Paano nila ituturo ang isang bagay na hindi naman nila naunawaan?
Di ko makalimutan ang mga kaklase ko way back nung college pa ko. Kasi naman nandun na ata sa klase namin ang lahat ng ugali ng estudyanteng maiisip mo.
May maaarte, may ilang mayabang, may mga talentado at nagpipilit maging talentado, may matalino, may katamtaman lang ang dunong,may nagdudunung-dunungan, may kapit-sa-matatag, may mabango, may mabaho, may mukang hagard lagi, may mukang matalino at mga mandaraya sa mga pagsusulit.Hindi ko malalamang nandadaya na sila kung hindi nagkamali ng abot sakin ang kaklase ko. "Anong sagot sa no. 6?" Nagulantang ako, di ko naman akalaing sakin iaabot yung lamukos na papel na may tanong. (correction hindi pala inabot, biglang ilalagay sa lamesa. Dahil sa gusto kong malaman kung ano yon, binuksan ko at ang tanong ngang iyon ang nakita ko.
Pano kung nakita kami ng prof namin nun? Lintik! Pati ako madadamay. Pati magandang reputasyon ko masisira dahil sa mga taong batik ng lipunan. Hay, wish ko lang ay mabasa nila toh. Pero para san pa nga ba? Eh lahat sila NAKAGRADUATE NA!
Nakakatakot. Bakit? Dahil ang kurso namin ay pagtuturo. Paano nila ituturo ang isang bagay na hindi naman nila naunawaan? Ayokong sila ang maging guro ng anak ko. Baka kayo gusto nyo...
Nakatutuwa sa parte nila sapagkat nakapagtapos na sila at taas-noo ang kanilang mga magulang lalo na't na sa kanikaniyang eskwelahang pinapasukan at nagtuturo sa mga kabataang NAWA'Y MAGING TUNAY NA PAG-ASA NG BAYAN!


