Panandaliang Guhit-langit
para kay B. T.
Nagsaluno tayo sa malalay at walang siglang pitak ng dalumoy.
Tikom ang aking bibig sa paggitaw ng iyong makalupang katauhan.
Lumalangkap ang aking katawan habang napipinto ang hakbang mo sa
pasinaya ng aking mga rehas.
Humahaginit ang pintig ng dibdib sa pagtatangkang bitbit ng iyong buntong-hininga,
umaasam ng pambihirang ugnayan,
pambihirang pagsugpong.
Animo'y
Dahon akong mabilis na itinatangay ng hangin,
sa bawat dagok ng iyong hininga.
Ugat akong palihim na sumusulong sa butil ng palayan,
habang sinisiil ng iyong mga labi ang mga gilid ng aking pagkatao.
Tubig akong dumadaluyon sa buhawi ng dalampasigan,
noong pinahintulutan mo akong sumuong sa kanlungan ng iyong kaluluwa.
bughaw akong pumipinta sa mga sulok ng kalangitan,
kung kailan nagpang-abot ang malalang pagsabog ng magkaibang lagablab.
Salaysay akong nasalanta sa pagkaubos ng tanglaw sa himpilan,
nang manatiling malapit ang ating mga katawangtao't kalamnan.
Sumisilip ang iyong mga mata sa lagusan ng aking paraiso,
hindi mapaglabanan ng pagpikit ang luwalhating lumagom sa anyong nagkahugis.
Damang-dama pa rin ang hininga habang ginagalusan ang aking kutis,
habang inililipad ang hibla ng pagnanais.
Mabagsik pa rin ang iyong halimuyak kahit pumapalot ka na sa alapaap,
kahit nagngingitngit ang langit,
hindi ka nagpatinag, yumakap ang bakas at kailanma'y hindi naglaho.
Narito ka pa rin,
sa gayak ng mga unan.
sa sutla ng kumot.
sa pagitan ng aking mga daliri.
sa ibabaw ng aking mga labi.
sa durungawan ng aking bintana.
sa pasinaya ng aking pinto.
at sa habag ng aking puso.
salamat sa pagbabasa. alam
salamat sa pagbabasa. alam kong mahabang sandali ang ginugol mo para daanan ang mga salita at mga titik ng aking akda. Kung dinugo ka man, sana hindi magsawang magbasa ang iyong kukote at mga mata. marami pa ang paparating. :D
Sagwil at Pag-ibig, PIIAC
Hmmm... natutuwa ako haha!
Hmmm... natutuwa ako haha! Ang galing. Gaya ni Ate Anne, may mga salita akong hindi alam, pero naintindihan ko parin yung tula. (or at least ina-assume ko na naintindihan kohaha) Iba talaga ang nagagawa ng dalawang tao pag silang dalawa lang. :)
tama. At hindi ito lantay na
tama. At hindi ito lantay na pag-ibig. Hindi palasak na pagliyag ng dalawang magkaibang kasarian. Hindi naman malaking balakid kung ang iniibig ko ay ang katulad ko. Lalake rin siya at kahit ilang ulit pa akong patayin ng langit. Muli't muli ay iisa lamang ang ipagsisigawan ng aking dibdib. Iniibig ko siya (siya na lalake).
Sagwil at Pag-ibig, PIIAC
Mabuti 'yan, kung gano'n. :)
Mabuti 'yan, kung gano'n. :)
ang galing po ninyo...para
ang galing po ninyo...para kayong si allan jhon andres...mga tunay na makata. :)
epistaxis.
Epistaxis ba ito?
ang lalim ah...di mo mahukay.
hanggang six feet lang ako.:)
sulat pa.
salamat. sa pagbabasa, sa
salamat.
sa pagbabasa,
sa pagbusisi,
sa paglalayag kasama ang aking mga salita.
:D
Sagwil at Pag-ibig, PIIAC
huh...
ang sarap naman ng pakikipagtalik na ito... mukhang mahirap malimutan talaga.
HA HA HA!
hULI KA.. kAMUSTA na ang aming kuya dyippre. mukhang tagal muna rin nananahimik saang lungga kana ba nag tatago???.
Ang aking komento sa may AKDA !BRAVOOOOOOOOOO! magaling lalo na nung sinabi niya na isang lalake rin ang tinitibok ng kanyang puso na kahit ilang beses siyang patayin ng langit yun pa rin ang kanyang iibigin.
Sa isang banda ikaw ay lubos kung nauunawaan at nirerespeto sa iyong nararamdam , basta kapatid isa lang maipapayo ko basta masaya ka sa taong mamahalin mo GO LANG NG GO.. just be happy.. importante mahal ka niya at mahal mo rin siya, masaya kayo sa pag-mamahalan na iyan magiging masaya ang ending. iI have so many friends din na ganyan, na ang minahamal niya eh yung kapwa lalake nila. Kaya sobrang naiintindihan kita, basta nag kakaintindihan kayo eh walang problema yan.
Kaya para sayo kapatid, be happy, always feel inlove, wishing to both of you a happy and long lasting love.
GOD BLESS YOU ALL.. Stay In Love!!!!
pau!
pau!
_________________________________
ewikescalante.wordpress.com






Gusto kong intindihin ang
Gusto kong intindihin ang bawat salita sa iyong tula. Pero hindi ko talaga kaya, dumudugo na ang ilong ko.
Panalo ang mga linyang ito (marahil dahil ito lang ang lubos kong naunawaan.)
Narito ka pa rin.
sa gayak ng mga unan.
sa sutla ng kumot.
sa pagitan ng aking mga daliri.
sa ibabaw ng aking mga labi.
sa durungawan ng aking bintana.
sa pasinaya ng aking pinto.
at sa habag ng aking puso.
Kailangan ko nang magpasalin ng dugo sa dami ng nawala. hahaha! napaka lalim mo kuya.