Panlilio eyes Presidency

noid's picture
|

According to this Inquirer article, Gov. Ed Panlilio is considering running for the highest post in the Philippines in 2010. My prayers have been answered! Just say the word Father, and you'll have a volunteer who will do everything he can to help you win the presidency. To those who believe that we need a GENUINE alternative in the 2010 elections, please forward this good news!


diwa's picture

...

sa tingin ko, masyado pang maaga para tumakbo sa pagkapangulo si among ed. kung totoo ang balita, mapapasama na siya sa mga panghihinayangan kong politiko. sa gubyerno ngayon, iilang tao na lang ang hinahangaan ko. ang  ilan pa sa mga ito, limitado lang kasi alam ko bahagi rin talaga sila ng mga malalaking political dynasties, sa kabila ng makabayang pamamahayag nila. isa na dito si Chiz, na napakahusay ng ipinakita sa Kamara. pero sa takbo ng karera niya bilang senador, lumalabas na ang pagiging trapo niya. niluluto na umano ang pagkandidato niya bilang pangulo sa ilalim ng koalisyon ng NPC at Kampi, ang partido ng pangulo na lagi niyang pinupuna noon.

kung tatakbo na nga si among ed, sana maganda pa rin ang layunin niya para sa pilipinas at hindi pa malamon ng malalaking partido politikal at magamit sa buktot nilang gawain.

noid's picture

I don't know even know what

I don't know even know what "masyado pang maaga para tumakbo" means. All I know is that this country badly needs a leader with integrity, and that leader is badly needed NOW.

Re "malalaking partidong pulitikal na puwedeng lumamon," if you read the article carefully, I don't think Gov. Panlilio is even remotely considering the established parties. It will be a new party altogether. In his own words, "a genuine reform coalition."

diwa's picture

...

naniniwala ako na dapat gawin ang isang bagay, hindi dahil may kasiguruhan ng tagumpay, kundi dahil iyon ang tama. pero sa lahat ng bagay may eksepsyon. at isa ang pagkapangulo ng pilipinas sa kasalukuyan, sa pagtingin ko.

Hindi ko sigurado, pero maliit pa ang tyansa ni among ed para manalo.a alam naman natin ang laro sa politika dito. magaling ang ipinakita niya sa pampanga sa paggapi sa pinakamalalaking political dynasty doon. pero duda akong kaya niya ring gawin iyon sa buong pilipinas.

Hindi naman ibig sabihin nito na ayaw ko sa kanya. sa totoo, kung talagang tutuloy siya, siya rin ang iboboto ko. kung mapapatalsik sana si Gloria at mabuo ang gubyernong koalisyon, isa nga siya sa pwedeng maging pinuno ng bansang ito. pero sa kasalukuyang kaayusan, kahit manalo pa siya, wala pa ring kasiguruhan na maipapatupad niya ang lahat ng balak niya, na siguradong makakasagasa sa interes ng malalaking tao sa politika at ekonomya. kaya ito ang ibig sabihin ko na masyado pang maaga.

para sa kaso ni Cory noon. hindi siya talaga politiko, ang asawa pa niyang politiko ay maituturing na makabayan, kaya masasabing maganda pa ang layunin niya noong unang bahagi ng kanyang panunungkulan. nakapagpatupad pa nga siya ng ilang reporma. pero sa dulo nanaig pa rin ang interes ng iilan, at wala siyang nagawa kundi ang pumaloob doon sa kapahamakan ng interes ng bayan. Wag naman sana, pero baka ganito rin ang mangyari kay among ed. 

ngayon, wala naman masama kung susubukan, ika nga. at naniniwala akong magiging tapat siya sa kanyang layunin. sana nga may mga mangyari pang pagbabago sa kalagayan bago sa eleksyon para lumakas ang kanyang kandidatura.

kaugnay ng partido, mas patungkol naman ito kay Chiz. kay among ed, madali naman ang solusyon dito. kaya naman niyang bumuo ng makinarya, o kaya makialyado sa isang bagong partido rin na itatatag ng mga progresibong pwersa.

Alexander Dagrit's picture

  Fr. Panlilio is so far

 

Fr. Panlilio is so far the best alternative we have among our presidentiables. But it would be a gargantuan battle for him, considering that even the Catholic Church is divided on his political sojourns. On whom would he primarily lean?

