"Pa'no yan, mahal na kita?"

Tinuloy mo lang, hindi niya naiisip ang pakiramdam niya. Hala, sige, lambing ka lang, akap ka lang, hindi mo alam kung gaano siya nagtitimpi. Hindi mo lang alam, kung paano niya ilaan ang bawat oras niya sa'yo.

Hindi mo  siya napapansin, pero bakit? Nasa tabi mo na, naghahanap ka pa sa malayo, may kulang ba sa kaniya? Minsan, hindi niya na mabasa ang mga iniisip mo, kung may gusto ka ba sa kaniya o wala.

Nakiusap ka sa kaniyang pumasok kayong dalawa ng maaga, para makakopyaka ng mga ipapasa sa araw na 'yon. At sinabi mo pang susunduin mo siya, dahil masyado pang maaga, at baka siya ay mapahamak sa daan. May iba ka bang sadya sa ginawa mong iyon? Di ka ba nailang tulad ng ibang mga lalaki na may kasamang babae, at kayo lang mismong dalawa?

Hindi mo alam, gulong-gulo na siya sa nararamdaman mo.

Bakit? Bakit? Bakit? Madaming tanong ang naghahari sa utak niya, hindi niya rin alam kung paano isa-isa sasagutan iyon. 

Bakit naman, kung minsan ay napakadali mong magalit sa kaniya? Hindi niya tuloy alam kung gumagawa ka na lang ng paraan para magalit sa kaniya upang maiwasan siya; o para maagaw lamang ang atensyon niya. At kung minsan kung nagkakatampuhan kayo, aakapin mo na lamang siya at sasabihing iyon ang paraan ng paglalambing.

Wala bang dahilan para magdalawang isip ang babaeng iyon na may gusto ka sa kaniya? 

At hindi ba masama kung masabi na lamang niya sa'yo na: "Pa'no yan, Mahal na kita?"


ano pong tingin niyo? may

ano pong tingin niyo? may gusto siya o wala?

Luca's picture

palagay ko wala

wag kang papadala sa mga pakiyeme ng mga boylilets na ganyan.... I used to be a boy. And I used to know how it is. Hehehe (actually, nagagamit ko pa yang mga tricks na yan minsan)

wag kang umasa girl... para kung meron man (at malabo ito) masusurprise ka na lang... may impact.

ikipipap mo lang yang kiyeme. pakaladkad ka lang. pero wag na wag kang magpepress-release na bet mo siya.

in short, girl, magpadelicious ka lang muna

 

wag kang pipikit...

.......

Minsan kakalogerns yang mga guys,eh...lol.

Sa akin teknik jan, ibalik mo sa kanya kung anong binibigay nya sa 'yo (ang gulo)

Ex.

     Pa sweet s'ya maxado, edi pa sweet ka din ( 'yong tipong mag ba-vibrate ang body n'ya sa kilig)

     Pag ramdam mong nag pi-flirt lang s'ya edi maki flirt ka din  (wag lang sobra)

     Pag pinupuri ka nya or what so ever, puriin mo rin ng malupit yong tipong mapapapungay ang mga mata nya.

 

...basta the thing is dont expect too much, just play it cool and right,..mas enjoy pag di mo binibigyang malisya ang lahat. Pag nag tapat s'ya, girl yon na ang GO!! signal para bigyan mo ng malisya ang lahat,..lol.

 

Yiennarda's picture

Agree!!!

Basahin mo ung book na "He's Just Not That Into You"  maliliwanagan ka gurl!!!

Try mong mag flirt sa iba, check mo reactment niya hehehehe....       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

Luca's picture

tong si yien..

advice-an ba si bagets na lumandi sa iba...

hustler ka talaga mare!!! hahahaha 

wag kang pipikit...

Yiennarda's picture

Di ako maga-advice nang

Di ako maga-advice nang hindi nagwo-work...

You want result??? Then do what you have to do gurl!!! 

 

Dina uso ang pakiramdaman ngayon noh!!!  

 

hahahaha... namaaan!       

      http://wattuduyanie.blogspot.com/

       

noelablon's picture

haha!

Katuwa naman ito.

Para sa akin, this could lead to 2 things (Siyempre GOOD or BAD yun).

Tama pareho sila Luca at Yiennarda, pero kung kay Yiennarda ang susundin mo - when flirting with others be mild kasi magmumukha kang alam mo na kasi you are with this guy always tapos you are flirting with another. Yung parang tipong iparamdam mo lang na hindi lang siya ang option mo.

May kilala akong guy na ganyan, my friend before. Feeling niya secured siya sa frienship niya with this girl. Hinahatid niya rin ito at sinusundo, kaasaran niya rin ito. It depends din sa guy. Kaya maganda yung sinabi ni Luca, pakaladkad ka muna haha! Kapain mo ang kanyang ugali. You might be falling pero try mong pigilan dahil if you loose control - you might loose din.

Kung curious ka what happened to my friend. Mabait talaga kasi friend ko kaya naging best friends sila nung girl for many years (from high school hanggang noong naging ka-trabaho ko siya) and now they are happily married. Naging sila noong mga ilang buwan pa lang kaming mag-office mates - imagine kung mahal nung babae yung guy, ang tagal niyang naghintay. They got married after a year nilang magkasintahan. Ang nakakatawa nga eh naging confidant pa ako ng girl kapag may tampuhan sila pero I am glad nag-work yung relationship nila. So sa kanilang dalawa mas bumilib ako sa girl - kasi na-contain nya yung feelings niya. Old fashion pero I am hoping meron pa ring ganyan.

