Pangontra sa Mantra ni Aireen

journeyman's picture
| |

 

 

 

 

 

 

 

 
 

 

Babalik, babalik
Ikaw ay bumalik!

Mga mata ay ibaling
Kung saan nanggaling
Muling bigkasin
Pangalang kay lambing

Dating pagmamahalan
Muling balikan
Ala-ala ng kahapon
Wag itatapon.

Wala ng hihigit pa
Sa pagmamahal niya
Hindi na mabubura
Nakalipas na kay ganda.

Lahat ay nagkakamali
Sino ba ang hindi
Kelan ba naitama ang mali
Ng isa pang pagkakamali.

Babalik, babalik
Ikaw ay bumalik
Laging isipin
Sa puso ay itanim
Muling balikan
Dating pagmamahalan.

Babalik, babalik
Ikaw ay bumalik!

 

 

journeyman

I believe in second chances. Sabi nga eh love is lovelier the second time around.


Amos Tarana's picture

kapatid, bago na naman

kapatid,

bago na naman avatar mo ha -- natutunaw sa bibig, hindi sa kamay hehehe

wow! love poem...nakakapanghanga ang iyong kapit sa pag-asa.  hayaan mo, babalik at babalik ang anuman at sinumang para sa iyo.

mabuhay po kayo!

- Amos Tarana - http://amostarana.blogspot.com/ 

journeyman's picture

Kabayan, nasasalamin ng bago

Kabayan, nasasalamin ng bago kong avatar ang aking pagkatao. Sabi mo nga natutunaw sa bibig na gaya ko rin na madaling lumambot ang puso at paninindigan sa pamamagitan ng mga pananalitang me lakas ng makabuluhang panghihimok at hindi kahit kelan magpapalupig sa lakas ng kamay o kamao. Ngunit kung mapapansin mo ay umiiyak dahil sa kasalukuyang nararanasang pighati at kalungkutan.

Kabayan, pag-asa laban sa pag-asa… dito lang ako kumakapit ngunit nangangamba rin akong malapit na akong bumitaw.

Salamat sa pagdaan…

 

"...mapadagos sa paglakaw dawa mapagal... maski madipisilan."

jealousy29's picture

wow... pangontra sa matra ni

wow... pangontra sa matra ni ate airee???

Mr. Journeyman naman oh.... hehehe

imbes na nakakamove on na ako ei... hehehe

 

pero ang ganda po ng inyong tula....

 

ngat...Smile 

aireen's picture

:)

kaw tlga Mr. journeyman!

may pangontra pa tlga ha.....

cheers!