If he goes for it, then good luck to him. But I just really don't know if he can challenge the other presidential candidates, who are seasoned when it comes to almost every campaign (dirty)trick.

 

 

The Best and the Worst In FW

 

noid's picture

Isn't that precisely the

Isn't that precisely the point? To fight the "gargantuan battle?" Every revolution starts with a vision, and getting there -- making the vision a reality -- is the fun part.

noid's picture

Update: Panlilio-Padaca Para

spike_west's picture

Sir noid mukhang ikaw ang No.1 Supporter nya ah!!hehehe

 Sabagay pwede nga talaga si Father Ed, kaysa sa mga TRAPO. Eh mukhang ngayong eleksyon wala ngang pwede mukhang sya na nga lang.

Yung nga lang kahit gaano sya kabuti, eh kung puro mga kawatan ang mga nakapalibot sa kanya eh parang balewale din.

Hindi ko lang alam kung ang pagiging mabait nya ang magpapaunlad sa bansa natin. Uhmmmmmmm!! Hindi lang naman kasi bait lang eh, pero kung ang kalaban nya ay sina Noli, Loren, Ping, Miriam at Erap eh sa kanya na ako.

Ingat Sir Noid. 

My Personal Blogs:

Mga kahanginan ng utak ko:

http://utaknidrake.blogspot.com/

Kwentong nagbibigay inspirasyon:

http://akingkwarto.blogspo

noid's picture

Well, not necessarily si

Well, not necessarily si Gov. Ed, basta yung tunay na mukha ng pagbabago. Ang maganda lang kay Gov. Ed, siya sa tingin ko ang pinakakilala sa mga maaaring alternatibo -- halimbawa kina Gov. Padaca at Mayor Robredo.

Pagdating naman sa mga nakapaligid sa kaniya, sa tingin ko, may talino siya at paninindigan para piliin ang mga hindi trapo. Iyan nga sa tingin ko ang tunay na labanan pagdating sa 2010 -- hindi lamang labanan ng personalidad kundi labanan ng mga uri ng pulitika -- ang tradisyunal na pulitika at sa kabilang banda naman ang pulitika ng tunay na pagbabago.

Amos Tarana's picture

kahit papaano ay may

kahit papaano ay may mapagpipilian na ang mga tao sa 2010. maganda sa tingin ko ang tandem na panlilio at padaca. subok na rin ang kanilang husay sa pamamalakad at may napatunayan na rin sa paglaban sa mga katiwalian.

kailangan na lang sigurong ilinaw ang kanilang plataporma. at kung sakali, upang makapagbigay ng totoong pag-asa sa masa, kailangang kakitaan ito ng tunay na paglilingkod at malasakit sa nakararaming mamamayan.  sana ay isulong din nila ang pagpapanagot sa mga mga politikong may ginawang pandaraya at pagpapahirap sa taong bayan.

ganun pa man, hindi pa rin tayo dapat na basta na lang umasa sa kanila.  ang tunay na pagbabago sa lipunan ay hindi kakayanin ng iisa o dalawang tao lamang. kailangan pa rin ng suporta, pagkakaisa at pagiging mapagbantay ng taong bayan.

totoo na si panlilio ay mauugat sa mga burgis na pamilya.  pero "wala tayong magagawa pansamantala" kundi ang lumaro sa politika habang lalo pang pinapalakas ang makarebolusyonaryong hanay.  maging si rizal, bonifacio at iba pang mga bayani o maging si jms ay nanggaling din sa burgis na pamilya.

totoo rin, balikan man kasaysayan, ang eleksyon ay hindi pa naman talaga nakapagbibigay ng totoong ginhawa.  ngunit ano pa nga bang puwedeng gawin kung ito pa rin ang hinihingi at pinaniniwalaan ng karamihan.  hindi natin kailangang pangunahan ang masa.

alam natin na kapag hindi na naman napaghandaan at nabantayan ang darating na halalan ay mauulit at mauulit na namang muli ang ating kasaysayan. kaya ngayon, pag-isipan natin, kung hindi sila panlilio at padaca, sino at mayroon pa kayang iba?

hayaan nating gawin nila ang kanilang makakaya.  pag-isipan din natin kung ano pa ang kailangang gawin sa bahagi natin...upang kahit papaano ay maibsan ang kahirapang nararanasan ng ating bansa at kapwa.

