneuf's picture
|

Kinang ng bituin, patak ng ulan
Sikat ng araw sa maambong kalangitan
Daloy ng alon sa tuyong karagatan
Bilog na buwan sa katanghalian

Kay tamis na ngiti sa bawat patak ng luha
Malinaw na ala-ala sa madilim na gunita
Tagumpay sa mga bigong pangarap
Wala ka sa piling ko ngunit kayakap

Naroon ka, habang ako ay narito
Ladas natin kailan man di magkatagpo
Ikaw ang syang ligaya sa buhay ko
Subalit para sayo, ako nga ba’y kailangan mo

Sa paniginip ko naroon ang saya
Tuwa sa puso ay walang mapagsidlan twina
Pagkat kapiling ka’t kayakap sa magdamag
Dilim ay di alintana dahil ang paligid ay kay liwanag

Subalit sa bawat pag-mulat ng aking mga mata
Luha ang sasalubong, pagkat sa tabi ko ay wala ka
At muli pipikit na lamang upang doon ika'y hanapin
Dahil wala akong ibang nais kungdi ika’y mapasakin

Hanggang kailan puso ay maghihintay
Na iyong mabatid na pag-ibig para sayo ay tunay
Dahil nga ikaw lang ang nais kong karamay
Sapagkat para sa akin, ikaw ay walang kapantay

Panaginip doon ka kapiling

Panaginip doon ikaw ay akin

Panaginip doon ako ay mahal mo rin

Mga bulaklak sa hangin, bituin sa lupa ang katapat
Ulap sa langit sa dagat ay nakalapat
Huni ng ibon sa ilalim ng lupa’y akin pang naririnig
Panaginip na nga lang ba ang lagi kong kaniig?

Lemmor Setneuf

Bago pa lamang ako sa Filipinowriter.com kung kilan pa ako nalayo sa bansang Pilipinas ay doon ko pa natagpuan ang site na ito... Ang "Panaginip" ay naisulat ko taon-2005 pa... gusto ko lang syang maging aking panimula dito sa site na ito...

Lemmor  Setneuf


dyeppri's picture

welcome sa site!

                  https://dyeppri.wordpress.com/

"libog lang ang dahilan ng lahat kung bakit andidito ako..."

      

Lemmor Setneuf's picture

Salamat!

Salamat sa pag-welcome!

-Lemmor Setneuf-

 

 

"Ano nga bang halaga ng Tag-araw sa Puso Ko, kung wala ang init ng iyong Pag-ibig na papawi sa lamig ng Tag-ulan?"

                                      mula sa komiks

tuloy ka sa loob ng FW, pare ko...

gawa ka pa ng marami...

naaalala ko nung teen-ager pa ako, ganyan din ang estilo ng mga tula ko...

Lemmor Setneuf's picture

salamat....

salamat sa pagpapaunlak! nag edit nga ako ng ilan kong mga gawa dati at iyong mga bago kung gawa... marami na rin kasi akong aral na nakuha dito sa site, mula ng mag-basa ako ng mga sulatin...

 

muli salamat!

"Ano nga bang halaga ng Tag-araw sa puso ko, kung wala ang init ng iyong Pag-ibig na papawi sa lamig ng Tag-ulan?"

mula sa komiks....

5182EiDiDiFy's picture

may mga bagay bagay na

may mga bagay bagay na sadyang sa panaginip lang talaga pwede... doon lang maari, doon lang magaganap.

 

kaya minsan kay sarap managinip...

 

pero kailangan pa rin natin gumising, at harapin ang katutuhanan ng buhay ay harapin ito ng buong puso.

 

nice one!

 

 

maharot, malikot titik sa aking tuktok!

Lemmor Setneuf's picture

Salamat sa pagbasa at

Salamat sa pagbasa at komento!

 

Nagising na ako mula sa isang panaginip, matagal-tagal na rin. Masaya sa napiling pag-ibig, namumuhay ng maligaya at payapa. Kapiling ang isang sadyang para sa akin... akin lang.

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

- Lemmor -

Starblaze's picture

ok sya

Maganda ang tula mo Rommel Barral Fuentes...

 

Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Lemmor Setneuf's picture

Salamat Starblaze!

at.... Rommel Barral Fuentes talaga.

 

minsan masarap baliktarin ang bagay-bagay upang mas lalo itong maipaliwanag ng maigi... principle ko ito sa pagtuturo, ginamit ko na rin sa aking pangalan.

 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag!"

- Lemmor -

Starblaze's picture

Tama ka

Tama ka.. minsan kahit sa pag-ibig masarap ang baliktaran..kung sa highway merong speed limit sa pag-ibig meron din...sa pag-ibig daw ang speed limit ay hanggang 68 lang kasi pag lumagpas ng 68..babaligtad na yun...hope you get my point hehehehe!

 

Starblaze, Dakilang mangingibig, malikot ang isip (at kamay)

http://cutedaw-starblaze.blogspot.com/

Lemmor Setneuf's picture

Copy and noted with

Copy and noted with point! kuhang-kuha...

 

 

"Ang ating liwanag ay muling lalamunin ng dilim na ating binasag"