Pangako Ko Sa Iyo

Melanie Quilla's picture
| |

Normal 0

Ikaw ang unang bumati

Ikaw ang unang sa aki’y ngumiti

Ikaw pala ang pinili

Ng tadhana upang aking mahalin

 

Binuksan mo ang pinto ng puso

Na matagal ko ng sinarado

Hindi inakalang darating tayo rito

Kung saan manunumpa tayo

 

Pangako kong ito, iyong pakinggan

Pipiliting wag muna umalis sa piling mo  

Pangako Ko sa Iyo, iyong paniwalaan

Habambuhay ikaw lang ang mamahalin ko

 

Sabay nating lalakbayin ang bukas

Tatahakin ang nakalaan sa ating landas

Hindi ako bibitaw hanggang sa wakas

Bitbit ko sa puso ang pag-ibig mong wagas

 

 Nais ko lang ay iyong lambing 

Sa kandungan mo ako mahihimbing

Ang pag-ibig mo ang nais damhin

Hanggang sa ako’y umabot sa takip-silim

 

Patuloy akong lalaban para sa ‘yo

Pangako ko sa iyo, susubukan ko

Ikaw lang ang nagpapalakas sa buhay kong naabo

Pangako, hindi ako lilisan hangga’t kaya ko.

melay lang po...

para kay Mr. Owen Medrias at Lenicile Santiago-Medrias of Tuguegarao (tama ga spelling?) Hindi ko sila kilala. nakatanggap lang ako ng email na nagrerequest na sumulat ako ng tula para sa kasal nila na naganap noong June 30. isa sa kanila ay may iniindang sakit (cancer of the pancreas ata un). nakakahanga ang mga tulad nilang despite of the sitwasyon ay nagawa pa rin ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Best wishes!


hey...nice poem..nakakatuwa

hey...nice poem..nakakatuwa ka naman, na kahit ano genre nasusulat mo..sana ako din...

by the way, i read about what happenned to your aunt. Condolence to your family...

If you want to add me in your ym or friendster my acct is: lhenmc@yahoo.com. Ingat! God bless 

Melanie Quilla's picture

ay may ganon...

maraming salamat. about dun sa tita ko, thank you din. moving on na rin kaming lahat sa family. na-add na kita sa ym. confirm mo na lang kapatid! 

Ingatski, 

Melay

****

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jealousy29's picture

wow ate melay galing mo

wow ate melay galing mo talaga grabe...

ibang level ka talaga...  Smile

una pinahanga mo ako sa iyong mga gawang love story...

ngayon naman ay sa tulang ito....  hehehe....

IDOL...

 

P.S

thnks nga pala ate dun sa mga advise mo sakin nung magkatxt tayo....

 

 

ngat....Smile

Melanie Quilla's picture

salamat

Wehehehe.. basta pag may problem ka, i'm just one text away. pero mag-esp ka muna. pakiramdaman mo kung may load ako bago ka magtext. hehehe.

 

*****

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.

jealousy29's picture

maraming salamat ateh

maraming salamat ateh MELAY....  hulog ka talaga ng langit sakin.... s birthday niya balak ko ng makipag usap sa kanya... para naman maayos ung paghihiwalay namin....

 

 

salamat muli....

 

ngat....Smile

Melanie Quilla's picture

naku!

inihulog pala ako ng langit. aray ko po! hehehe.. Basta mhads, mind over heart, okay... 

*****

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwento ang Diyos ang may akda.

jealousy29's picture

oo ate hulog ka ng langit

oo ate hulog ka ng langit sakin... hindi lang ako nagkaron ng bagong kaibigan, kagkaron din ako ng ate... o db sosyal...

salamat ate sa lahat ng advice mo sakin... thank you thank you talaga......

ate melay hindi ba pwedeng heart over mind??? hehehe (joke lng po)

 

ngat......Smile

jonsdmur's picture

wala ka talagang kupas

A Collection of Short Stories-Jonsdmur

napakagandang tula.. lalo na kung para sa dalawang nagmamahalan....

alam kong magugustuhan nila ito....

sulat pa!

jons

 

Melanie Quilla's picture

tenk yu

kaw ba, ala ka na bagong post... woi, pare ung inuungot ko sa iyo, natranslate mo ba? o dumugo na iyong ilong mo sa pagi-ilonggo? jowk! hehehe.

 

*****

Ang buhay ay isang nobela kung saan tayo ang pangunahing tauhan sa kwentong ang Diyos ang may akda.