PANGAKO
Halika't tuluyang isuko
ang iyong pagpupumiglas
na napagtanto kong sa'kin rin
umaamot ng lakas
pumikit ka at damhin
ang pag dampi ng aking labi
sa na hantad na balikat mo
na sadyang saki'y umaakit
magpaubaya't kita'y ihihiga
ng may kalakip na pag suyo't
pagpapahalaga
Salubungin mo lang
at tumbasan ang pag-amot ko
nang buong pusong
pagpapabubay mo
.....
mahal kita
mahal na mahal kita
damhin mo ang tamis
ng bawat kataga
sa pag dampi ng labi ko sa labi mo
Pumikit ka't hayaan ang sariling makiagos
.....
Kung sana'y kaya kong hawiin
ang luhang bumabalon
sa sulok ng iyong mga matang
sing ganda ng dapit hapon
mahal ko tahan na
pakiusap tahan na,
ito'y di pang habang buhay
kundi sadyang pansamantala
....
Iiwan
.....
ngunit
.....
.....
PANGAKO
.....
babalikan kita<3

