PANGARAP

mcleri's picture
| |

PANGARAP

  

Ako’y isang anghel…

 

Minsan na akong nangarap,

Mapigtas ang pakpak nang maging ganap.

na nilalang sa mundong hanap

ng aking mga panaginip at pangarap.

 Minsan na akong nagging sanggolSuso ni ina ang samo’t habol;sa duyang nakakulambo’t de katolpagkalinga’y pagmamahal taghoy ko’y ungol. 

Minsan na akong naging bata,

Minsan nang naglaro’t tumingala.

Doktor-doktoran ang aking asta

Sa panggagamot akoy bihasa!

--Bumberong magiting naman bukas

--Makisig, matapang at matikas!

--sa imahinasyon ko’y walang kukupas

--kundi ang sa bahay na apoy ang lingas.

 

Minsan na akong nagtagumpay.

Malaking pangalan, magarang bahay,

Matulin na awto at magandang buhay,

Lahat ng ito’y pawis ang nagbigay.

 Minsan na akong umibig.

Ang ngiting dala nang kanyang tinig

ay kasiyahang lubos walang daig.

sa bawat yapos ng kanyang bisig,

--sa bawat alala’t pagdinig--sa bawat asaran nang kabataa’t kilig--sa bawat taon na lumipas sa daigdid

--sa bawat yapak nya’y ang puso ko’y syang pinting.

 

Minsan na akong nagkasakit.

Kanser sa buto na mapait. Tila rayumang libong ulitSa higaan mamalagi ako’y napilit

 

(ako’y natakot na iwan ka aking irog

Sa mundong pangarap kong inihubog

Kung ako ma’y nalalapit nang sa lupa’y ihuhulog

Salamat sa pag-ibig mong handog…)

 

Minsan na akong pumanaw…

Sumulat ng tula ng aking mga araw.

Oo, ako’y pumanaw na

Bago mo pa man ako nabasa...

 {}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{} {}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{} Minsan ako’y nagising sa malalamig na ulap.

---"bat ako may pakpak!?"

nahimasmasan ng hangin at napaisip

panaginip ko lang pala ang mga pangarap.

 

by:LerryTejada