14 na buwan na lang eleksyon na.

amos tarana! Wink

 

    A poet must also learn how to lead an attact  

                                                               - Ho Chi Mi

noid's picture

Tama ka, Amos. Kailangan

Tama ka, Amos. Kailangan ngang hindi tayo umasa sa ating mga lider lang at kailangang kasama tayo sa pagbabago. Sa tingin ko, magandang pagkakataon itong darating na eleksiyon upang baguhin pati na rin ang ating mga sarili. Ang pagpili pa lamang ng tamang kandidato ay isa ng mahalagang hakbang tungo sa pagbabago. Ang maganda rin sa isang eleksiyon ay may kongkretong mukha ang pagbabago. Mayroon tayong mga partikular na layunin na kailangang abutin -- halimbawa ang papanalunin ang tamang kandidato -- at mahalaga ang malinaw na layunin sa kahit na anumang kilusan.

noid's picture

Guys, if you want to

Guys, if you want to persuade Gov. Panlilio to run in 2010, here's the contact info I got from AmongEd.org: (I, myself, just sent an e-mail. :))

Cellphone: (0928) 611-1130
Email: amongedpanlilio@yahoo.com, eddiepanlilio@yahoo.com
Gov's Office: (045) 961-47-13

hectorolympus's picture

now

If he's serious on running, he has to say it NOW.  He can't stay there and test the waters, ika nga.  Ilang araw na lang at eleksiyon na.  Given the fact na hindi naman siya gaanong kilala pa, dapat eh ngayon pa lang ipakita na niya ang stand niya kung tatakbo siya o hindi- para kahit paano eh makilala siya ng mga tao.

on other points, i came accross this blog about among ed:

http://siyetehan.blogspot.com/2009/03/onwards-2010.html

 

noid's picture

Tama ka, Hector, kailangang

Tama ka, Hector, kailangang medyo madaliin na nga niya ang pagpapasiya kasi malapit na nga ang eleksiyon. Para makapagsimula na tayo sa trabaho!

Tungkol dun sa blog post, sa tingin ko kapag ikaw na ang Pangulo ng Pilipinas, mas marami na ang makakasundo mo. ;-)

hectorolympus's picture

being president

about the post:

your comment makes sense.  ang sabi nga eh, kapag sumisikat ka, dumadami ang kamag anak mo.  ganun din kapag pangulo.  both ways nga lang.  kasabay ng pagdami ng kamag anak, kasabay din ang pagdami ng (lihim) na kaaway.

 

and how we all hope that this cultural system in the society should change.  sana nga.

sana nga.

noid's picture

Let us welcome Conrado de

Let us welcome Conrado de Quiros to the movement -- http://opinion.inquirer.net/inquireropinion/columns/view/20090323-195799/Panlilio-for-president . He articulates most of my sentiments. Dream big, Philippines! :)

Hekto's picture

Ang sabi ni arch bishop

Ang sabi ni arch bishop rosales kanina sa news hindi daw bagay mag presidente si among ed dahil hindi to marunong mag-kompromiso

e yun nga ang malupit eh !

No Compromise. Not even in the face of Armageddon - Warshack (Watchmen)

noid's picture

Nasira na talaga ang kultura

Nasira na talaga ang kultura natin. Pati Arsobispo ginawa ng positibo ang magkompromiso.

noid's picture

The Panlilio-Padaca tandem

The Panlilio-Padaca tandem now has a Facebook group: TEAM Pagbabago: Panlilio-Padaca 2010

noid's picture

If elected, Panlilio will

If elected, Panlilio will prosecute Arroyo.That's the kind of president we need!

noid's picture

Panlilio to quit priesthood

blackwidow's picture

pero

 

sabi nila, hindi daw iaadya ng diyos na maging presidente ang isang taong holy at sagrado, kasi sigurado, kakainin lang sya ng sistema at magiging isa din syang halimaw.

pero pag tumakbo si among ed, nasa sa kanya ang suporta ko.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Stronger than the boogeyman hiding in your closet