====

Mga Patok sa Takilya

ah ganu po? nakakatuwa naman

haha..try ko nga un.. pero siyempre, bilang isang matinong babae alam ko po ang limitasyon ko. salamat po sa inyo

ah ganun po? nakakatuwa naman po sila. sa pinagkahaba haba nga nman ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy. maraming salamat po sa mga advice:) sa uulitin po.

actually po, galit kami

actually po, galit kami ngayon, dahil sa napakababaw na dahilan, lagi po kaming nagkakagalit pero ang dahilan po ay laging mababaw lang, madali po siyang magtampo, at di ko po alam kung talagang ginagawa niya iyon, para lang maiwasan na ako. Ano po ba sa tingin ko ang nararapat kong gawin?

Luca's picture

bagets...

hindi siya nagtatampururot para iwasan ka...

 

yan ang classic pa-cute move number 32.

 

dapat gawin: slight patol... magsorry kang konti (yung todo- sorry na ha...- yung nasa commercial ng Nido) pero wag gagawin ng higit sa 2 beses sa isang araw.

wag kang pipikit...

ah ganun po?.. naku madami

ah ganun po?..

naku madami na po kayong natutulong sa akin. salamat pong  muli..

Lyds78's picture

basta wag mong itotodo sa iisang tao

may isang di ko makakalimutang tao ang nagsabi sa akin noon na:

"huwag mong ibuhos ang pagmamahal mo sa akin, magtira ka para sa sarili mo para pag nawala ako, me ibibigay ka pa sa iba..."

sinabi niya ito almost 1 month bago siya namatay at nung wala na siya, narealize ko ang wisdom ng sinabi niya.

kaya take it easy, girl.  Kung ukol, bubukol, ang hinog sa pilit, kadalasan ay mapait...

 

...isang silip sa iyong daigdig...

....

Pag isipan mo mabuti kung deserving ba syang aluin o bigyang pansin, nag i-effort ba naman ang kumag na yan.

noelablon's picture

aruy!

Nasabihan pang kumag hehe! Oo nga, me effort nga ba? Baka nga naman puro pa-cute lang yan. Pag inapi ka sabihin mo lang kay pinxu, siya bahala... hehe!

 

====

Mga Patok sa Takilya

noelablon's picture

Sapul na sapul....

It worked great actually. I don't know why it really did. Actually, noon (wag na itanong kung kelan at ano edad ko that time) meron isang girl na talaga namang crush ng bayan sa amin. I tried to ignore her pero for my own reason (takot sa rejection at super torpe po kasi ang inyong lingkod), ayun I found out from my sister na of all the bees roaming around her e wala siyang natipuhan bagkus yung isang bubuyog na ayaw lumapit at todo ignore ang ginagawa sa kanya doon daw siya may tama (ako daw sabi ng sister ko). Di ko talaga maunawaan ang mga babes up to now, kahit ngayong may asawa na ako ay minsan di ko rin maunawaan ang misis ko  - paminsan-minsan lang naman.

Awa ng lemon juice, orange juice at kung ano-ano pang juice ay hindi kami nagkatuluyan nung gurl na yun - buti na lang kasi I found my better half.

====

Mga Patok sa Takilya

"KUMAG"

haha

musta nman ung word n un:] ndi..baet nman pu un eh, xarap kxma, lambing pa...aq nga lng inaakap nun eeh..kya nman nkkdurog ng puso.. hihi. 

naku, cge pu,  pag inapi aq, ttwagin ko c 'pinxu' hehe

gnun..

kung ukol, tska lng nga nman bbukol, at kay kuya NOEL? naku, meant to be po kau ng asawa niu:) mei anak n pu ata kayo?

slamat pung muli.

Luca's picture

hooooy!!!

"aq nga lng inaakap nun eeh..kya nman nkkdurog ng puso.. hihi." 

eh talandi ka pala e!

 hahahahaha! keepipap bagetz!

wag kang pipikit...

HINDI NAMAN PO

hindi naman po, talagang nadudurog lng puso ko, siyempre iba yung pagtrato niya sa akin, tapos may nararamdaman pa ako sa kaniya, kaya aun..:D

Hahahahah...

Pag ako ang guy, sarap nga yumakap sa willing mag pa yakap. Gets mo?!!

Diyos ko buhay!!!Tongue out

Well it all depends on you.

Just PLEASE lang wag ka pa sobrang yakap,ha?!!. Minsan masakit sa mata e.

Peace..Foot in mouth

jode_abbot_1988's picture

^^v

kayat nga sabi ni bob ong "hindi porket mabait sa iyo ang isang lalaki eh may gusto na siya. may tao lang talagang pinanganak na mabait." tama ba ang pagkakasabi ko?^^v

Kinse's picture

ayon daw kay Bob

ayon daw kay Bob Ong..

"Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa." 

 

pero mas gusto ko yung,

Wag kang maghintay ng lalandi sayo, dapat lumandi ka rin..

hehehe...

Ganun talaga kalakaran sa mundo neng, pero kapag sasabay ka sa kalakaran alam mo din dapat limit...

 

yun lang..

nice post..

Apir! 

scherle's picture

hmmm...I feel what you feel.

hmmm...I feel what you feel.  Parang nasa ganyang sitwasyon ako ngaun..(sort of).  baka natotorpe lang?  Tayo kasing mga girl, nafifeel natin na may assurance pag sinasabi sa atin.. Pangit naman kasing maging assuming db?

 

True fullnes is having what our hearts truly desire, running over  -SFC Live

lonely probinsyana's picture

hello...

...may gusto

 

 

yan ang sagot ko..enjoy life neng..nagmahal na rin ako.....gawan mo ng paraan para malaman mo kung ano talaga kayo...minsan...torpe ang mga lalake,,kaya pinapadama na lang nila yung pagmamahal nila....kaya ganun...gudluck...mag first move ka na kasi..hehehe